† Chapter 1 †

6 0 0
                                    

† chapter 1 »Darkness

Prinsesang walang kalayaan. Yan ako, nakakulong sa palasyo na itinuturing kong kulungan. Ang masilayan kung ano ang nasa labas ay di ko pa nagawa.

Nandito ako sa aking silid. Gumagawa ng imahe sa aking isipan kung ano ang itsura sa labas. Maganda ba? Masaya ? Malapit na aking kaarawan, dalawang araw nalang mula ngayon, at hihilingin ko sanang regalo kay ina na siyang reyna, ay makalabas kahit saglit lamang.

Halos abala ang lahat sa paghahanda ng aking kaarawan. Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay hindi ako nakakaramdam ng saya. Maybe dahil iba ako sa lahat?

Isa akong Dark princess, ngunit walang taglay na kahit anong Dark powers. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ni ina, na lumabas ako.

Isa akong mahina, mahinang prinsesa. Paano ko pangangalagaan ang aking mundo kung wala akong kapangyarihan? Nagsisisi ako kung bakit ito ang buhay ko. Ang makulong sa dilim, ang magtago na parang hindi nage-exist.

" Mahal ng Prinsesa Pinatatawag po kayo ng reyna. "

Lumabas na ako sa aking silid. At pinuntahan si ina.

Nakaupo siya sa kanyang trono at hinihimas ang kanyang sentido.

"Aking ina, pinapatawag niyo raw po ako?"

"Anak kaila-" naputol ang sasabihin ni ina dahil dumating ang kapitan ng mga kawal.

"Mahal na reyna, nandito na po ang hari ng Seqwitchz (Sekwitz) kingdom."- kapitan.

"Papasukin niyo na siya. Anak sa ibang araw nalang tayo mag-usap."- ina.

" Opo ina."sagot ko at umalis

Bakit nandito ang hari ng seqwitchz? Sa pagkakaalam ko ay isa sila sa mga kalaban namin.

Ang seqwitchz kingdom, ay isa sa kaharian ng mga witches. Ang isa naman ay ang Leqwitchz kingdom.
Ang seqwitch kingdom ay pinamumunuan ni haring Zolomon Sequaro at ng kanyang kabiyak na si Reyna Zelia sequaro, at may nag-iisa silang anak na si Prinsepe Ziandro Sequaro.

Ang Leqwitchz kingdom naman ay pinamumunuan ni Haring Tadeo Lequarez at ng kanyang kabiyak na si Zealia Lequarez na siyang kapatid ni reyna zelia, may dalawa silang anak na si prinsepe Zete (zit) at prinsesa Zaete (zeyt) Lequarez.

Kung pano ko ito nalaman? Sa aking pagkabagot dito sa palasyo ang aking ginawa nalang ay ang magbasa ng magbasa. Gusto ko mang magaral sa aming akademya ay hindi ko rin magagawa.

Kailan kaya ako mabubuhay ng malaya? Siguro kung hindi ako isinalang na prinsesa ay masaya akong nabubuhay ng malaya.
Hindi ko magawang magtangkang tumakas, dahil ba naman sa libo libong kawal na nagbabantay dito.

Malalim na ang gabi at nagpasiya na akong matulog.















"Tutulungan kita mahal na prinsesa."

___________


"Magandang umaga mahal na prinsesa."

Iminulat ko ang aking mata, at isang pamilyar na babae ang aking nakita. Hindi ko akalaing nandito siya. Sa mahabang panahon ng kanyang pagkawala. Niyakap ko siya ng mahigpit. Damn! I really miss her.

"Patawad at ngayon lang ako bumalik."

Hindi ko mapigilang ang aking nagbabadyang mga luha.
Akala ko hindi na siya babalik, akala ko'y iiwan niya na talaga ko.

"Pinapatawad na kita Auntie Lucia."

"Mahal na prinsesa, kailangan mo nang umalis dito."

"Umalis?" Kumalas ako sa aming yakap at humarap sa kanya."Bakit po?"

"Nanganganib ang buhay mo dito, ang Seqwitchz ay tuluyan ng nilason ang utak ng iyong ina! Ng aking kapatid! Hindi ko inaasahan na magiging mahina siya. Sana ay hindi nalang ako umalis." Paliwanag niya, sabay ng pag-agos ng kanyang mga luha.

"Anong ibig mong sabihin?" Imposibleng mangyari ito. Makapangyarihan si ina, papaanong nilason ng utak niya ng Seqwitchz?

"Mahal na prinsesa, wala ng panahon para ipaliwanag ko sayo ang lahat. Tutulungan kitang makatakas, bago pa sumapit ang iyong kaarawan ayokong mapahamak ka, at sa sandaling makatakas ka dito mangako kang hindi kana babalik!" Hindi ko siya maintindihan. Gusto kong maging malaya ngunit hindi sa paraang gusto niya hindi ko kayang iwan ang aking ina. Hindi ko kakayanin.

"Hindi! Ayoko! Ayokong iwan si ina hindi ko kakayanin auntie. Hindi."

"Mahal na prinsesa ito ang natatanging paraan, upang mapigilan ko ang plano ng Seqwitchz. Kapag nagpatuloy pa ito, hindi lang kayo ng mahal na reyna ang mangnganib kundi ang mga nasasakupan rin natin." Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko alam ang iisipin o gagawin ko sa oras na ito.

"Patawad. Ngunit di ko kayang iwan si ina."

"Mahal na prinsesa! Sa Pagsapit ang kaarawan mo ay lalabas ang iyong kapangyarihan. kapanyarihan na hinahangad ng lahat. Napagkasunduan ng reyna na ipakasal ka sa prinsepe ng seqwitchz. Kapag nangyari it---" naputol ang sasabihin ni auntie ng pumasok ang isang katulong.

"Patawad po sa aking kapangahasan na istorbohin kayo. Pinatatawag po kayo ng reyna mahal na prinsesa."nakayukong pahayag ng katulong.

"Mahal na prinsesa, hihintayin ko ang iyong pasiya." Sabi ni auntie lucia at umalis.

Ayokong umalis sa silid na ito, natatakot ako. Natatakot ako sa ano mang maaaring sabihin ni ina. Natatakot ako sa mga nangyayari at wala man lang akong magawa. Walang wala.








Runaway Dark PrincessWhere stories live. Discover now