=Chapter 4= Hello Seatmate
Jason’s POV
Okay..
5 minutes before the class starts.
Pumunta na kami ng barkada sa classroom.
Tiningnan naming kung sino ang mga magiging seatmates naming.
Magiging Masaya sana ako kung lalaki ang magiging seatmate ko,
Hindi ako bakla ha!
Kaya ko lang gusto na lalake ang seatmate ko ay para wag na lumaki yung isyu ng pagiging timer ko.
Pero, hindi eh.
Babae ang magiging katabi ko.
Ok na din. Si Christine naman eh.
Mabait yan. Siguradong magiging close kami.
Pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko nab aka lumaki na naman ang isyu.
Pagod na pagod na talaga ako.
Nung nakita ng barkada na nalungkot ako bigla nung nalamn kong babae ang seatmate ko.
Lumapit kagad sila sa’kin.
May tumapik sa balikat ko.
“Dre, ok lang yan. Andito lang kame” sabi ni Alexander habang tinatapik yung balikat ko.
Yan si Alexander Markx Tenorio. Mabait yan.
NGSB. Hindi ko alam kung bakit NGSB siya, gwapo naman, mayaman pa.
Ewan ko sa kanya.
Biglang may tumapik ulit sa balikat ko.
“Oo nga dre. Oks lang yan. Gusto mo kausapin ko pa yung babae?” sabi ni Byron.
Yan naman si Byron John Cruzado. Stitck to one.
Kahit na madami na yang nagging girlfriend, sa tuwing magkaka-girlfriend yan,
Stick to one. Eh di ayus!
Mabait din yan kaso may kayabangan. Pero okay na din.
Yang dalawa ang mga tropa ko. Mababait yan, gwapo, hindi naman sa nagyayabang, kami ang heart throb dito sa school namin.
Balik sa topic.
Uupo na ako sa tabi ng seatmate ko, si Christine.
“Hi, I’m Chris-“
Hindi ko alam kung bakit siya napatigil.
Kinuha ko na lang din yung kamay niya para makipag-shake hands.
“huy Christine! Kilala mo na naman ako diba kaya hindi na ako magpapakilala.” Sabi ko sa kanya habang natutulala pa din siya.
Hindi ko napansin na sumunod pala sakin si Byron.
Dumiretso sya kay Christine.
Sabay sabing:
“Hi, I’m Byron John Cruzado, nice meeting you, inaasahan ko na hindi mo ifi-flirt si Jason, alam mo na naman ung issue diba? Inaasahan ko din na wag mo sana palakihin yung issue nay un.”
Pagkatapos yun sabihin ni Byron, umalis na din siya kagad, hindi man lang niya pinagbigyan ng pagkakataon si Christine na makapagpakilala. Si Byron talaga!
Nung nakita ni Christine si Byron at narinig niya yung mga pinagsasabi ni Byron, natanggal na siya sa pagkatulala.
*end of POV*
Christine’s POV
Hindi talaga ako maka-get over na si Jason ang makakatabi ko this whole school year.
Lalong lalo na dun sa mga salitang binitawan ni Byron ba yun?
Wag ko daw ifi-flirt si Jason.
Alam ko naman yung issue eh.
Hindi ko lang talaga masikmura na ang tingin niya sakin ay isang flirt.
Bahala na.
Tsss.
Nakita kong umupo na sa tabi ko si Jason sabay tanong:
“Huy Christine, okay ka lang ba? Pasensya na tungkol dun sa mga nasabi sa’yo ni Byron ha..”
Marinig ko lang ang boses niya, anlakas at ang bilis na ng tibok ng puso ko.
Parang may nagtatambol.
*dub dub dub dub*
Sumagot kagad ako kay Jason na nauutal pa.
“ha-ha -? Ahh, oo naman, okay lang ako Jason” tapos ngumiti. Isang natural smile.
Ngumiti din siya.
AYYYYYIEEEE!!!!
Ang gwapo niya talaga, sana maging close kami.
Kasabay ng ngiti niya ay pumasok na ang adviser namin.
Si Ms. Melendez.
“Good morning class, now, kindly introduce yourself..”
*blah blah blah*
Hanngang sa turn ko na para magpakilala na ako.
“Annyeong! I’m ChristineAlexis Mercado, I hope we’ll all be good friends!”
Turn na ni Jason.
Ang cool ni Jason, sa pagtayo pa lang, grabeeee!
“I’m Jason Christopher Alcantara, nice meeting you all.”
Ang cool niya talaga.
After niyang magpakilala nag-smile siya bigla sa’kin.
YIIIIIIIE!
Sana..
Sana magkatotoo ang mga iniisip ko.
After magpakilala ng lahat, nagsalit bigla ang adviser naming.
“Class, be sure that you will be close friends with your seatmate because in every subject, you’ll have an activity by pair, and your partner is the one sitting next to you at this time.”
Iba-iba ang reaksyon ng mga kaklase ko.
May natuwa, meron ding nag-reklamo.
Tiningnan ko ang reaksyon ni Jason, wala lang.
Emotionless siya.
Saying, hindi ko malalaman kung Masaya ba sya or hindi.
Kahit naman ako eh,
Hindi ko alam kung matutuwa ako.
Baka kasi lumaki yung isyu, kagalitan pa ako nung barkada ni Jason.
Habang iniisip ko ang mga bagay nay an, biglang nalaglag yung ballpen ko.
Nilimot kagad yun ni Jason at iniabot sakin.
Habang inilalahad niya yung kamay niya na hawak yung ballpen, nakangiti lang siya sa’kin.
Grabeee!
Sasabog na ang puso ko.
May nararamdaman nga kaya si Jason para sa’kin?
END OF UPDATE.
Sensya na maikli.
Anu reaksyon nyo na may isa na naming babae ang naka-misunderstand sa pagiging gentleman ni Jason?
OH NO!
Anu kaya ang mararamdaman ni Christine kapag nalaman niya na misunderstandings lang ang lahat?
Watch out for my next update.
Vote, comment and be a FAN!
Saranghae. <3
BINABASA MO ANG
PITY turns to LOVE.
Teen FictionPlease support my first story.. Love lots! It's all about how to love a person.