/sa loob ng tricycle/
/Lucas' POV/"Basta wala akong kinalaman diyan. Pinasabi lang po. Masunuring bata lang po ako."
Pang-aasar ko rin.
Siyempre, ako makiki-asar din kahit konti. Ayos lang 'yan malapit nadin naman 'to bumaba, malapit na bahay eh."Hala sige! Magkalimutan na tayo! Hmmmp.
Kuya dito nalang po ako."
Sambit ni Ericka sabay baba sa tricycle."Bye."
Nakangiting sambit ko."CHE!"
Galit na sambit niya.-----------------------------
Kagaya ng na-kwento ni Lucas sa inyo na mga assignments nila sa tropa, magkasamang umuwi si Jake at Irene, tapos, si Xedric at Ria. Pagkauwing-pagkauwi palang ni Jake ay talagang hindi na siya mapakali.
-----------------------------
/Jake's house//sa loob ng kwarto/
/Jake's POV/Bat ko ba inasar si Ericka?
*nagalit sa sarili*
Teka nga, i-text ko muna.Galit nga 'to. Ayaw sumagot eh.
Tawagan ko na nga lang.Subscriber cannot be reached, please try your call later.
Hayyst.
Bukas ko nalang kausapin./Ericka's house//sa may sala/
/Ericka's POV/"Manigas ka Jake!"
Sambit ko habang tinititigan yung cellphone ko./kinabukasan/
/sa loob ng kwarto/
"Anak bilisan mo na, bumaba ka na dito. Hinihintay ka ni ano ni --"
Sigaw ng nanay ko.
'Bat may naghihintay?
Si Lucas nanaman ba 'to.
Crush siguro ako nito 'no?"Sino po?"
Tanong ko."Si ano, si Jake!"
Sagot ni mommy."ANO?!"
Gulat na gulat na sambit ko.Bakit andito si Jake?
Nagmadali akong lumabas ng kwarto at bumaba.
Totoo ba?"Good morning!"
Bati sa'kin ni Jake habang nakaupo sa may sala namin.Agad kong nilapitan si mommy sa may kusina.
"Ma, bat niyo po pinapasok 'yan dito sa bahay?"
"Bakit? Kaibigan mo 'yan 'di ba?
"Opo nga po, pero world war kami niyan ngayon."
"Eh baka kaya 'yan pumunta dito, kasi, susuyuin ka."