HE IS IDOL [[Chapter 1]]

48 6 5
                                    

HE IS IDOL #HII

By: imshin21

PANIMULA

🎧🎶"Mianhae mianhae hajima"🎧🎶

Kasalukuyang naglalakad si Moriru sa pasilyo habang nakikinig ng ilang mga kanta sa kaniyang earphone nang may maka bangga siyang tao. Nang tignan niya ang taong iyon ay isa itong babaeng estudyante at may dalawa siyang kasama, masamang tingin ang ipinukol sa kanya bago pa man ito magsalita.

"Ang lakas ng loob mong banggain ako" naka arko ang isang kilay nito habang nakatitig kay Moriru. Ganoon rin ang dalawa nitong kasamahan na mukhang matataray dahil sa titig pa lamang sa kaniya ng mga ito.

"S-sorry" naghingi na lamang ito ng paumanhin at tinakasan ang tatlo, ang huli na lamang nitong narinig ay ang pagsigaw nitong tawag sa kaniya habang tumatakbo siya palayo.

Buti na lamang at hindi na siya nagawang habulin ng mga ito dahil sa suot pa lamang nila ng matataas na takong, alam niyang ipinagbabawal sa kaniyang pinapasukang akademya ang non-appropriate uniforms, body piercing accessories. Subalit marami sa estudyante na pumapasok dito ang sumusuway sa school code discipline. Ang ilang dito ay may bulli-an na nagaganap dahil kulang sa kaalaman tungkol sa integridad ng isang tao.

Tatlong taon na siya dito sa paaralan ngunit wala paring pinagbago. Bawat takbo ng araw ay lalong lumalala ang mga pasaway at ignoranteng mga estudyante ang pumapasok sa eskwelahan na ito. Hindi naman nagkulang sa pangaral ang mga guro nila sapagkat sadyang matitigas lang talaga ang mga ulo ng mga estudyante. Minsan ay naiisip ng mga guro na mga bata pa lamang ang mga isip nila, immature kumbaga, kaya ganoon na lamang ang pagiging pasaway at pagsuway sa regulation ng paaralan na ito.

Buti na lamang at hindi siya nasasangkot sa mga nabu-bullied. Mas nanaisin niya na lamang manatiling tahimik sa isang sulok para iwas-iwas narin.

Dumating ang oras ng lunch break at hinayaan niya ang sarili niyang mag-isa na lumabas papuntang rooftop bitbit ang kaniyang baunan. Sa dalawang taon niyang pananatili dito sa akademya ay hindi niya inatupag na makahanap ng kaibigan, hindi mahalaga para sa kan'ya ang maghanap ng kaibigan. Lalo na at alam niyang walang permanente sa mundo, may nawawala at minsan iyon mismo ang nang-iiwan.

Nang mapadpad na siya sa rooftop ay umupo na siya sa isang bench at saka inilatag at pinag-seperate ang laman ng kaniyang baon. Potato Corn Beef ang kaniyang ulam at Plain Rice lamang ngunit napakasarap na nito at talagang matatakam ka talaga. Luto ito ng kaniyang ama.

Isinaksak niya muna ang earbuds sa kaniyang tainga para magpatulog ng kaniyang paboritong musics, walang iba kundi ang ReHum band na sikat na sikat ngayon.

Nagsimula na siyang kumain at kasama sa pagnguya niya ang pagpuri nito sa isip sa luto ng kaniyang ama.

Sa sandaling kumakain pa lamang si Moriru ay pag kuwan'y bumukas ang pinto at lumabas ito ng rooftop. Wala sa sarili niyang sinulyapan ito. Nang makita niya ito ay walang pasintabing sinuri ito.

Isa siyang lalaki, mukhang bunot ang kaniyang buhok na para ding natatakpan ang kaniyang mata sa mahahabang bangs nito, dagdag pa nito ang salamin na sobrang laki at bilog. Naka earphone rin ito at halatang nakikinig ng musics. Sa anyo nito ay masasabi mong isa siyang nerd. Sa pagtapat ng sarili nito sa sinag ng araw at sa pagbati sa kaniya ng hangin ay naagaw pansin ni Moriru ang pag kinang ng isang bagay sa kanan tainga ng estudyanteng lalaki. Hindi niya maitatanggi na isa iyong hikaw. Nang tumigil ang hangin ay natakpan din iyon ng buhok sa huli.

Napansin ata ng lalaki ang pagtitig nito sa kaniya kaya tinignan rin siya nito sa huli. Pero nag-iwas si Moriru ng tingin, tinuon pansin na lamang ni Moriru ang kaniyang pagkain saka sinimulang tapusin ang kinakain nito.

HE IS IDOL (Ongoing)(#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon