i|ang mahiwagang notebook

22 1 2
                                    

Dear Readers,

Ito po ang pinaka-una kong book at first time ko lang na magsulat ng ganitong genre ng story.

'Pag may nakita kayong mali or baka may questions kayo, feel free to leave a comment.

Cliché po talaga ito, pero
sana bigyan niyo muna ako ng chance. Please...🙏
___________________________
/bahay nila Ericka/
/Jake's POV/

"Ano yan?"
Tanong ko kay Ericka, sabay hablot sa binabasa niya. Curious lang naman ako.

"Ibigay mo sa 'kin yung notebook ko!"
Sigaw niya habang hinahabol ako.

"ARAAAAAY! 'Bat ka ba nananakit?" Tanong ko.
Kinurot ba naman ako sa braso.

"Isipin mo kaya kung bakit!"
Galit na sagot niya.

"Ito naman oh. Wala na, tampo na 'yan oh. Sorry na."
Sambit ko habang inaabot sa kanya yung notebook.

"Ano ba kasing meron diyan?"
Dagdag ko.

Hulaan niyo kung ano'ng sagot niya..






Tumatagingting na...






"SECRET!"
Sambit niya, sabay takbo sa kwarto niya.

😒Haysst. Si Ericka talaga oh, para namang iba ako sa kanya.. Sabagay baka hindi ko talaga pedeng makita 'yon. Hayaan ko na nga.

Ay teka muna,

Ako nga pala si Jake Tristan M. Alix, at nagkakamali kayo, hindi ako kapatid, tatay o kapitbahay ni Ericka. Pero hindi rin "kami", as in mag-syota. Lilinawin ko lang, HINDI 'PA' KAMI.😉
Best friends lang kami, 'yan ang masaklap na katotohanan.
Mag-ge-grade 10 na kami sa Crinzo Academy, bakasyon ngayon. At as usual, napunta kaming magkakaibigan kila Ericka para manggulo sa bahay nila. Sweet naming tropa 'no?

Anim kami sa tropa: Ericka Joice A. dela Fuentes, Irene Samantha V. Gonzales, Ria Ann Marie E. Sarmiento, Lucas Eduard F. Salazar, Xedric Florence R. Gonzaga, at syempre, ako.

/Ericka's POV/

Grabe, ba't ba lagi akong kinakabahan 'pag hawak ko 'tong diary ko? Siguro kasi ako lang ang nakakaalam na diary 'to! HahahaXD 😂
Ang engot ko rin 'no? 😅

OWMAYGHAD🙀
Papalapit si Jake.😳
Lord help me!🙏
Anong gagawin ko?!😫

"Ano yan?"
Tanong niya sa akin.
Hindi ako makasagot.
Anak ng tupa naman oh.
At nangyari na ang ikinatatakot ko!

Nakuha niya yung notebook.
Jusko naman po!😭

"Ibigay mo sa 'kin yung notebook ko!"
Sigaw ko habang hinahabol siya.
Teka 'bat ang bilis niya naman! 'Pag nahabol kita lagot ka sa'kin Jake! Kung kurutin ko kaya 'to nang magtanda? 😂😉

"ARAAAAAY! 'Bat ka ba nananakit?" Sigaw ni Jake.

Jusko po. Jusko po. Jusko po.
Hindi ko talaga sinasadya.
'Bat ko ba nagawa 'yon?
Lord, sorry po.😭
Pero kailangan ko mag-mukha paring galit, TARAY MODE ON!

"Isipin mo kaya kung bakit!"
Sagot ko sa kanya.

"Ito naman oh. Wala na, tampo na 'yan oh. Sorry na."
Sambit ni Jake habang inaabot yung notebook ko.

Sabi na eh, hindi ako matitiis nito.
Hihihi😻
😪 Haysst, buti na lang medyo mabait 'to! HahahahaXD
Kabado na talaga ako maigi eh.
Oh 'di ba, talaga na, maigi pa! 😂

"Ano ba kasing meron diyan?"
Dagdag niya.

Grabe, life is full of challenges nga naman. Ano namang isasagot ko dito?!😣 Na nakalagay sa notebook slash diary na 'to ang lahat ng crush ko sa school simula elem? NO WAY!

Ay alam ko na sasabihin ko sa kanya..
dahil sobrang talino ko!
HahahahaXD

"SECRET!"
Sigaw ko sabay takbo sa kwarto ko.

Haaaay nako! Ang galing-galing ko talaga! 😂 Palakpakan naman diyan!

-----------------------------
Kagaya nang sabi ni Jake, madalas silang mamasyal at tumambay sa bahay nila Ericka. Buti mabait at maunawain ang Pamilya dela Fuentes. Madalas silang magkakaibigan na gumala at magpunta kung saan-saan. Naligaw na nga sila sa isa nilang lakad eh buti nalang madiskarte 'tong mag-to-tropang 'to, kung hindi baka nawawala na sila ngayon at pinaghahahanap.
Kahit papaano naging masaya naman ang bakasyon nila.
May mga araw na kumpleto ang tropa nila, meron din namang hindi. Pero buo parin sila kahit anong mangyari. Matatag.

Sumapit na ang enrolment, at syempre, sabay-sabay silang nag-enroll maliban sa isa--kay Xedric, nasa ibang bansa kasi ito, sa Singapore, nagbabakasyon. Next week pa ang uwi niya eh, kaya 'yon.

Malapit nadin mag-start muli ang pasukan, ano kaya ang balak ng tropa?

TROPA: A Sudden ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon