chapter two

252 3 0
                                    

Kakagising ko pa lamang ay narinig ko agad ang sigaw ni tita na "Ceceee" at di na ako nagtaka at pumunta sakanya. "Na empake mo na ba lahat ng gamit mo?" tanong nya saakin at gumawa ng expression na hindi. "Ceceee ilang minuto nalang at dadating na yung bus!! Kunsumisyon ka talagang bata kaaaa" sermon nya saakin ng pasigaw. Umakyat ako at nagmadali, mabuti nalang ay nakatupi lahat ang gamit ko. Hindi naman ako baboy sa kwarto para ikalat lang yung damit ko, gusto ko lagi ay naka organize lahat ng gamit ko kaya maraming kabinet dito.  Nilagay ko ang mga gamit ko, shirt, short, pantalon, jacket check!
At inilagay ko pa ang mga personal na gamit ko sa isang gym bag.Inihanda ko narin ang susuotin ko papunta roon at naligo na ako.
Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat kong gawin ay kinuha ko na ang wand ng ama ko na aking naging wand na din at sakto pagkakuha ko ng wand ay dumating na yung bus at agad akong bumaba para magpaalam kay tita.
"Magiingat ka nak!Wag mong hayaan na may makasakit sayo, mahal na mahal ka ng tita, im so proud of you!" wika nya habang niyayakap ako. "Paalam tita, i lobe you too" sabi ko sakanya pagkatapos yumakap at inihatid nga ako sa bus at bitbit nya ang maleta ko. Pagpasok ko ay may mga estudyante. Pumunta ako sa dulo at may nakatabi akong babaeng maganda at may pagka wavy ang buhok na lalong nagpaganda sakanya. "Hi, Welsea Morgado" sabi nya saakin at inahanda ang kamay na parang maghihintay makipag shake hands saakin. "Hello, Celine Strongman but you can call me Cece" at naghand shake na kami. "Pamilyar yang wand mo Cece" sabi nya saakin. Jusko marunong naman pala magtagalog pinahirapan pa ako. "Uhm, sa tatay ko ito na si Fred Strongman" at laking gulat ko nang tumingin saakin lahat ng estudyante na para bang namangha at may natakot din. "Ama mo si Mr. Strongman ang pinakamalakas at pinakasikat na sorcerer sa Oscurita University? " pagtatanong nya saakin at tumango nalang ako at nagulat ako nang lumuhod sya. "Bakit ka lumuhod tumayo ka nga dyan" sabi ko at pinatayo ko sya at binalik sa kanyang upuan. "Tradisyon ng pamilya ang lumuhod pag kaharap ang nakakataas" sabi nya. Aba mukhang galing na edukadong pamilya itong si Welsea! At tumango nalang ako. "Ano bang meron sa Oscurita achuchubels na iyan" sarkastiko kong sinabi sakanya. At tumawa lang sya, "you're so funny, hahaha".Ang babaw naman ng kaligayahan neto!
Dahil sa tagal ng byahe ay nakatulog na ako at nagulat ako nang may magsalitang lalake. Teacher ata ito...
"Good day young sorcerer and sorceress! I'm Professor Luke, and I'm going to discuss here while we're travelling to Oscurita the rules. Speaking of rules, ito ay dapat sundin at ang lalabag ay may parusa" pagpapaliwanag nya. Medyo bata pa ting prof na ito siguro mga 20 and up at ang pogi neto. Ang baby face nya para syang amerikano.
Pagkatapos ng lahat ng kanyang sinabi ay agad na akong natulog.

+ˍ+

That's the short UD! Dahil ibubuklod ko ang mga manyayari kapag nasa Oscurita University na sila. Xoxo

The SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon