1 (Who is he?)

6.6K 96 4
                                    

'Ma, Pa, ibahin niyo ako. Kung naging successful ang marriage ninyo ni mommy dahil ipinagkasundo kayo ng magulang niyo. Iba naman po ako. At saka mahal niu ang isa't isa noon pa man'

'Pls hija. Ito lang naman ang hinihingi namin ng mommy mo ang makasal ka sa lalaking hindi ka sasaktan'

'Dad how sure are you? Do you know him that much?'

'Kiel is a kind guy. Maaalahanin at magalang. Kampante kami sa kanya plus na anak siya ng tito Roland mo'

'I don't want to marry that nerd'

'Nerd? No hija, Kiel looks different now. If you see him when we get home you'll be surprise'

'Akala ko ba mahal niyo ko. Pls dad'

'Of course we love you. We gave you everything. When you asked to study in states, pinayagan ka namin. When you wanted to be a model, kahit na ayaw namin, pumayag kami. Ito lang naman ang hinihingi namin ng mommy mo'

'Paano kong walang mangyari? Hindi kami magkasundo?'

'Kapag walang nangyari for 6 months. We promise to give you your freedom'

'Dad, ayoko pa rin! 6 months?! For pete's sake baka nakakalimutan niyo I have a boyfriend!'

'Boyfriend! Hanggang ngayon ba baliw na baliw kapa rin sa lalaking yun kahit na my kahalikan siyang babae?'

'But dad, it was just a gossip!'

'No buts Blair. Its final you'll marry Kiel Alleje!'

-----

Napabuntong hininga siya. Nasa terasa siya ng bahay ng mga Alleje. Pinikit niya ang mga mata at ninamnam ang sariwang hangin. She can't believe na maiipit siya sa ganitong sitwasyon.

But her parents decision is final at ayaw niyang saktan ang mga ito. They were right when she asked for everything, they gave her everything. At ito lang ang hinihingi ng mga ito. And she left with no choice. Total ay 6 months lang naman kapag walang nagyari ay babalik sa normal ang buhay niya. At babalikan niya si Glen. Ang kasintahan niyang naghihintay sa amerika.

She also wondered kung ano na ang itsura ni Kiel. The first time they met was when she was 12 yrs old and he was a complete geek.

Biglang napadako ang tingin niya sa gate ng malaking bahay ng marinig ang sigaw ng kabayo.

Nakuha ng atensyon niya ang sakay nito. Isang matikas na lalaki suot ay puting long sleeves at maong. Para itong modelo nagshoshoot sa isang disyerto.

'Ay ang gwapo'

Napamangha siya sa bawat galaw nito at hindi inalis ang tingin. Nagulat pa siya ng biglang mapadako ang tingin ng lalaki sa kinatatayuan niya. Nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti ito.

Agad namang nagrugundong ang tibok ng puso niya.

'He is more handsome when he smiles'

Agad namang binawi niya ang tingin dito at napahiya sa sarili. She acted like nothing happened at umalis.

'Who is he? And he looks like an italian model?'

Nandun pa rin ang kiliti sa puso niya.

'Whatever'

She dismissed the thoughts. Dapat niyang itanim sa isip na may kasintahan siyang naghihintay sa Amerika.

Sa ngayon ay hindi ang lalaking nakita niya sa gate ang dapat niyang isipin. She needs to ready herself for someone else. And its no other than her future husband, Kiel Alleje.

@iAm_irreistable

VOTE AND COMMENT

Posted April 16, 2017

An Unexpected Marriage [SPG] : Marriage With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon