† Chapter 2 †

13 0 0
                                    

Tutol po ako ina!" Sagot ko

"Ngunit ito ang nararapat anak, bukas na ang iyong ika-labingwalong kaarawan, at nasa wastong gulang kana upang magpakasal." Paliwanag ng ina.

"Ina, Patawad pero-"

"Buo na ang aking pasya mahal na prinsesa! Para ito sa kapakanan mo. Magiging Malaka-"

"Tama na ina! Ni minsan ba tinanong niyo ako kung anong gusto ko? Lahat ng gusto mo ang nasusunod! ngunit ngayon ay hindi na ako magiging sunodsunoran sa inyo! Ako ang prinsesa ng mundong ito at may karapatan akong magdesisyon ng naayon sa kagustuhan ko ina!

"Ikaw ang prinsesa ngunit ako ang reyna! Patawad ngunit Hindi na magbabago ang aking pasya! Magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo prinsesa." sabi ni ina at umalis.

Nanlalabot ang tuhod ko, Hindi ko alam kung anong dapat Kong gawin....

"m-mahal na ?"tanong niya.

"Hindi mo trabaho ang kamustahin ako. Anong kailangan mo?"

"P-patawad po pero k-kailangan k-kong gawin to."sagot niya at ikinumpas ang kanyang kamay.

Biglang sumakit ang ulo ko Parang mabibiyak. Nanghihina ako at di ko mapigilang hindi maiyak sa nararamdaman ko.

"Ahhhhhh!"

"P-patawad."

-------------------------------------------

- Light Kingdom -

"Mahal na hari nandito po ang Leqwitchz king."

"Papasukin niyo siya."

Pumasok ang hari ng leqwitchz na may ngiti sa labi, at nag-bow ito bilang paggalang.

"Anong kailangan mo?"tanong hari

"May nakalap kaming balita tungkol sa mga seqwitchz at--- ."-naputol ang sagot ng LK(lequarez king) ng magsalita ang hari

"Ano naman? Hindi sa atin panig ang seqwitchz."

"Buhay ang prinsesa mahal na hari. Ito ang nakalap na balita ng aking espiya sa seqwitchz kingdom, at napapabalita rin na ikakasal ang inyong prinsesa sa prinsepe ng seqwitchz."sagot ng LK

"Katotohanan ba ang iyong sinasabi Tadeo?"

"Opo mahal na hari. At iisa lang ang ibig sabihin no'n nasa panganib ang mahal na prinsesa." Sagot ng LK

"Hindi ko lubos maisip na nagsinungaling sa akin si
Luciana, sa m-mahabang panahon nang aking pangungulila at pagluluksa. B-buhay pala ang aking anak."

"Ano na po ang ating gagawin?"-tanong ng LK

"Ihanda ang lahat ng kawal sa bawat kaharian, Babawiin natin ang prinsesa. Babawiin ko Ang aking anak."

Nagtipon ang lahat ng kawal sa bawat kaharian na sakop ng light kingdom at naghahanda ng sumugod sa dark kingdom. Wala ng maisip na ibang paraan ang hari ng light kingdom kundi sugurin na lang ang kaharian ng dark kingdom upang makuha ang kanyang nag-iisang anak, dahil alam niyang hindi rin papayag si luciana na makipagusap sa kanya ng maayos, matagal na panahon itinago nito sa kanya ang katotohanan na hindi pa pala patay ang kanilang nag-iisang anak.

Runaway Dark PrincessWhere stories live. Discover now