Chapter 34 - she'll be back..

2.7K 47 2
                                    

Chapter 32

*Jack*

“hypertensive encephalopathy, Mr. Peterson.. it caused by sudden and sustained elevation of her blood pressure.. tumaas bigla ang blood pressure niya at sa case ng asawa mo, it is best explain as eclampsia..”

Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo nito sa twing maalala ko ang mga sinabi sa akin ng doktor kanina.. halos gumuho na ang mundo ko nang malaman ko ang sitwasyon ngayon ng asawa ko.. at lalo pa na...

Na makita siyang nandito ngayon sa loob ng ICU, nakaratay sa kama at minomonitor ng mga doktor..

napahigpit ang pagkakahawak ko sa bedsheet ng kama ni Sharlin.. napayuko din ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko at wala na kong magawa kundi ang umiyak na lang.. hindi ko maisip na mangyayari ito sa amin, samantalang kanina lang ay masaya kaming magkasama sa park..

kung hindi lang siguro ako nakaupo, baka bumagsak na din ang katawan ko..

“s-sweetheart naman..” hindi ko napigilan ang paghikbi ko.. “bi-bibili pa tayo ng fishball diba? Diba, sweetheart?”

Napahagulgol ako.. masakit na masakit ang nararamdaman ko, to the point na gusto kong yugyugin ang asawa ko para lang magising siya at sabihin nya sa aking ok na siya.. kapag ganun ang nangyari, saka pa lang ako magiging maayos at kampante..

Hirap na hirap na ang kalooban ko.. kahit hindi pa natatapos ang araw na to, miss na miss ko na ang asawa ko..

“pare..”

Pinunasan ko ng mabilis ag pisngi ko.. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko sina Mike at Shan na nakasuot na din ng hospital gown, mask at net.. lumapit sila sa akin at hinawakan ang balikat ko..

“pare.. kami muna magbabantay kay Sharlin.. kumain ka muna..”

Umiling ako.. “no..” matipid kong sabi..

“pare.. baka naman ikaw ang bumagsak jan? Kumain ka muna..”

“bakit ganun? Kanina lang magkausap kami ni Shane Liane eh.. kanina lang nagbibiruan pa kami.. kanina lang...” hindi ko na napigilang hindi umiyak sa harapan nila.. “kanina lang....”

“she’ll be fine.. she’ll be fine..” Shanna said..

“ang sakit.. ang sakit sakit..”

“she will be fine, pare..”

Napatango ako at pilit na hindi umiyak sa harapan nila.. i let a huge sigh.. “yea.. i know, i know..” i wiped my tears at muling hinawakan ang kamay ni Sharlin.. “she promised me that she’ll never leave me.. alam kong tutuparin nya un..”

Shan tapped my shoulders and i felt her hugged my back.. ayokong kaawaan ako ng ibang tao.. hindi ko ugaling umiyak sa harapan ng ibang tao, at humingi ng tulong.. lalo na ang umiyak like this.. i really love her so much kaya ko nagagawa ang ganito.. at sa ngayon, mas kailangan ko yatang ilabas to dahil mababaliw na ko sa sakit ng nararamdaman ko..at kailangan ko sila..

Love at First MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon