Inday.
"Sorry na, Air.. 'di na mauulit." sabi ko kay Air.
"SA TINGIN MO MABUBURA MO YAN!?" sigaw nya natatakot tuloy ako sa kanya.
"Sorry na nga eh!" sigaw ko 'din, tinulisan ko yung tingin ko sa kanya.
"AT MAY GANA KA NANG SUMIGAW NGAYON, HA!?"
"Oo, baket!? Akala mo ikaw lang ang may ganang sumigaw?"
"CLASS!"
"Inday! Ano bang ginagawa mo kay Sir Reyes!?" sigaw ng teacher kong lalaki sa akin.
"Sir, sinisigawan ako eh!" sabi ko.
"So? Ikaw naman, Inday! Wala kang karapatan na sigawan si Air! Anak yan ng Dean!"
"Okey."
Umupo na ako at nagdiscuss na si Sir, kampihan pala 'to ha? Pwes. May maganda akong gagawin. Hahaha.
Nagring palang ng 2 seconds tumakbo na agad ako sa labas ng room. I have an idea!
Kinuha ko yung mega-phone sa may music room at pumunta sa stage.
"MAKINIG KAYONG LAHAT!" sigaw ko at nagpuntahan naman yung mga students sa harap ko.
"Lah! Si Inday yan diba? Lakas ng loob magannounce ha?"
"KILALA NYO SI AIR REYES!?"
"Epal talaga 'to kahit kailan eh!"
"Sisiraan nya siguro si Air Baby!""SI AIR! HINALIKAN AKO NYAN KANINA! SABI NYA PA CRUSH NYA AKO!"
"Hutaena. Hahahahaha. Kung mag-assume nga naman oh!"
"Bwahahahaha, tska ka na lang mag-assume, Inday kapag maganda ka na!"
"Si Air? Hahalikan sya? How pathetic. Hahahaha, nakakatawa ka lang, Inday!"Nagpout ako sa harapan nila at sinoli na yung mega-phone sa may music room. Lumabas na ako ng school at may tumatawag ng pangalan ko, I mean. Katangian ko pala, hehe.
"Panget!"
"Hoy panget!"
Nakitat ko kung sino yung sumisigaw. Si Air, ieww!
"IKAW!" sigaw nya sa akin at tumalikod lang ako, di ko sya papansinin! —__—
"Hoy! Ano yung sinabi mo dun sa quadrangle kanina? Na sinabi ko daw crush kita tapos hianlikan pa kita! Ang kapal mo din, Inday eh noh!? Ang lakas mong mag-assume! Gagawa ka na lang ng kwento, yugn hindi pa halata. Gagawa ka na lang din ng kwento, yung hindi pa kapanipaniwala at napakapanget mo para halikan kita noh!? Iww. SUPER KADIRI!" hinayaan ko lang syang siraan ako.
"Grabe ka mag-assume!"
"Napakapanget mo naman!"
"Ano!? Papalag ka pa?"
Nagulat ako ng maramdaman kong may tumulong luha galing sa mga mata ko. Grabe, nakakatats naman.
TT___TT
Umuwi na lang ako ng bahay, buti na lang walang tao sa bahay. Si Madam Antonia sa linggo pa uuwi. Tapos yung mga anak nya naman, may outing kasama yung mga barkada nila tapos baka lingoo na din uuwi.
Pagpasok ko sa kwarto ko. Nagulat ako kasi may babae dun na ubod ng dyosa. Maputi, Matangos ang ilong, at walang pimples hindi katulad ko.
"Inday.."
Nagulat ako ng tinawag nya yung pangalan ko, naku! Ayoko pa mamatay, Lord please.
"Inday, nasasaktan ka na ba sa pagiging panget mo?"