Jaspher's POVNgayon ko balak gawin yung balak ko sa kanya. Nakita ko naman yung tingin sa kanya nila Katty. Hawakan ba naman ako, si Katty nga hindi ako malapitan, mahawakan pa kaya.
Binalaan ko na kasi sila Katty. Tapos ayun natakot so hindi na makalapit sakin.
Actually, ayoko naman talaga maging 'center of attraction' sadyang pinanganak akong gwapo, anong magagawa ko?
Maganda talaga si Hannah. Kaso may atraso sya sakin kaya pasensyahan tayo.
Ang balak ko talaga palabasin na gf ko sya. Kahit dun lang mainis ko sya kahit konti.
Nakita kong inaaway na sya nila Katty. I thunk this is the right time.
"Hey, What are you doing? Katty don't you dare to touch my girlfriend again or else..." Sabi ko sabay hila sakanya. Grabe nakaktawa yung reaksyon nya kanina natulala. Hahaha.
"Jaspher bitawan mo nga ako! Atsaka ano yung sinabi mo kanina na girlfriend mo ko?!" Sigaw nya sakin.
"Ano ba wag ka nang umangal pa. Pasalamat ka nga at sinabi kong girlfriend kita noh?
Marami kayang nagkakandarapang mga babae maging girlfriend ko lang." Sabi nya.
"Okey edi thank you. Atsaka para sabihin ko sayo di ko naman ginustong maging girlfriend mo. Mas okey pa skin kung si Jiminl yung maging boyfriend ko masaya nako. Pero kung ikaw lang din naman mas mabuti pa----" Tsup...
Edi natahimik. Yun lang pala kailangan para tumahimik sya eh. Pasalamat sya sya nakakuha ng first kiss ko. Kahit ganito ko wala pa kong nahahalikan na babae noh. Di ako gaya ni Daniel noh. Nambubully lang ako pero hindi ako nanghahalik ngayon lang talaga.
Tapos nakarecover na sya sa pagkatulala. At tulad mg inaasahan ko pinaghahampas nya ko habang umiiyak.
"Bakit mo ko hinalikan? Huhu😭😭😭. First kiss ko." Sabi nya.
"Oh so first kiss mo rin yon?" Tanong ko sa kanya.
"Walangya ka!! Isusumbong kita kay bestfriend.😣😣😣"sabi nya.
"Kahit magsumbong ka di na nya mababalik first kiss mo. Gusto mo ibalik ko."sabi ko. Ansarap nya asarin eh. Hahaha.
"Isusumbong talaga kita sa kanya kala mo." Sabay pout. Ang cute nya.
"Edi isumbong mo." Sabi ko. Tapos bigla syang nagwalk out.
.....
Hannah's POV
Waaaahhh!!! Wala na first kiss ko. Kasi naman si Jaspher eh. Nagiispeech pako bigla ba naman akong hinalikan. Waaaaahhhh!! Isusumbong ko sya kay Sam. Kaso parang wala ding kwenta kasi galit sya sakin😭😭😭
Pero wala namang masama kung susubukan kong tawagan sya diba.
So ayun ang ginawa ko tinawagan ko sya kaso hindi nya sinasagot galit talaga sya sakin.
Ano ba yan? Kung kelan kailangan ko ng kausap saka wala. Hayss...
Bakit kasi absent si Jasmine?😔Pumunta nalang ako sa classroom at yumuko nalang ako. Hanggang dumating si Sir Dela Cruz hindi ako nakinig. Hanggang sa mapansin nya ko.
"Ms. Santos are you alright?" Tanong ni sir.
"Yes sir." Matamlay na sabi ko.
"Ms. Santos pwede kang pumunta sa clinic kung gusto mo." Sabi nya.
"Thank you sir..." Sabi ko. Actually kanina pa ko nahihilo eh tapos tumayo nako. Kaso natumba ako. Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit na umiikot na yung paningin ko nahihirapan narin akong huminga.
"Hannah!!!" Narinig kong sigaw ni Jaspher pero wala na black out nako.
Jaspher's POV
"Hannah!!!" Sigaw ko bigla kasi sya natumba buti nalang nasalo ko sya.
"Sir dadalin ko po sya sa clinic." Sabi ko. Tumango naman sya kaya dali dali ko syang binuhat at dinala sa clinic.
.....
Hannah's POV
Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Kaya napahawak ako dito at medyo dumaing ako ginalaw galaw ko din ang ulo ko. Dahan dahan akong dumilat. Puri puti lang nakita ko at may nakupo sa couch. Lima silang lalaki at lahat sila nakatingin sakin.
"Nasan ako?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa clinic ka. Hannah ano bang naisip mo at pumasok ka parin kahit alam mong may sakit ka pala." Grabe naman toh manermon. Daig pa tatay ko eh.
"Wait, Dad ikaw ba yan?" Biro ko natawa naman yung apat na lalaki.
"Hannah wala akong panahon makipagbiruan sayo ngayon ah." Maring sabi nya kaya sumeryoso nako.
"Ano bang nangyari sakin?" Tanong ko. Kasi naman kanina pang umaga masakit ang ulo ko di ko lang pinansin kasi hundi naman ganon kasakit.
"Over fatigue daw at kailangan mo daw magapahinga." Sabi nya.
"Yun lang ba? Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko.
"Pwede na daw. And one more thing bumalik ang asthma mo kaya hindi ka dapat magpagod. At nga pala ihahatid kita ngayon." Sabi nya.
"What? Kaya pala nahirapan akong huminga kanina. Pwede na ba ngayon?" Sabi ko.
"Just wait here kakausapin ko muna si Ms. Nurse." Sabi nya at lumabas.
After ilang minutes nag salita yung isang lalaki.
"Hi Hannah! I'm Daniel Sandoval and this is my twin bro Joel Sandoval." Sabi nya. Teka oarang pamilyar ying muka nya sakin.
"Ah nice to meet you Daniel and Joel. I'm Hannah Santos. Daniel parang pamilyar ka sakin nagkita na ba tayo dati?" Sabi ko.
"Actually yes kami yung kasama ni Jaspher non sa canteen kami ni Patrick yon. BTW, this is Patrick and this is Raven." Sabi nya kaya pala pamilyar sya sakin eh.
"Nice to meet you guys." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Nice to meet you too Hannah." Sabi din nila. Kasunod on ang pag pasok ni Jaspher.
"Let's go Hannah. Guys next time nalang ah." Sabi nya.
"Geh tol. Ingat nalang kayo." Sabi ni Raven ba yon? Basta yung pinakamatino sa kanila.
"Salamat tol. Kayo rin ingat." Sabi ni Jaspher at umali na kami.
.....
Hannah's POV
"Hannah anong nangyari sayo bakit ngayon kalang?" Tanongni Dad.
"Ah Dad over fatigue daw. Tapos bumalik yung asthma ko Dad." Sabi ko.
"Anak wag ka minang pumasok bukas ah. Magpapacheck up tayo. Atsaka dadating sya bukas. Baka sya nalang ang papasamahin ko sayo." Sabi ni Dad.
"Okey Dad. Ah Dad I'd like you to meet Jaspher Alcantara. Sila po ang owner ng SPU. Sya din po ang naghatid sakin." Sabi ko.
"Nice to meet you Ijo ako nga pala si Robert Santos father ni Hannah. Salamat pala sa paghatid sa anak ko ah." Sabi ni Dad.
"Nice to meet you too, Sir. Walang anuman po." Sabi nya ngumiti sya at nakipagkamay kay Dad.
"Ano ka ba Ijo? Tito nalang gusto mo bang dito nalang magdinner? Kahit yun lang mapasalamatan ka namin." Sabi ni Dad.
"Sorry Tito baka po pwede pang next time nalang may Family Dinner po kasi kami ngayon eh. Salamat nalang po." Sabi nya at ngumiti. Nagpaalam narin sya kay Dad at umalis na.
*****
[A\N: Guyss!!! Sorry kung boring. At kung napakatagal kong mag- ud. Nakakatamad kasi. Hope you like it!!😊😊😊]

BINABASA MO ANG
She's Mine
Teen FictionHannah Santos isang mabait at tahimik na istudyante. Grade 10 student at St. Peter University. Maganda sya kaya marami ang nagkakandarapa sa kanya. Pero tandaan nyo kung ano ang akin, akin. Jaspher Alcantara isang playboy at bully pero simula nang...