Chapter 41

23.1K 827 105
                                    

Chapter 41

            I took care of Alex in his human form after he somehow passed out on me. He stayed in his physical form all night at nakita ko kung gaano kalalim yung paghinga niya. I grabbed a basin doon sa banyo ko at pinunasan ko siya ng  medyo mainit-init na tubig.

            He was cold to touch. Sinubukan kong gisingin siya pero hindi rin siya magising-gising. All throughout the night, I would hear him scream like he was having a bad dream. I don’t even know if angels dream. They don’t even sleep to begin with. But right now, his eyes were closed like he was a sick mortal katulad ko.

Mabuti na lang hindi umuuwi si Daddy nun dahil sa away namin. Kung umuwi na siya, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang isang lalaki na nasa kwarto ko. Baka lalong lumala pa yung away namin.

A part of me wanted to call Jax for help that night, pero naisip ko na baka wala rin naman siyang magagawa. Hindi ko rin naman pwedeng dalhin si Alex sa sa hospital dahil hindi naman ganun kadali yun. He just looked like he was sick and all I could do was try to alleviate it so he’d at least be comfortable. As much as I tried not to sleep all night, I fell asleep anyway. Alex was gone in the morning.

“Professor V! Professor V!” tumatakbo pa ako nun sa school at hinanap ko si Professor V as soon as I got to school, “Nakikiusap ako, tulungan niyo po ako!”

Mukhang gulat na gulat si Professor V nun nung nakita niya ako. Hinila niya ako sa gilid dahil nagtinginan na yung ibang mga tao doon as classroom niya. Nung out of earshot na kami sa nakararami, saka lang siya nagsalita, “Zoe, calm down. Ano bang nangyari sa iyo?”

I started crying and crying dahil hindi ko napigilan yung sarili ko. It just flowed again like I will never be able to stop, “P-professor… s-si A-alex p-po…” hindi ako makapagsalita ng maayos nun kakaiyak ko, “S-si A-alex..”

Inabutan naman ako ni Professor V ng panyo dahil sa pag-iyak ko. Isinama niya ako doon sa office niya at humawak siya sa balikat ko at inaalalayan ako. Wala pa rin akong tigil sa kakaiyak ko at hirap na hirap na akong huminga. Nung makarating kami sa office ni Professor V, pinaupo niya ako doon sa upuan. “Zoe, hindi kita maintindihan. Just let it all out and then you can tell me.”

Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko nakalma yung sarili ko. Panay ang hikbi ko doon at wala talagang lumalabas sa bibig ko after a while. Nung nasimulan ko na uling magsalita, I was able to choke out about Alex coming to see me the night before and his status. I told him how he looked really sick and how he told me that he was slowly dying.

The panic attack started again when I told him how he was gone this morning.  “Professor V, wala na siya kanina umaga. H-hindi ko p-po alam k-kung… wala na siya talaga o umalis lang siya. Natatakot po ako na wala na siya ng tuluyan at hindi ko na p-po siya makikita.”

“You can’t keep thinking that way. Umalis lang siguro si Alex at baka makikita mo pa siya…” narinig ko na sinabi ni Professor V sa akin, “As for him being sick, I really don’t know how I can help you. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa kanya.”

Sasagot na sana ako kaya lang may nauna sa akin. “Well, I hope he doesn’t show his face again or I’ll kill him.” Narinig ko na may nagsalita.

Parehas kami ni Professor V na napatingin doon sa pintuan at pumasok si Jax. As soon as I saw him, my jaw dropped sa sobrang gulat ko. Meron siyang black eye at medyo nangingitim yung gilid ng bibig niya.

            “Jax!” napatayo akong bigla sa pagkakaupo ko, “Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan yang itsura mo?”

            “Your oh-so-beloved Alex did this…” tinuro niya yung mukha niya, “You still think he’s a good guy?”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon