paglalaro sa dilim.

10 0 0
                                    

GALIT.

nagtatakbuhan ng walang katapusan
hinahabol mo ako at hinahabol ka naman
walang katapusang pag-ikot
pag-ikot ng ating mga kasalanan

nagtataguan pero pareho tayo ang taya
sa bawat sulok ng ating nakita
sa mga sulok ng impyerno
na tayong mga demonyong nagmamay-ari
tayo ay nasusunog sa ating mga kasalanan

sensasyon na para bang sinasaksak ko ang aking sarili
ilusyon na ito'y kutsilyo mo
kutsilyo mong 'kay purol
sa purol nito, mas tumatagal
mas tumatagos ng dahan-dahan
pero talaga'y aking mga sariling mga kamay
sa bawat pagtagas ng dugo
dugo mo at dugo kong naghahalo
naglalaban at nagiging lason
lason na katulad nating ahas
na papatay at kikitil sa ating miserableng buhay
ang pangunahing sangkap ay ating mga kasalanan

habang naglalaro, namulat tayo sa ating karumihan
o kay rusing ng ating mga puso
putik na tinapon natin sa isa't isa
na nag-iwan ng bahid sa atin
bahid ng galit at poot
pero bakit nga ba'y hindi tayo maglinis?
bakit ba'y hindi tayo magsisi?
bakit ba'y ating galit ay suot-suot?
bakit ba'y sa bawat ugat ay nanunuot?
ramdam natin ang bigat ng ating mga kasalanan

pero sa ating paglalaro, hindi ka pa ba napapagod?
hindi ka pa ba nanghihina?
ako na kasi ay hinahapo,
walang na kasing saysay
wala na kasing direkyon
saan na nga ba tayo didiretso?
ito'y pag isipan at bigyan nang pagtanto,
nagkaroon na ng konklusyon ang ating mga kasalanan

pero ngayon, sasabihin ko na aking totoong saloobin
sa tingin mo ba ito'y aking ginusto?
alam ko kung bakit tayo nagkakaganito
nawala na ang aking mga pagkalito,
aamin na nagyon dito
sa aking pagbilang ng pito
ngayon sa aking paghinto,
paghinto sa aking pagtatago,
paghinto sa pagnanaig ng kasakiman at pighati
na hatid ng ating 'di biro-birong paglalaro
na nagtamo ng wasak-wasak na mga piraso
ngayon na naririto pinsala
na binugbog ng ating mga sala
hindi na ako naghahangad ng tuluyang magkalimot
kahit naka pagtataka,
kahit ito'y kahina-hinala at kwestyonable,
ako nalang ay magpapasalamat
dahil sa ating mga kasalanan,
aking nalaman na aking totoong sala na
hindi ko napatawad at nakalma ang aking mga halimaw
halimaw ng emosyon at dilim
sa sobra-sobrang kamang-mangan
aking kasalanan na ang mundo ay talagang kailangan kong ipagpatawad
binigyan ako leksyon at dahil ito sa ang ating mga kasalanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TalaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon