Naalimpungatan ang napaka himbing kong tulog dahil sa sobrang ingay at parang may tumutulong basa sa mukha ko
"Awww...... Awww.... "Napatayo ako bigla ng may tumahol huhu
"Waaaaaaaa saklolo may aso waaaaaaaaa mamatay nako " sigaw ko habang hinahabol ng bwiset na aso
"Xaysie chu chu come here "napahinga ako ng maayos ng biglang tumakbo paalis yung aso
Ng maka recover nako sa pagtakbo.Nilibot ko ang paningin ko.Hala nasan ako? Omygosh baka may kumidnap sakin huhu walang pang ransom sila daddy.Pumunta agad ako sa may pintuan at pilit na binubuksan pero naka lock kaya nagsimula nang magtubig yung mata ko
"Pakawalan nyo ko *sniff* please wala kaming *sniff* pang ransom sainyo " umiiyak kong sigaw.Lord please help me
"What are you doing? "Napalingon naman ako ng may nagsalita sa likod ko huhu yan na yung kidnapper
"Kuya walang pera *sobs* yung pamilya ko *sobs* please pakaw---- " napatigil naman ako sa pagmamakaawa ng makilala ko kung sino yung kidnapper
Sinugod ko sya bigla at pinagsusuntok kahit saan matamaan
"Walanghiya ka kikidnapin mo lang pala ako nagkunware kapang bibigyan moko ng trabaho " galit kong sabi sabay suntok sa dibdib nya infairness matigas hihi
"Ano bang problema mo? "Sigaw nya sabay kuha ng dalawang kamay ko.Napatingin naman ako sa nagbabaga nyang mata
"Ang kapal ng mukha mong kidnappin ako "nanlulumo kong sabi habang nakatingin parin sa mga mata nya
"I didn't kidnapped you okay?nahimatay ka bigla sa office ko kaya dinala kita dito "kunot noo nyang sabi kaya napaupo ako at mas lalong nanlumo.Unti unting bumalik sa alaala ko yung nangyari
"S-sorry....... " mahina kong sabi.Grabe nakakahiya yung ginawa ko aish di na talaga ako matanggap sa trabaho nato
"T-that's okay kumain kana masyadong napasarap yung tulog mo,3:00 pm na " nanlaki yung mata ko omygosh nakakahiya nakitulog pako ng ilang oras sa kama nya tapos susuntukin ko lang sya
"A-ah wag na nakakahiya naman uuwi nalang ako "nahihiya kong sabi.Gusto ko ng umalis dito para matakpan yung kahihiyan ko
Naramdaman ko nalang na lumulutang ako sa ere binuhat ako ni sir Jaz.Ang gwapo nya sa malapitan ang sarap gahasain
"A-ah ano sir jaz kaya ko napong maglakad "nauutal kong sabi pero wala lang syang pake isnober na sya :(
Binuhat nya lang ako hanggang sa dinning room. Nung binaba nya ko sa upuan ay para akong isang dyamante na dahan dahang ibinaba.Nekekeleg nemen ekes
"Ano nga pala sir jaz........ Sorry " nakayuko kong sabi.Ayokong salubungin yung mata nya nakakahiya
"I don't want your sorry "seryoso nyang sabi kaya napatingin ako sakanya huhu baka papahirapan nya pako pero okay lang kasalanan ko naman eh
"Ano po bang kailangan kong gawin? " mahinhin kong tanong,feeling inosent si akes
"Kailangan pumayag ka sa deal "at ayun muntik na naman akong mahulog sa kinauupuan ko.Grabe dire diretso wala man lang "wag kang mabibigla" pero choosy paba ako yummy na yan hihi
"A-ah hehe sege " pabebe kong sabi saka ipit ng buhok sa tenga ko.Feeling ko nag rejoice ako ang haba ng hair ko eh
"Okay so ang deal natin ay you will be my wife slash maid.Just pretend to be my wife in public pero pag tayo nalang dalawa maid na kita.I will pay you 200,000 kada month.You will live at my condo kasama ako okay?once in a month lang yung day off mo "nalula naman ako sa mga sinabe nya.Baka pwede nako makadalaw nyan Kay mommy tapos ako narin magbabayad ng ibang gastusin nila.
"Pero matanong ko lang huh bakit ba kailangan mo ng asawa? " taka kong tanong habang ngumunguya ng pagkain.Haha gutom nako eh bawal tumanggi sa grasya
"Para makuha yung mana ko " diretsa nyang sabi.Ahhh kaya naman pala siguro malaki yung mana nya
"Ahh pano pag may nagustuhan kang isang babae o ako may magustuhan na lalaki? "Taka kong tanong.Malay mo dumating si Mr.right tapos malaman na may asawa ako edi naghanap ng iba huhu magiging forever single ako oh no
"Pag ako may nagustuhan na ibang babae I will break the deal pero pag ikaw may nagustuhan na lalaki tuloy parin yung deal " kumunot naman yung noo ko.Parang ang unfair naman ata
"That's unfair " inis kong sabi pero nginisian nya lang ako.Ano bayan ang pogi
"Remember ako ang nagpapa sweldo dito " napairap nalang ako Hays ang hirap ng ilalim habang sya yung nasa taas.Wag greenminded ha
"Edi ikaw na mayaman naku pag ako naka pag chef lalamangan kita " proud kong sabi pero kumunot naman yung noo nya
"Akala ko ba tapos kana sa pag aaral? " nalungkot naman ako sa tanong nya.Buhay nga naman parang life
"Oo tapos nako pero di ako makapag apply eh "malungkot kong sabi naiiyak nako huhu
"Bakit financial problem? " kita ko sa mata nya ang pag aalala kaya lalong nanubig yung mata ko
"Isa nadin yan pero ang pinaka malala is........" Malungot ko paring sabi mygosh unti nalang maiiyak nako huhu
"Ano?! " para syang natataranta na ewan huhu baliw na ba sya sayang pogi pa naman
"Di ako marunong magluto huhu magprito lang alam ko at magsaing "naiiyak kong sabi habang tinatanggap ang katotohanan
"Are you kidding me? Magche chef ka tapos dika marunong magluto? The Fuck "kunot noo nyang sabi.Huhu mukha ba akong nagbibiro
"Eh sa pangarap kong maging chef eh diko naman kasalanan na ayaw makipag cooperate ng kamay ko "pout kong sabi sabay tingin sa pabebe kong kamay
"Unti nalang iisipin ko na talagang baliw ka " di makapaniwala nyang sabi habang umiiling na nakatingin sakin
"Nandamay kapa ikaw nga yung baliw dadamay mo pako " sabi ko sakanya kaya napatingin nanaman sya saking namamangha
"What the Fuck?Ako baliw? So ano na ikaw siraulo " aba iniinsulto ata ako ng gunggong nato
"Hoy lalaki di porket mayaman ka pwede mo nako matawag na siraulo ikaw nga baliw na eh.Akala moba gwapo ka? Kamukha mo kaya si Jutay " inis na sabi ko.Nagiinit yung ulo ko sa lalaking to pigilan nyo ko
"Who's Jutay? " kunot noong tanong nya.Psh bakit ba kase ang gwapo kahit anong gawin ng mukha nya?nakaka insecure mga bess
"For me to know and for you to find out " tama ba English ko baka Mali naku mapapahiya pako
"Okay so simula na bukas yung deal mamaya natin kukunin yung mga gamit mo" bored nyang sabi.Nabigla naman ako sa sinabe nya.excited ba syang makasama ako o assuming lang talaga ako?
"Wala ka naman lakad noh, agad agad? Wala man lang palugit kahit isang linggo? " sarcastic kong sabi.Naiimbyerna ako sa pogi na to
"No actually next day after tomorrow pupunta tayo sa US to meet my family "hala ang bilis naman.Napaka excited nya talaga,gusto nya na ata ako agad agad maging asawa chos hahaha
"Hehe bawal ba kahit next week nalang, you know kailangan prepared ako "nagaalangan kong sabi huhu I'm not ready baka di ako magustuhan ng pamilya nya at ipatapon ako bigla sa Mars huhu
"No, reunion namin yun,dun din yung day na ibibigay yung kalahating mana namin " tumango tango naman ako
"Okay change topic tayo bakit mo pala ako nilockan kanina? "Akala nya nakalimutan ko na yun huh
"I didn't lock the door " aba isa syang handsome liar
"Anong Hindi ilang beses ko nga yun pilit binuksan pero naka lock "umaakyat nanaman yung dugo ko sa ulo feeling ko may lumalabas saking mainit na usok
BINABASA MO ANG
Pag-ibig na this?!
أدب المراهقينbakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo, bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?