Chapter 13

39.1K 949 80
                                    

Chapter 13

            Paano ba nakikipag-date ang angels?

            I didn’t really know what to say pagkatapos akong tinanong ni Alex. I guess he meant it dahil kahit anong abang ko na sabihin niya na joke lang yun o kahit ano pa mang abang ko na bawiin ni Alex yung sinabi niya dahil baka may sudden brain fart lang siya, hindi talaga. I am really going on a date with my guardian angel. We set up a random Friday date, and my whole week was set.

            I guess yung pagkasaya ko eh lumalabas sa mukha ko dahil maraming nakapansin. Sabi nila na blooming daw ako at may mga nagtatanong kung bakit daw ako sobrang cheerful. Sinabi ko na lang sa kanila na may magandang nangyari kaya ganun yung mood ko.

            Alex noticed it too. Nung nasa kwarto kami at nag-sketch ako ng random scenery na todo-todo yung ngiti ko, hindi rin niya napigilan na tanungin ako, “You’re in a good mood…” narinig ko na sinabi niya, “Something good happened?”

            Ako naman, tinignan ko siya pero nakabungisngis pa rin ako doon, “Oo naman. May rason ba para hindi maging good mood?” I nodded at him as if acknowledging him for something he subsconsciously said, “Life is too short not to be happy.”

            “Okayyy…” sagot niya habang natatawa siya sa akin, “What’s so uplifting though?”

            Alam naman niya yung totoo, so wala namang dahilan para magsinungaling pa ako. Isa pa, bawal magsinungaling sa angels. Wrong… wrong… wrong. “Because, I am going on date with the guy I like.”

            I expected it to be half awkward after that, pero nginitian lang ako ni Alex, “Well, masaya na ako as long as you are Miss Zoe.”

            My happiness was unfazed kaya alam kong walang makakasira ng mood ko. Kahit nga nung inaasar-asar ako ni Jax nung makita niya ako, hindi rin ako naapektuhan. The only thing close na nagpabago ng mood ko eh nung napansin ko na pumasok na si Trixie, and she had dark circles on her eyes. It was surprising considering napaka-vain ni Trixie when it comes to her looks.

            Which brings me back to feeling bad because I can’t help but feel guilty that I am the reason that she looks like THAT.

            Tumahimik nung pumasok siya. Pati yung mga minions ni Trixie sa gilid eh hindi rin nagsalita. I guess they know better not to talk. She gave me that look na para bang kapag may sinabi ako eh kakainin niya lang ako, so I decided to stay put. I was in the middle of finishing up one of the sceneries that I was sketching, when she caught a glimpse of one of Alex’s sketches again na nakabukas doon sa sketch pad ko.

            “You know, I just realized we never see your boyfriend around…” sinabi niya nung tumayo siya sa harapan ko, “Ano ba lagi excuses mo? Busy? Out of town?” nag-lean forward siya hanggang sa katapat na halos ng mukha ko yung mukha niya, “Bakit ba may oras ka lagi para mag-create ng mga istorya ha, Zoe? Talent mo siguro yun no?”

            Alam ko na may double meaning yung sinasabi niya na ako lang ang makakaintindi. Sure, iniisip niya siguro na gawa-gawa ko lang yung istorya na nakita ko nga yung kapatid niya. I mean really, what kind of idiot will believe in ghosts? I can’t blame her I guess, pero wala talaga akong maisip na paraan kung paano ko dapat sabihin sa kanya yun nung gabi na iyon.

            Lahat sila nagiging suspicious na rin tungkol kay Alex. He only exists dahil sinabi ko na boyfriend ko siya. But other than that, wala na talaga akong proof na kahit ano pa man. I kind of wanted to ask Alex for help, pero malamang naman hindi tutulong yun. Kapag tinulungan niya ako, para na rin niya akong kinunsinti sa pagsisinungaling ko na hindi naman niya sinimulan.

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon