Hannah's POVKinabukas hindi ako pumasok. Para makapagpahinga ako at saka mag papacheckup ako ngayon pero hindi daw si Dad an sasama sakin. Sino naman kaya?
Haist!! Ang hirap mag isip. Antayin ko na nga lang. Nagbasa nalang ako ng Wattpad at nagsurf sa fb.
"Anak bumaba kana dito. Aalis na kayo." Sabi ni Dad. Sino ba kasi yon? Ano ba yan si Dad? Pasasamahin ako sa hindi ko kilala.
"Sandali lang po." Sabi ko at kinuha ang aking bag. At bumaba narin ako.
Narinig kong may nagtatawanan sa sala. Wait, sya ba yun? Pero that's impossible. Galit sya sakin pano sya pupunta dito atsaka san sya titira diba.
Para hindi ko tinatanong ang sarili ko nag disisyon akong tawagin na si Dad. Napalingon sila sa direksyon ko.
At hindi nga ako nagkamali sya nga.
"Samuel?" Ngumiti lang sya. Kaya naman tumakbo ako at niyakap sya naiiyak narin ako.
Niyakap nya din ako. "Ssshhhh... Tahan na. Hindi naman ako nagalit sayo eh. Nagtampo lang ako sayo nun kasi iiwan mo ko dun. Tapos nung kakausapin na kita nakaalis kana. Hindi naman kita matawagan kasi nasnatch yung phone ko tapos di ko pa alam yung number mo kaya di kita matawagan. Tapos sakto naman na liliapat narin kami dito sa Manila. Tapos pareho pala tayo ng village. Kaya nakita ko si Tito habang nagjojoging ako kahapon. Tapos nagkausap kami sabi nya. Palagi ka daw umiiyak nung dumating kayo dito dahil akala mo galit ako sayo. Kaya napag didisyonan namin na wag kang papasukin ngayon para sa makapagbonding tayo. Tapos---" tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya.
"Wala ka paring pinagbago. Madaldal ka parin. Hahaha.😀😀" sabi ko. Pati tuloy si Dad natawa.
"Syempre kelan bako nagbago? Let's go na?" Tanong nya.
"Halika na. Bye Dad." Sabi ko at umalis na.
.....
Nagpacheck up na kami binigyan ako ng maintenance at syempre inhaler. Pagtapos namin mag pacheck up nagpunta kami sa school ko. Nagpaenrol sya. Tapos nagpunta kami sa mall.
"Uy Sam, punta tayo dun oh." Sabi ko.
"Ano bang meron don?" Tanong nya.
"Malay ko ba tingnan muna natin." Sabi ko.
"Okey." Sabi nya. Kaya hinila ko na sya papunta don. Mga couple bracelets, ring etc.
Nacutan ako dun sa isang bracelet na may tatak na 'I love you' tapos may bear sa gilid.
"Sam, bili mo naman ako nun oh."😊 Sabi ko ng nagpapacute pa.
"Okey." Tapos lumapit sya dun. "Ate, magkano po toh?" Tanong nya sa tindera.
"₱1,000 po per pair." Sabi ni Ate.
"Hindi po ba pwedeng isa lang?" Tabong nya.
"Hindi po eh. Couple bracelet po kasi sya eh." Sabi Ate.
"Sige po bibili ko po." kumuha sya ng pera sa wallet nya at binigay dun kay Ate. Binigay naman ni ate kay Sam yung dalawang bracelet. Tapos binigay nya sakin pareho.
"Oh, bakit binigay mo sakin lahat?" Tanong ko.
"Eh kanino ko yan ibibigay?" Tanong nya din.
"Hay ano ka ba? Tig isa tayo." Sabi ko at sinuot sakanya yung isa.
"Eh hindi naman tayo couple ah." Ako lang bayon? Oh tunog bitter talaga pagkakasabi nya non.
"Hindi naman lahat ng may couple ang tawag sa couple lang pwede. Gaya nito. 'I love you' yung nakalagay pero hindi naman lahat ng sinasabihan mo ng i love you yung bf or yung partner mo lang. Pwede din naman sa kaibigan mo o kaya sa family mo, diba?" Sabi ko.
"Oo nga noh. Tara kain tayo libre ko." Sabi nya.
"Tara." Sabi ko.
Pumunta kami sa fave resto namin. Tapos kumain kami then naglibot kami. Naglaro pa nga kami sa Timezone tapos pumunta kami sa nadaanan namin kanina.
Maganda dito kasi kita mo yung buong city pati yung mga ilaw ng mga buildings and street lights.
Sam's POV
Naisip kong ngayon na magconfess sakanya nakwento rin kasi sakin ni Tito yung tungkol sa paghahatid nung Jaspher Alcantara nayun kay Hannah kahapon.
Kaya naisipan kong umamin na sa kanya. Baka maunahan pako ng Jaspher na yun. Boto naman sakin si Tito eh.
"Hannah..." Tawag ko sakanya.
"Bakit ang tahimik mo ata Sam? May problema ba?" Tanong nya.
Lalo tuloy akong kinabahan."Gustokita." Mabilis kong sabi.
"What? Ang bilis mo naman magsalita Sam eh pano ko maiintindihan." Sabi nya.
Aish! Ang hirap pala talagang magconfess.
"Gusto kita." Sabi ko kaso pabulong.
"Sam naman eh. Pano kita maiintindihan kung ganyan ka. Kung hindi sobrang bilis, sobrang bagal naman. Bahala ka pag hindimo inayos hindi na talaga kita kakausapin." Sab nya.
Nataranta ako kaya napasigaw ako.
"GUSTO KITA!"
![](https://img.wattpad.com/cover/90580393-288-k998192.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Mine
Teen FictionHannah Santos isang mabait at tahimik na istudyante. Grade 10 student at St. Peter University. Maganda sya kaya marami ang nagkakandarapa sa kanya. Pero tandaan nyo kung ano ang akin, akin. Jaspher Alcantara isang playboy at bully pero simula nang...