Time Limit Love Chapter 2

32 0 0
                                    

[After 10 Years]

Masayang-masaya ako dahil after 10 years, nakalabas na ako ng Ospital. 10 days na ako dito sa labas ng Ospital. Malaya, pero bawal sobrang magulo. Baka ikamatay ko pa. Naglalakad ako noon para sunduin ang dati kong kaibigan na si Jenny. Nakita ko sya. Jenny ! Sigaw ko, hindi nya ako narinig dahil naka-earphone sya. Tinawag ko sya papalapit. Oh,nandyan ka na pala. Ang sabi nya nangnakita nya ako sa tabi nya. Naglakad na kami pauwi sa kanila. Siguro nga totoo ang sinasabi nila na kapag may kaibigan kang babae simula bata ka palang, magiging kayo rin sa huli.

Nasa bahay na ako galing ng bahay nila Jenny. Hi Mama. Bati ko kay Mama habang naglalakad papuntang second Floor ng bahay papuntang kwarto at para makapahinga na rin. Nang nakapasok na ako ng Bedroom agad akong humiga kahit hindi pa ako nag-papalit ng Damit. Pumikit ako at muling minulat ang mga mata ko. Bigla kong naisip ang sakit ko. Naalala ko bigla ang sinabi ni Doc Jan noong bata pa ako. "Hindi na sya makakaabot ng 21 years old". Paulit-ulit binabasa ng isip ko yun. Parang nasasaktan ako. Gusto ko pumutok,gusto ko manggigil. Pwede akong mamatay mamaya,bukas,sa susunod na araw sa isang linggo. Bawat minuto bawat patak ng oras. Pwedeng mawala ang buhay ko. Napaluwa ako noon. Sobrang sakit kapag sobrang inisip.

Minulat ko nanaman ang mga mata ko. Tumingin ako sa Wall Clock habang nakahiga. 6am na pala ang haba ng tulog ko, siguro nang dahil sa pagod.

Naglalakad kami ni Jenny sa buong Village kung saan nakatira sila. Saan nga pala si Doc Jan? biglang tanong ko sa kanya. Amm, nasa Work nya. Sagot ni Jenny. Bakit? dugtong nya. Hmm, wala lang, kasi.Hmm. Hindi ko nalang tinuloy at ayokong maging malungkot sya Ano nga? Pilit nya. Wala nga. Namimiss ko kasi Super Hero ko e. Pang-uuto ko sa kanya. Pero, malapit sa katotohanan. Super Hero? ngiting tanong nya. Nag-taka ako kasi bigla syang sumimangot. Oh,bakit ka sumimangot? tanong ko sa kanya. Huminga sya ng malalamin at sinabing Paano kung mamamatay ka? mabilis nyang sinabi at biglang yumoku sya. Nagulat ako sa tanong nya humarap ako sa harap nya at hinawakan sa braso Ano ka ba Jenny. Hindi ako mamamatay. Walang limitasyon ang pag-iibigan natin. Maniwala ka! Paliwanag ko sa kanya, kahit medyo nasasaktan ako Hanggang panghabang buhay ang pagmamahalan natin. Tatanda pa tayo,mag papakasal pa tayo,magkaka-anak pa tayo ng marami. Jenny, basta wag mo nalang iisipin yan. Ayokong nalulungkot ka. Sabay niyakap ko sya. At kinisan sa may ulo. Basta,magpapagaling ako. Umiiyak sya. Wag mo akong iiwan ha. Sabi nya. Oo,Pangako !

Pumunta kami nila Mama kay Doc Jan para iCheck Up ako. Magandang balita to. Ang sabi ni Doc Jan sa amin nila Mama. Mas nagiging maganda ang kalagayan ni Tommy, mas lumalakas ang puso nya. Kalahati nalang ang nakabalot sa puso nya. Magandang simula ito. Napangiti kami, sobrang saya. May Pag-asa pa.

Time Limit LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon