Everything was Changed

184 1 0
                                    

Karylle

Isang buwan na ang nakakalipas nung nakalabas na sa ospital si Vice. Pero ganoon pa din ang pakikitungo niya sa akin. Para kami kinulong ng isang taon sa freezer dahil sa pagiging cold namin sa isa't isa. Ayokong magpatalo at magmukhang kawawa kaya sa tuwing pangdedeadma niya at pang-iinis sa akin, ay hinihigitan ko pa.

Isang buwan na din ang nakalipas mula noong bumalik ang ViceRylle. Yes the tandem is back. Back for the show. Iba ang for the show, at for the fans. Kaya nila binalik ang tambalang isinumpa ko sa buong buhay ko ay dahil gusto nilang ipakita sa madlang pipol kung ano ang nagpasikat sa kanila. Saan sila nagsimula. At may malaking parte ang tambalang iyon.

Karamihan ng mga viewers ng show ay mga fans namin ng baklang iyon.

Kasalukuyan akong nagti-twitter sa loob ng aking dressing room nang biglang pumasok si Vhong na may dalang isang bouquet of flowers.

"Kinarir mo talaga ang panliligaw ha!", bungad ko sa kaniya at kinuha ang bulaklak.

"Don't tell me ayaw mo?"

"Di naman sa ayaw ko, ang akin lang naman baka ma issue tayo. Hindi nga alam ng media na nililigawan moko diba? Showtime family, at pamilya mo lang ang nakakaalam. Baka naman pag nalaman ng media ano pang sabihin nila sa iyo.", nag aalalang sabi ni Karylle.

"K wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Sa'yo lang ako may pakialam.", Vhong said then winked.

"Vhong seryoso ako"

"Seryoso din naman ako ah... seryoso ako sayo"

"Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa biro", iritang sabi ni Karylle saka tumalikod at bumalik sa sofa.

"Oo na. Sabihin mo na"

"Sabihin ang ano?"

"Password ng wifi niyo"

"Vhong naman eh!"

"Seryoso nga ako. Sabihin mo na problema mo", biglang pagseseryoso ni Vhong.

"Wala kaya akong problema", sabi ni K at binigyan ng fake smile si Vhong.

"Iba ang ipinahihiwatig ng mga mata mo Karylle"

"Ano ka, optometrist?!"

"K naman. Sabihin mo na baka matulungan pa kita"

"Vhong paano kung sabihin ko sa iyo na mahal ko pa yung ex kong gaga?!", dire diretsang sabi ni Karylle kay Vhong. Tinawanan lang naman siya ng huli na siyang ikinagulat niya.

"Iyon lang naman ang problema mo. Tutulungan kitang mag move on"

"Huwag. Ayoko ng tulong mo. Kaya ko nang mag-isa"

"Anong kaya mong mag-isa? Halos dalawang taon na nga kayong magkahiwalay, hindi mo pa rin siya magawang kalimutan. Baka nakakalimutan mo ang sakit na ginawa niya sa iyo Karylle. Kahit anong gawin mo, pagbaliktarin man natin ang mundo,hindi ka na niya babalikan! Bakla siya! Huwag ka namang maging tanga. Sobra na yang katangahan mo" sermon ni Vhong sa akin.

"Minahal ko siya ng buong puso. Tinanggap ko kung ano man ang pagkatao niya. Kahit alam kong hindi siya ganoon ka desidido sa'kin, dineadma ko ang konklusiyon na iyon dahil mahal ko siya. Hindi mo alam na sa tuwing magkatabi kami sa pagtulog at pangalan ng ibang lalaki ang binabanggit niya sa panaginip niya, parang sinasaksak ng milyong beses ang puso ko. Alam kong mahal niya ako, iyon lang naman ang pinanghahawakan ko kasi ayokong bumitaw. Pero nung gabing sinabi niya nagsawa na siya, na nasasakal na siya akin, gusto ko nang mamatay! Pero binalewala ko iyon at patuloy pa rin ako sa pagiging mabait at mabuti sa kaniya kahit na napaka-cold na niya sa akin. Binabalewala ko ang pagsabi niya sa akin na hindi niya ako mahal at nasusuka siya sa tuwing makikita ako. Hindi ko na lang iyon iniintindi kasi mahal ko siya! Oo nga, tama ka na nagpakatanga ako sa kaniya. Pero pinili ko lang naman iyon dahil ayoko siyang mawala sa buhay ko. Marami na akong sinakripisyo para sa kaniya, para sa amin! Kaya huwag na huwag mo akong susumbatan at huwag na huwag mo akong pagsasabihan na tanga kasi hindi mo alam ang lahat!", sigaw kong bulyaw bago lisanin ang kwarto.

Eksaktong paglabas ko nang dressing room ay nakita ko siyang may hawak hawak na kape. Tinitigan ko lang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Alam kong sinusundan ako ng bruha kaya mas lalo ko pang binibilisan ang paglalakad.

"May lahi ka bang snatcher? Ang bilis mong maglakad, kaloka ka girl", hingal niyang sabi. I didn't look at him, instead ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Teka lang naman hawak hawak 'ko 'tog dalawang kape para sa ating dalawa. Baka naman wala na 'tong laman mamaya" dagdag niya.

"Huy lilingunin mo ba ako o ibubuhos ko sa iyo 'tong kape" nabigla naman ako sa sinabi niya at nilingon siya. At voila! Nag peace sign at nginitian ako ng bakla kong ex.

"Huwag kang ngumiti diyan na parang okay ang lahat", sarkastikong sabi ko saka tumalikod sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ibibigay ko lang naman sana 'tong kape sa iyo kasi mukhang stress ka yata." napahinto ako sa sinabi niya. Muli ko siyang nilingon at binigyan ng confusing look pero ngibitian niya lang ako.

"Heto Kurba oh." sabi ni Vice at iniabot ang kape sa akin. Pero bago niya itong tuluyang maibigay sa akin, tinabig ko iyon dahilan para mahulog ito sa sahig. Nagulat siya sa ginawa ko. I just rolled my eyes at tinalikuran siya para magpatuloy sa paglalakad.

"T-teka ano--"

He was about to say something when I cut him off and faced him.

"Don't act as if we're okay cause we are not. And we will never be!" singhal ko sa kaniya at iniwan siyang mag-isa.

Ito ang unang beses na ginawa ko sa kaniya iyon. Pagkatapos kasi ng dalawang taon, ngayon niya lang ako ulit binigyan ng kape. I don't want him to think na easy to get ako. If you're calling it pa chicks then go. Isipin niyo kung ano ang gusto niyin isipin. All I want lang naman ay maging malaya. Ayoko nang makulong sa pag-asang pwede pang bumalik ang lahat.

Napakatanga ko naman kung babalikan ko siya. Pero mas tanga siya. Kasi kung kailang bumitaw na ako. Kung kailang ayoko na. Pagod na ako. At hindi na kayang lumaban ng puso ko, saka palang siya nagkaroon ng lakas ng loob para habulin ako.

After that incident I decided to go Anne's dressing room to have a short talk.




//



Tagapagsalaysay

Kasalukuyang nag-uusap sina Karylle at Anne sa dressing room ng huli. Sinabi ni Karylle ang nangyari sa kanila ni Vice bago siya pumunta sa dressing room ni Anne.

"Wait what?! Grabe ka K! I can't imagine his face nung tinabig mo yung kape. I'm sure nakakatawa ang mukha niya. Hahaha!" sabi ni Anne at tumatawa. Napalook down naman si Karylle sa narinig at napahinga ng malalim.

"Sana ba hindi ko nalang iyon ginawa?" nagu-guilty na sabi ni Karylle. Anne was shocked sa narinig kaya tinilt nito ang ulo ng kaibigan at binigyan ng confusing look.

"Are you trying to say na nakokonsensya ka sa ginawa mo?!" Anne asked at tumango si Karylle.

"Hindi ka dapat makonsensya Karylle! Kulang pa iyan sa lahat ng ginawa niya sa iyo. Huwag ka namang maging manhid K. Sinaktan ka na nga niya't lahat lahat. Nakokonsensya ka pa din!"

"Mahal ko siya Anne!"

"There you go. Akala ko ba move on na?!"

"Nagmomove on na nga ako. Pero kahit anong pilit kong limutin siya, hindi ko magawa-gawa. Mahal na mahal ko siya Anne!" pigil luhang sabi ni Karylle at napaupo sa sofa. Tinabihan naman siya ni Anne at niru-rub ang likod nito to make her calm.

"Sana hindi ko na lang siya kinausap the day after that night. Sana hindi ko na lang pinagsiksikan ang sarili kahit alam kong wala na talaga? Sana hindi nalang ako nabuntis"




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Piece By PieceWhere stories live. Discover now