Hoax

123 0 0
                                    

Tagapagsalaysay

Matapos ang halos kalahating oras ay nakarating na rin sa wakas ang tatlo sa abs. Nang papunta na sila sa pagmeme-meetingan nila ay nakita nila si Direk Bobet na kanina pa sila hinihintay.

Na guilty naman si Karylle at nag sorry sa harap ni Direk.

"Direk hindi ko po namalayan ang oras. Pasensya na po talaga", nakayukong sabi ni Karylle.

"Okay lang. Alam ko naman kung saan kayo galing. Ano ba kasing nangyari kagabi?", tanong ni Direk Bobet.

Flashback

Kasalukuyang kumakain ng dinner sina Karylle at Vhong sa condo ng dalaga. Masaya silang nagkwentuhan. Halos tatlong oras na din silang naghaharutan sa loob ng condo unit ng dalaga.

Maraming kwento si Karylle kay Vhong. Ganon din naman ang huli. Kinikwento niya ang mga karanasan niya sa London. Sa New York at sa Canada. Dahil successful ang world tour ng kanyang play na Cinderella.

Nang minsan kasing nakapanuod si Ms. Lea Salonga ng play ni Karylle sa Resort's World. Inirekomenda naman niya ang huli sa mga kakilala niyang producers, local at international. Nagustuhan naman ng mga international play directors at producers ang paraan ni Karylle sa pagkanta at pag-arte kaya kinuha nila si Karylle para maging broadway actress. Halos dalawang taon din siyang pabalik-balik sa London, New York at Canada dahil sa success ng Cinderella. Hindi lang Cinderella ang kaniyang plays doon. Nag Sleeping Beauty din siya do'n. Dun niya unang nakita si Ariana Grande ng kinanta nila ang Beauty and the Beast na magkasama.

"Maraming gwapo sa London ah" Vhong smirked.

"Hindi lang kaya sa London, alam mo marami akong dinate sa New York", biro ni Karylle sabay kindat. Natawa naman si Vhong sa ginawa ng kabigan.

"Pati na rin sa Canada. Feeling ko nga hindi na ako si Cinderella, parang Rapunzel na 'yung drama ko 'dun sa haba ng hair ko", dagdag niya.

"Nagustuhan mo naman", bulong na sabi ni Vhong.

"May sinasabi ka Ferdinand?", asar ni Karylle sa kaibigan.

"Wala! Kumain ka na nga!", inis na sabi ni Vhong na parang iniiba ang usapan.

"Selos ka lang eh hahaha", patuloy na pang-aasar ni Karylle kay Vhong pero inirapan lang siya nito at nagpatuloy sa pagkain. Wala naman siyang choice kundi kumain na lang din.

Tahimik na kumakain ang dalawa nang biglang tumunog amg cellphone ni Vhong.

Viceral Calling

"Oh Brad napatawag ka?", bungad ni Vhong sa kausap.

"Sinugod si meme sa ospital papa Bong!", hysterical na sigaw ng nasa kabilang linya.

Nagulat naman si Vhong sa narinig.

"T-teka anong ospital?"

"St. Lukes. Room 204"

"Hintayin niyo kami diyan", huling sabi niya bago ibaba ang tawag.

"Teka sinong na ospital?", naguguluhang tanong ni Karylle.

"Basta", pag-iiwas ni Vhong habang nililigpit ang pinagkainan nila ni Karylle.

"Iih Vhong naman sabihin mo na, pinakakaba mo naman ako eh", pagmamaktol ni Karylle na parang bata.

"Handa ka bang malaman?"

"Sino nga kasiiii?"

"Sure ka?"

Piece By PieceWhere stories live. Discover now