(Zy's POV)
"Mitzzy!" ano bang problema niyo? Natutulog ako. Istorbo!
"I'm counting on you!" kailangan talaga sa tapat pa ng tenga?
"Fine!" Aktong babangon na ako nang bigla siyang nagsalita.
"Yssay is waiting for you. Make it faster or else." Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Nakakatakot ka pala talaga kuya.
Bigla ko na lang siyang sinamaan ng tingin sabay pag-alis niya sa kwarto ko.
Bumangon na din ako. As if may choice ako?
Nakakainis ka Y.
Yssay Villaroel a.k.a Y is my childhood bestfriend. She's always there for me. Minsan naiinis din ako sa kaniya. Paano ba naman mas inuuna pa niya ang kapakanan ko kaysa sa sarili niya. Like duh?
Ang aga-aga nandito sya.
Linggo kasi ngayon at walang pasok.
Tama, linggo ngayon. Bigla ko nalang naalala na magsisimba pala kami ngayon.
Nagmadali akong maghilamos para makababa na.
Pababa na ako nang biglang nabuhayan si Y.
"Yes! Finally. Salamat naman at hindi mo ko inindyan."
"Shut up! It's too early. Inistorbo mo ang tulog ko." pagmamataray ko.
"Sorry. Ayoko lang naman mahuli sa mass. That's it." HAHAHA. Seryoso talaga to palagi.
"Apology accepted"
Sinamaan niya ako ng tingin. Hahaha. Pikon ka talaga.
"Sakto ang pag dating mo nak. Dito ka na kumain" pagaaya ni mommy kay Y.
"Yehey! Tara na Zy. Kain na."
"Busog pa ko."
Sa totoo lang, gutom talaga ko e. Nakalimutan ko kasing kumain kagabi. Pathetic Zy.
*blurrrrp*
Wrong timing stomach. Kainis.
Nagkatinginan kami ni Y at bigla kong tinapunan ng tingin si mommy.
Nakakahiya nagsinungaling pa ko. Errrp :3
"Kumain ka na muna" no choice. Gutom ako e.
Pumunta na kami sa dining table ni Y. Minadali kong kumain dahil magbibihis pa ko.
Alam kong maggagalaiti to kapag nalate kami sa misa. Ganyan talaga si Y. Faithful yan e. HAHA
After kong kumain, nagpaalam ako na magbibihis na para agad kaming makaalis.
Nung paakyat ako, dinadala ako ng paa ko papunta sa kwarto ng kuya ko. What's wrong with me? Nababaliw na ba ko?
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto ng kwarto ni kuya.
"Bukas ng umaga. Mga 7:00 a.m. mag-usap tayo sa Secret Garden" and the call was ended dahil wala nang ibang sinabi si kuya.
Sino kaya yun? Kailangan kong makinig sa usapan nila kuya bukas.
Kailangan kong pumunta sa SHC (Stephen Hynne College) sa may secret garden.Narinig ko ang yapak ni kuya na Aktong papalapit siya para buksan ang pinto, ako naman ay mabilis na tumakbo para di niya ako maabutang nakikinig.
Nung nakabihis na ako, agad na akong bumaba dahil baka naiinis na sakin si Y. Eh kasi ayaw na ayaw niya talagang nale-late sa misa. Kaya kahit 9:00 am pa ang mass, 8am palang aalis na kami.
