Pain

405 2 0
                                    

Karylle

He left me hanging. He left me with no answer. Iniwan niya akong talunan, basag, durog at wasak. Hindi ko na kaya pa ang sakit at poot na araw-araw niyang pinapadama sa akin. I thought he's the one. The one na makakapagpasaya sa akin. Yung tipong kahit ngiti niya lang ay okay na. The one na iintindihin ang pagkatao ko. Yung pagiging bipolar ko. The one na sasabayan ang mga topak ko. The one na iintindihin ako.

  Pero akala ko lang pala iyon. Gaya ng mga past boyfriends ko, iniwan niya din ako. Siguro natauhan iyon at nagising sa katotohanang hindi talaga niya siguro ako mahal. Siguro nagsawa na siya sa kakulitan ko. Ganoon na lang ba talaga ang mga tao ngayon? Sa lahat ng ginawa mong mabuti sa kanila iiwan ka rin naman pala?

Just like him. He broke up with me without having enough and valid reason. At first I thought that our love is interminable but I was wrong.

Pinaikot niya lang ako. Ginago niya ako. Niloko niya ako. Damuhong bakla siya!

Naputol ang pagdadrama ko ng biglang may kumatok sa dressing room ko. Nagpahid muna ako ng aking luha bago buksan ang pinto para hindi naman masyadong halata ang pagdadrama ko.

Napalitan ng inis ang lungkot ko ng makita ko kung sino ang pumasok.

"Ready ka na Kurba?", sabi niya habang sinasara ang pinto.

"Don't call me like that or else itutumba kita diyan", sabi ko nang hindi man lang siya tinitignan.

"Aray. Wala man lang good morning diyan? Ang ganda ng bati mo grabe", natatawa niyang sabi habang pabirong ginugulo ang buhok ko.

"Good Morning mo mukha mo", inis na pantataboy ko sa kaniya na kasalukuyan akong niyayakap mula sa aking likuran.

"Ako nalang kasi Karylle", pagseseryoso at pag-iiba niya sa usapan.

"Vhong, you are my bestfriend", sinsero kong sabi sa kaniya, hinarap siya ng mabuti at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Mahal mo talaga siya noh?", pasukong wika ni Vhong bago bumitaw mula sa pagkakhawak n mg aming mga kamay.

Di ko gustong makita na nasasaktan ang bestfriend ko. Vhong sacrificed many things para lang sa akin. He confessed about what he feels towards me. After ng confession niya sa 'kin ay mas naging sweet at clingy niya. May pa coffee every morning. Palagi kaming sabay umuwi galing showtime. He often visits my condo unit. Palaging may pa good morning at pa good night text. And he never failed on showing me those things. He never failed on making me happy. But I can't do those same things on him. Takot akong masaktan nanaman.

Sana siya na lang ang minahal ko.

"Pagod na'kong maging bestfriend mo lang K! Alam mo namang mahal kita diba? Kahit isang chance lang mapatunayan ko lang sayo na mahal kita. Hayaan mo'kong mahalin at alagaan ka higit sa ginawa niya"

"Itulog mo na lang iyan haha", pag-iiba ko sa usapan. I don't want to talk about this thing with him. Alam kong masasaktan lang siya sa sasabihin ko.

"K huwag mo namang saktan ang sarili mo. Kahit ako na lang saktan mo, huwag mo lang hayaang malunod ang sarili mo sa sakit"

"Don't worry about me Bruh, I'll be fine. I promise", I assured him while holding his hands tightly and giving a simple friendly hug.

"Sabihin mo lang kung 'di mo na kaya ha. Kakayanin kong maging rebound para sa'yo"

//

Vice

"Meme ba't ba ayaw mong malaman niya? Naaawa na talaga ako sa kaniya", sabi ni Archie

"Sa tingin mo ba ako hindi?"

"Vice ang sinasabi lang naman namin, try to tell her the truth. I'm sure maiintindihan ka nun. Alam mo namang mahal na mahal ka niya. She's willing to do anything for you kahit na nakakasama na iyon sa kaniya", suhestiyon ni Aaron.

"Alam ko naman iyon bakla pero ayokong balikan niya ako dahil sa naaawa lang siya sa kalagayan ko. Ayokong magmukhang kawawa sa kaniya", malungkot na tugon ko. Takot lang siguro akong malaman ni Karylle ang totoo. Mahal na mahal ko iyon. Nakikita siyang nasasaktan ay parang dinudurog na ako.

"Meme ikaw lang ang masasaktan. Paano kung makahanap siya ng bago?", sabi ni Archie habang nakatingin sa isang direksyon.

Nang tinignan ko kung saan siya nakatingin, ay parang sinaksak ng milyong beses ang puso ko. She, having fun with Vhong.

"Ang saya-saya tignan ni Miss K. Iba mag comfort si Vhong", pang-aasar ni Buern sakin. Kung nakakamatay ang bawat titig ko, malamang double dead na si Vhong.

"Wala naman sigurong magagalit kapag ligawan ni Vhong si Karylle noh? Diba Vice?", dagdag na asar ni Matt.

"Alam ko na iyang pinupunto niyo. Huwag niyo nang i push", iritang sabi ko at ibinalik ang paningin ko sa phone.

"Sus in denial as always"

"Meme paalala lang ha, kung ayaw mo na talaga huwag mo nang susubulang habulin siya dahil naku daig mo pa ang aso kakahabol sa kaniya. At worse baka pag na realize mong mahal mo talaga siya, may mahal na talga siyang iba", paalala ni Archie bago umalis kasama ang ibang Team Vice.

 Ugh. Ang hirap-hirap na ng pinagdaraanan niya. Pagod na akong makita siyang nasasaktan. Alam ko namang maiintindihan niya ang kalagayan ko pero ayokong balikan niya ako dahil sa naaawa siya sa akin. Nakipaghiwalay ako sa kaniya para naman makapaghanda siya pag nawala na ako.

'Yung araw-araw na pagde-deadma, pagtataboy at pananakit sa kaniya, ako yung mas nasasaktan dahil ayokong mawala ang kaisa-isang babaeng minahal ko. Pero sadyang mapagbiro lang talaga ang tadhana. Kaya eto ako ngayon, suffering from cardiomyopathy nang mag-isa. Suffering from this f*cking heart disease without her.

A/N: Super lame haha. Pasensya iyan lang ang kinaya ng utak ko huhu. Matagal nang walang inspiration kaya di nagwowork ang brain cells ko😂. Bawi ako next chap😘

Piece By PieceWhere stories live. Discover now