Exes and why's

946 60 109
                                    

--

MARAHANG hinimas ni Irene ang braso ni Seulgi habang ginigising ito, "Baby..." She whispered, "Umayos ka na. Gumising ka na. May flight pa tayo." Irene sternly said.

"Hmm." Umungol lang si Seulgi at dumapa sa kama. "5 minutes please, Baby." Seulgi whispered.

"No." Madiin na sabi ni Irene. Malamang, Sya ang leader. At pag dumating na ang manager nila para sunduin sila tapos hindi pa sila ayos, Baka sya ang mapagalitan. "Kanina pa yang 5 minutes mo na yan. Gumising ka na."

Nagpout naman si Seulgi at bumangon habang nakapikit. "Baby, Why so strict?" Parang bata na sabi ni Seulgi at yumakap sa braso ni Irene na nakatayo lang sa gilid nya. "Bakit pala gabi ka na umuwi kagabi?"

Irene giggled, "Kailangan mo ng bumangon, Baby bear. And madami kasi akong ginawa kagabi kaya late na natapos ang schedule 'ko."

"Namiss kita." Malambing na sabi ni Seulgi at masuyong hinalikan si Irene sa pisngi.

"I miss you too, Baby." Irene said sweetly, "Aayusin 'ko lang ang maleta mo. Hindi mo pa pala inayos kagabi." Naiiling na sabi ni Irene kay Seulgi.

Nagpeace sign naman si Seulgi, "Sorry, Baby. Nakatulog kasi ako kagabi ng maaga."

"At mahirap ka pang gisingin ngayon," Sabi ni Irene at tumingin kay Seulgi. "Napakaantukin mo."

Napahawak naman si Seulgi sa dibdib nya na parang nasaktan, "Aray. Masama na bang matulog ngayon?"

"Hindi naman. Pero yung sobrang tulog, Masama."
Sabi ni Irene habang nilalagay ang damit ni Seulgi sa maleta. Ang sweet, Ano po?

"Baby, Ilang taon pala naging kayo ni Taehyung?" Tanong ni Seulgi kay Irene.

Napatingin si Irene kay Seulgi dahil sa biglaang random question nito.
"8 months lang kami, Bakit mo naitanong?"

Seulgi crossed her arms, "Nakikita ko kasi sa instagram yung mga post tungkol sa inyo. #Mulingibalik daw. Ibalik ko kaya sila sa tyan ng nanay nila?" Naiinis na sabi ni Seulgi kaya naman napatawa si Irene.

"Nagseselos ka pa din ba hanggang ngayon?" Natatawang sabi ni Irene, "For Pete's sake, 4 years na tayo, Seulgi. Matagal na yung amin, Matagal na kaming tapos."

Tumaas ang kilay ni Seulgi, "Aba'y malay ko ba kung baka biglang magbago ang ihip ng hangin at bigla mo syang balikan."

"Hindi mangyayari iyon," Giit ni Irene at tinignan si Seulgi na nagcecellphone. "Masyado kitang mahal para iwan ka pa."

"Mahal din naman kita." Sabi ni Seulgi habang nasa cellphone pa din ang tuon. "May communication pa din kayo?" Tanong ulit ni Seulgi na para bang interesado sa mga past relationships ni Irene.

"Wala na." Sabi ni Irene, "BTS member sya at nagkikita pa din kami. Hanggang ngitian nalang kami, Ganun."

"Kinikilig ka naman?" Parang ewan na sabi ni Seulgi kaya naman sinamaan sya ng tingin ni Irene.

"Ipupush mo pa din ba yan hanggang ngayon?"

"Naninigurado lang."

Exes and why's | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon