IMPNC 3 ♥ CHP.9

322 9 1
                                    

Chapter 9

"Memories"

Nag-agawan silang dalawa sa baril nang pumutok ito sa katawan ng isa sa kanila.. Gulat sa mukha ang rumehistro sa kanila at naunang bumagsak si Athan na sapo nito ang kanyang tagiliran na naglalabasan ng dugo mula sa loob ng kanyang katawan.

Nanalaki ang mata ni Kenneth at binitawan niya ang baril. Nakatingin siya kay Athan na nakahandusay sa sahig na mukhang patay na. 

"H-hindi.. Hindi ko siya p-pinatay. Hindi ako!" narinig niya ang pag-iyak ni Xyrene kaya lumapit siya dito. Inalalayan niya makatayo ito kasama si Edward. Niyakap niya ng mahigpit si Xyrene at hinimas ang likuran nito. Habang si Edward ay tahimik lang na nakatingin sa dalawa.

Nakaharap si Xyrene sa katawan ni Athan habang kayakap niya si Kenneth. Nakita niya na unti-unting gumalaw ang kamay ni Athan at inabot nito ang baril. Nagulat si Xyrene dahil mukhang sa kay Kenneth ito itututok kaya naman ay hinarangan nya ito ng katawan niya at siya ang natamaan sa likod imbes na si Kenneth. Bumagsak ito at bumunggo ang ulo sa isang bato.

Isang putok ang pinakawala ni Edward kay Athan matapos nitong barilin si Xyrene. Narinig nila ang ingay ng mga pulis na papalapit sa kinaroroonan nila. Agad na lumapit si Edward at binitawan ang baril. Itinulak niya palayo si Kenneth kay Xyrene at niyakap niya ang katawan nito.

"Xyrene wag.. wag mo ko iwan. Xyrene! Gumising ka!" ginalaw galaw ito ni Edward pero wala itong sinabi at unti unti ng pumikit ang mga mata nito.

"Xyrene! Mahal na mahal kita! Gumising ka!" tuluyan ng umiyak si Edward habang yakap ang katawan nito na puro dugo.

Walang magawa si Kenneth. Hindi niya magawang hawakan ang katawan ni Xyrene. Tumayo si Edward at kinuwelyuhan si Kenneth.

"Kasalanan mo to! Walang hiya ka Kenneth! Ikaw ang peste sa buhay namin! Ano masaya ka na ba ha? Masaya ka na ba dahil natapos na ang paghihiganti na ginawa nyo ha!" sinuntok niya ito sa mukha at bumagsak ito. Itinayo niya ulit ito at pinagsusuntok habang iniinda niya ang sakit sa pagkakasaksak sa kanyang tiyan.

Inawat sila ng mga pulis na nagdatingan. Isinakay sa ambulansya ang katawan ni Athan at Xyrene. Sumama sa ambulansya si Edward para bantayan ang lagay ni Xyrene habang si Kenneth naman ay dinala ng mga pulis. Hindi ito nakibo at kusa na lang sumama sa mga alagad ng batas.

Pagkadating sa hospital ay nagmakaawa na si Edward sa mga doctor na sagapin ang buhay ni Xyrene.

Makalipas ang ilang oras na operasyon ay lumabas na ang doctor.

"The operation was successful. But sorry dahil nawala na ang baby niya." pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ang doctor.

Nakaramdam siya ng tuwa dahil nailigtas ng mga doctor si Xyrene pero ang malaman niya na wala na ang baby nito ay hindi niya malaman kung ano ang irereact niya. Kung matutuwa ba siya o hindi? Dahil hindi niya naman anak iyon.

Inilabas na ng mga nurses sa ER ang katawan ni Xyrene para dalhin ito sa kwarto nito. May bandage ang ulo nito at may mga nakakabit ng tubo sa katawan nito.

Bago lumabas ang mga nurses ay tinanong niya kung kailan magigising si Xyrene. Mas lalong gumaan ang pakiramdam niya ng sabihin nito na ilang oras lang ay gigising na ito.

Makalipas ang maraming oras ay nagmulat ang mata ni Xyrene. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa kirot na naramdaman niya pati sa kanyang likuran.

"Xyrene?" nagkusot pa ng mata si Edward dahil kakagising lang niya mula sa pagkakatulog. "Xyrene! Gising ka na!" agad niya itong niyakap. 

Gumanti naman ng yakap si Xyrene dahil sobraniya itong namiss. Hindi niya akalain na mayayakap niya pa muli ng mahigpit si Edward.

"Edward! Pinapatawad mo na ba ako?" sabi niya habang magkayakap sila. Napahiwalay naman si Edward dahil hindi niya maintindihan ang tinatanong nito.

[ I.M.P.N.C season-3 ] ♥ Fight For Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon