CHAPTER 2: Stolen Kiss

1.1K 46 8
                                    

-Julia's POV-

"Julia, bangon na. May pasok ka pa!"

"Ma, ayaw kong pumasok, eh parang lalagnatin ako!"

"Sus, pauso mo, ah! May sayaw kayo ngayon sa school, di ba?"

Oo nga, no. Sayaw namin ngayon. Tapos partner ko pa si Daniel. How great. Geez, sure ako magagalit sila sakin 'pag di ako pumasok. Sasabunutan nila ko 'pag umabsent ako.

"Opo, ma. Papasok na ko."

Habang naliligo ako, napag-isip isip ko kung nangyari kagabi. Waahh! Hindi ko na kayang humarap pa kay Daniel ngayon!

Hay, Julia! Move na kasi. Wala ka naman talagang pag-asa, eh. Hanggang FRIENDSHIP lang kayo! Sha! Oo na, utak. Tama ka na. Mali na naman yung puso ko. Geez. Masama talaga pakiramdam ko, eh! Pero for our group's sake, kakayanin ko!

"Ma, alis na ko."

"Sige, ingat."

I took a deep breath before I entered our classroom. Pagkapasok na pagkapasok ko, sakto yung tingin ko kay Daniel. Sha! Sa lahat sa kanya talaga dapat? Binawi ko yung tingin ko nang napansin niya ko.

Ang awkward ng pakiramdam ko! Walang lingon-lingon, upo agad sa upuan ko. Nararamdaman ko kasi he's looking at me! Baka napagtanto niyang gusto niya rin ako? Hala, 'yan na naman siya ,oh kaya nasasaktan, eh.

Habang nagtuturo yung mga teachers namin, lutang na lutang ako. Imbis na sa harapan nakatingin kay Daniel. Kasalanan ko ba? Gwapo kaya! Ang lakas pa ng dating! Shet, kinikilig ako!

Julia ,umayos ka nga!

''Class, bago tayo mag-umpisa bibigyan ko kayo ng time para sa last rehearsal niyo. Pagbalik ko, start na tayo."

"Okay."sagot nila .

Bago pa ko makatayo, lumapit sa'kin si Daniel. Bigla na namang kumabog yung puso kong walang kadala-dala.

"Julia, kamusta ka na?"

"O-okay lang.."

"Buti naman. Akala ko, hindi, eh."

Nahihiya talaga ko! Ang drama-drama ko pa naman kagabi. Hay, pero okay lang at least nasabi ko na, wala nang regret, di ba?

"Galit ka pa ba sa'kin?"

I could never hate you, Daniel, gustuhin ko naman. Kailangan ipaalala uli yung kagabi? Kailangan ipaalala uli na hindi mo kayang suklian yung love ko?

Tumayo ako pero bago pa ko makaalis, hinawakan niya yung kamay ko.

"Julia, galit ka pa rin ba?"

"Oo, galit ako. I hate you. I really hate you. Masaya ka na?"

"G-ganon ba..."

Then, he let go of my hand. Ansakit isipin na binitiwan niya yung kamay ko. Sana mas tumagal kahit papaano. Pero mas masakit lang sa ulo kung magda-drama ako.


-Daniel's POV-

"Julia, bakit ka ba nandyan? Di ba sa tabi ka ni Daniel? Hello, si Daniel partner mo kaya lumapit ka sa kanya."

"Sorry naman."

Tapos, lumapit sa'kin si Julia. Ilang na rin ako. Kasi naman antagal ko ng bestfriend yan, eh tapos mahal niya pala ko? Baka magka-award ako nito dahil sa kamanhidan ko, ah.

Daniel, ang hari ng kamanhidan!

"Cut! Stop! Tigil!"sigaw ng classmate namin yung choreo. Yari, sure ako dahil yan sakin. Kasi siya kaya lumagay sa kalagayan ko. Mahirap, ah!

"Daniel, ano ba! Di ba hahawakan mo sa bewang si Julia dyan? Last rehearsal na natin to, FYI lang. Please, magseryoso na kayo!"

"O, sige."sagot ko .

Syempre yung una, may alangan pa ko pero ginawa ko pa rin. Hinawakan ko yung bewang ni Julia. Pakiramdam ko nga, biglang na-estatwa ako, eh.

Ang weird.

Ayun na nag-perform na kami, okay naman. Pwede na. Mahirap kayang maging dancer, no! Pagkatapos na pagkatapos naming mag-perform, biglang hinimatay si Julia. Dinala namin siya sa clinic .

Sinamahan ko siya dun. Buti na lang talaga kung hindi magiisa lang siya dun kasi naglakwasya yung nurse. Ang tanda-tanda na nagtetelebabad pa sa cellphone. Paki ko naman dun, no!

Nakatitig lang ako kay Julia ngayon. Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala niya. Tulog naman si Julia, di ba?

Malay ko ba sobrang cute ng kilay niya. Nagulat nga ko, eh hindi ko alam trina-trace na pala ng daliri ko yun. Ang weird ko ngayon. Dahil ba to sa kagabi? Tapos nun sa nose niya naman. Ang lambot daw sabi ko. Ang weird-weird.

Syempre, ano bang next sa nose? Labi, di ba? Sa totoo lang, kahit maraming nagsasabing panget daw ng labi ni Julia para sakin, ayun yung pinakagusto ko sa kanya. Ang cute kasi tignan! Ano kayang pakiramdam kapag hinalikan ko yung labi niya?

Hindi niya naman siguro malalaman kung hahalikan ko siya ngayon, di ba?

I leaned closer to her . Then, hinalikan ko siya. Don't worry smack lang naman. Sakto dumating na yung nurse, lumabas na rin ako.


xx

Her First DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon