Don't Wanna Think About It <///3

63 2 0
  • Dedicated kay Mark Syaoran LI Balaong
                                    

"Psst! Hoy! Kuya Balaong! Umagang umaga nakasimangot ka. Whatsh da problem ? Baka matulungan po kita." tapos tumabi ako sa kanya, pero hindi pa rin sya tumitingin sakin.

KAWAY KAWAY.

Wala pa rin.

Kalabit- Kalabit.

Wala pa rin.

"Ahh ganon ha." Binatukan ko nga siya.

"Araaaaaay." tapos napakamot sya ng ulo. "Aishh. Bakit nambatok Bunso?"

"Kuya, medyo matagal na po kasi akong tinatawag ka at hindi ka man lang sumasagot! Ano po bang problema?"

"Ha? Wala naman. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nagawa ni Rory sa grupo."

"Hayyy. E, wala tayong magagawa kuya. Siguro parte na talaga ng buhay to', tsaka diba nga ang sabi ni Sir. Fernan, lahat may dahilan?"

Kung sabagay. Kung iisipin rin kasi naging bestfriend ko rin, ayy namin pala si Aurora. Lagi syang kasama sa mga gala at sa mga trip namin. Kahit ako nung una nabigla sa mga nalaman ko. Pero alam ko namang mas malaki ang epekto ng mga nangyari kay Kuya Balaong…

***FLASHBACK***

“Bunso, pano kung naghoholding hands na kayo pero hindi pa naman kayo o kaya hindi pa naman kayo nag-aaminan?”

“Wow Kuya ha. Sino po yun?”

“Si Aurora.”

“Eeeh? Kelan pa po?”

“Basta.”

Tapos, dun nagsimula love story nila. Nakipag-chat ako kay Aurora, kung may nararamdaman din sya para kay Balaong. Syempre, sino ba naming hindi magtataka diba ? XD Magkaholding hands kayo ng walang dahilan? Holding hands while walking. At ang resulta ng aking pagtatanong kay Aurora kung may gusto rin sya kay  Balaong…

“Uyy, Aurora, mahal mo po ba si Kuya?”

“OO.”

KYAAAAA~ Kinikilig ako. XD

“ Kuyaaaaa.. Bakit ayaw mo pang sabihin? Di ka po ba naniniwala sakin?”

“Takot kasi akong masaktan at malay natin, Joke lang yun.”

“Alam mo po Kuya, kung hindi mo susubukan, wala kang makukuha.”

“E pano kung hindi nga ?”

“Trust me kuya. Hindi ka mabibigo :)”

“Gusto mo po itanong ko muna para sure?” pahabol ko.

“Hindi, okay na yung may clue ako. Ang kaso, hindi ko alam kung paano sasabihin e.”

“Edi mag-usap po kayo! Tulungan kita :D”

“How?”

“Panong How?”

“How? Paano? Paano ko sasabihin?”

“Pag-usapan po natin mamayang Lunch.”

“Okay!”

Ayun, tinulungan ko si Kuya at mukha naming tagumpay. Naging sila na. Ang sweet sweet nga nila e. Mukhang masaya. Kainggit XD Hahaha. Ang hiling ko lang sa kanila ay sana magtagal sila.

 (Picture of Aurora(Left), Me(Middle) and Kuya Balaong(Right)-------------------------->

Pero hindi pala matutupad yung hiling ko para sa kanila…

December 25. Nagbreak sila. Ayaw nang pag-usapan ni Kuya kung bakit basta ang alam ko, wala na sila. Awang-awa ako kay Kuya noon.

***END OF FLASHBACK***

Naiintindihan ko si Kuya. Pero mahirap rin kasi yung mga pinagdaanan ni Aurora. Laging galit sa kanya yung mga magulang nya. Siguro, wala lang syang mabuhusan ng mga dinadamdam kaya ayun.

Alam mo kuya, okay lang yan. Marami pang iba dyan :D.” Tapos tumingin sya sakin saka nag-smile at tinapik sa balikat.

“Haha. Tama ka dyan bunso. Tara.”

-------------------------------------------------------------------------

Ang sad ng story ni Kuya Balaong ano? Inedit ko na lang po kung kelan sya nangyari. Pero totoo po lahat yan :) Sana po nagugustuhan nyo :D

Mahal ko kayong lahat :***

Our Story's ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon