Maaga akong nagising dahil may appointment pako mamayang 8:00 haha
I choose to wear a simple black dress at black doll shoes.Nagpulbo lang ako at lip gloss para di masyado haggard tignan.Nilugay ko nalang din ang aking brown hairlalu, ready na ako kaya gora na
Eto ako ngayon naglulumpasay sa kanto dahil walang tricycle, 7:30 na pero wala pang dumadaan kahit isang tricycle.Baka di nako matanggap dahil late ako T_T
"Ma'am gentle o hard? "nagulat naman ako ng biglang sumulpot si manong hard sa harap ko.Hulog ka ng langit manong hard
"Sa M's mansion manong.Hard na hard po" pumasok nako sa tricycle nya at kumapit ng mabuti
Pinaharurot naman na ni manong kaya lumipad na kami.Buti nalang si manong yung dumating.Bilib nako sa service nya kahit halos mamatay nako dito
"Ma'am andito napo tayo " ngiti nyang sabi labas ang kanyang kumpletong gilagid
"Hehe good job ang galing mo ito po bayad " lasing kong sabi.Para akong sumakay ng sampung roller coaster
Naglakad ako sa gate ng M's mansion ng paika ika dahil sa sobrang hilo.7:32 palang,grabe 2 minutes lang biyahe namin.Gawin ko nalang kayang service si manong para iwas late pero parang mapapaaga ata pagkamatay ko
Nag doorbell ako pero walang nagbubukas kaya pinindot ko nalang ng pinindot.Bingi ata mga nakatira dito
"Sino ba yan punyeta?! " narinig kong sabi bago buksan ang napakalaking gate ng isang matabang maitim
"Anong kailangan mo? Bawal solicitation dito "maldita nyang tanong.Mukha syang tostadong lechon
"Hoy matabang ulikba mag aaply ako dito Hindi magso solicit" nakapamewang kong sabi at tinaasan sya ng kilay
"For your information di na kami tumatanggap ng labandera tsaka Hindi ako ulikba " aba matapang tingnan natin tapang mo tostadong lechon
"For your information din mas mukha kapang labandera kesa sakin tsaka ikaw? Dika ulikba? So ano ka maligno o baboy ramo? " akala nya aatrasan ko sya ha
Ready to fight na sana kami ng may sumulpot na mapayat na babae kaya unayos ako ng tayo baka mamaya sya pala yung magiinterview di pako matanggap
"Ay kayo po ba yung magaaply? " mahinhin nyang tanong sakin kaya tumango nalang ako dahil kumukulo parin yung dugo ko sa baboy ramong nasa harap ko
"Hinihintay napo kayo ni sir JAZ sa office nya" sumunod nalang ako sa kanya pero binelatan ko muna si baboy ramo kaya lalo syang nangitim sa galit
Habag naglalakad kami palinga linga ako sa paligid dahil sobrang ganda halatang yayamanin ang may ari dahil sa mga design
"Miss dito kaba nakatira? " taka kong tanong sa babaeng mapayat
"A-ah Hindi eh secretary lang ako ni sir Ziender papa ni sir Jaz " tumango tango ako habang tinitingnan sya mulo ulo hanggang paa
"Alam mo miss maganda ka sana kaso dika marunong magayos eh tingnan mo yung buhok mo ang haba pero walang suklay suklay tapos naka salamin ka pang malaki.Tingnan mo yung damit mo mas malaki pa sayo para kang hanger pero pag inayusan ka sure ako kamukha mo si Liza soberano" prangka kong sabi sakanya.Ewan ko ba sobrang nagagandahan talaga ako sakanya
"H-huh salamat " sabi nya at yumuko nanaman kaya hinawakan ko sya sa baba at tinaas ang mukha nya
"Chin up girl we are beautiful no need to shy " cheer ko sakanya kaya napangiti sya pero nahihiya parin
"A-ah ako po si Nicksie Joy Salvador "nahihiya nyang sabi sabay lahad ng kamay nya
"Samantha Scarlet Madrid, nice to meet you Nicksie "ngiting sabi ko sakanya at tinanggap ang kamay nya
"M-miss Sam nasa loob po si sir Jaz good luck po "sabi nya at nakayukong umalis, Hays gusto ko sya maging kaibigan ang gaan ng loob ko sakanya
Inayos ko muna yung sarili ko at nagdasal bago pumasok.Lord ito na sana
I slowly open the door tsaka pumasok.Wala namang Tao baka gino goodtime lang ako nun bwiset.Aalis na dapat ako ng mapahinto ako sa lamig ng boses na nanggaling kung saan kaya nagtayuan ang mga balahibo ko pati ata buhok ko sa baba tumayo
"Sit down " ang cold ng boses pero ang sarap pakinggan.Napaka masculine
Dali Dali naman akong umupo pero hinahanap ko parin kung saan nanggaling yung boses.May naisip ako
"Waaaaaaaaaaaaaaa "maluha luha kong sigaw sa sobrang tuwa
"Kuya nasa pbb naba ako waaaa pangarap koto mygosh ito pala yung audition sa pbb grabe ang swerte ko nasa tv nako binabati ko nga pala ang aking family na nasa Amerika " tuwang tuwa kong sabi dito habang kumakaway.Artista nako mygosh
"Are you crazy?! "Nagulat ako ng humarap yung swivel chair sakin kasama ang isang nagbabagang mata
"I-ikaw yung nagsasalita? " nauutal kong sabi
"Yes alam mo bang para kang siraul---- " bago nya matapos ang sasabihin nya ay ngumawa nako
"Waaaaa huhuhuhuhuhu bwiset ka pinaasa moko huhu akala ko nasa pbb nako huhu akala ko artista nako waaahuhu akala ko si kuya na yung kausap ko ikaw lang pala huhu para kaseng tanga alam ng may Tao nakatalikod pa huhu "ngumangawa kong sabi nagtutuluan narin yung luha ko
"S-sorry please stop crying "sabi niya na parang nahihirapan
"di ako titigil huhu hanggat di moko tinatanggap "ngumangawa ko paring sabi
"Okay tatanggapin kita pero dapat tanggapin mo rin "seryoso nyang sabi kaya napatigil ako sa pag ngawa at napatitig sa gray nyang mata
"Y-yung ano? "Taka kong tanong pero di parin maalis yung tingin ko sa mga mata nya para syang nanghi hypno
"Na maging asawa ko " muntikan nakong mahulog sa upuan ko dahil sa sinabe nya
"Ahahaha ang ganda ng joke mo nakakatawa "awkward kong sabi.Naka drugs ata tong kausap ko eh
"I'm not joking Ms. Samantha Scarlet Madrid " tuluyan nakong nahulog sa upuan ng marinig ko ang aking buong pangalan.Pano?
"P-paano? " tiningnan ko ang mukha nyang seryoso at ang aking resume na nasa kamay ko pa
"I investigate you " sa sinabe nya parang nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na nakatulog ako sa sobrang kapogian nya diko kineri mga ate

BINABASA MO ANG
Pag-ibig na this?!
Teen Fictionbakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo, bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?