Chapter 1

792 37 0
                                    

"Cha! Basketball! Tara sa may court! "

"Pass na muna ako!"

"Aba! Hoy Bok! Anong akala mo sa anak ko lalaki para aya-ayain mong magbasketball! "

"Ah-eh.. Hindi naman po sa ganon Aleng Marta...Sige ho mauna na po ako he he... Cha! una na ako..."

"Ma bakit niyo naman po tinarayan si Bok eh tropa ko 'yon..."

"Glaiza Dea Cathleen... Alam mo bang inabot ako ng hating gabi kakaisip ng magandang pangalang pambabae tapos gaganyan-ganyan ka? titibo-tibo ka? Naku umayos ka Cha ha!

"Ma anong tibo dun eh nakikipagkaibigan lang naman atsaka anong maganda sa Dea Cathleen? "

" Cha...kota kana ngayong araw ha tapusin mo na yang ginagawa mo diyan..."

"Biro lang po Ma.. Eto naman alam mo namang lab lab kita eh..."

"Sige na tapusin mo na yan.."

Hayyyss... Lentek na gabundok na labada naman to oh... Gawaing babae to ehh. GLAIZA DEA CATHLEEN.. hmm.. Okay naman yong Glaiza astig naman pakinggan pero yong Dea Cathleen punyemas naninipa eh..naninipa yung kalandian... Sabi kasi ni Mama yung Dea daw sa Italian eh Goddess taz nilagyan niya ng Cathleen so yun ibig-sabihin Goddess Cathleen..pweeee... Gustong-gusto niya eh... Sa tingin ko hindi naman ako tibo pero mas at home ako pagkalaro ko mga lalaki o naglalaro ako ng larong panlalaki, yun nga lang ayaw ni Mama kaya ayun hindi na ako sumasama... Baka daw kasi hindi siya magka-apo...what connect?

*****
"Rise and shine Miss Rhi..."

"5 minutes more Ya"

"Breakfast is ready na iha and your dad is waiting downstairs..."

"Ya... Just 5 minutes please... "

"Do you want me to bring here the food? "

"Yes Ya please and kindly tell Dad that I'm going to have my breakfast here in bed..."

"Sige iha.."

*Ting* (tunog ng cp, sensiya medyo cheap yung technical)

Gosh! Ano bayan..sino ba to?

*Message*
From: Sissy Yna

Want some Gala? I'll be there in your house at 10:00...So better be prepared *wink emoticon* Mwah..

Haaayyysss..... Nagtanong lang kung sasama ,then dapat biglang now na aalis... Wew... This is sooo..ughhh
*sabay kusot ng buhok*

He was a She (Transformed Real Quick)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon