chapter three

204 5 0
                                    

Natutulog ako nang ako'y tapikin ni Welsea para magising at agad naman akong nagising pagkamulat ko ng aking mata ay nakakita ako ng isang malaking palasyo. Nabighani ako sa ganda ng paligid.
Welcome to Oscurita University!
Nagmadali akong bumaba sa pag excite ko ngunit pababa palang ako ng bus ay nahulog ako! Arayyyyy!
Lumapit saakin ang isang pagka gwapong lalaki at pamilyar ito! Aha si Cameron Gil ito ang sikat na heartthrob sa isang sikat na channel dito sa Pilipinas! "Okay ka lang ba?" tanong nga saakin at itinayo nya ako. Ang bagal ng pangyayari nag slow motion ang paligid parang nasa isang telenovela ako pero agad itong naputol nang tapikin nya ako. "Oo, im fine, t-thank you"  mautal kong sinabi sakanya.  "Sa susunod iwasan mong mafall masasaktan ka lang" hugot nya,  sa pagkakaalam ko ay sikat sya sa panghuhugot. Nagpaalam na sya at kinuha ko ang mga gamit ko at pumunta sa isang crew. "Saan po dito ang dormitory" tanong ko at itinuro nya naman ang kanyang kamay sa malaking mansyon. "S-seryoso ba kayo manong, eh mukhang hotel yan eh" pagtataka kong tanong sakanya, "Aba'y masanay ka na, ganito talaga dito walang panget maliban sa kaharap ko." Aba kung makapagsalita si manong ay parang ang gwapo nya mukha namang froglet. Che!
Pumunta naman ako agad sa itinuro ng feelingerong nilalang na iyon. Pagpasok ko ay may magandang babaeng sumalubong saakin.
"Welcome to Oscurita University and my name is Sittie Pangilinan you're supreme student council President" sabi nya, at iniabot nya saakin ang susi na may nakalagad na Room 727. Pumunta naman ako doon, grabe nakakapagod pang 5th floor ang room ko nat doon pa ako napunta! Pagpunta ko sa 5th floor ay hinanap ko ang room ko at binuksan ko ang pinto nang mahanap ko ito. Wow, ang laki ng room ko para akong prinsesa na nasa kastilyo.
Ngunit ang ipinagtataka ko ay nakit dalawa ang double deck na may magandang disyenyo? At nagulat ako nang may lumabas sa banyo na babae na pamilyar ang mukha--si Welsea..
Pumunta ako sakanya at kinamusta "Welsea, magkaroom mate tayo ang liit talaga ng mundo! Kamusta ka na". "Kung makapagkamusta ka naman ay parang ngayon lang uli tayo nagkita" wika nya at tumawa kaming dalawa. "Bakit dalawa double deck?" Tanong ko kay Welsea at agad naman nya itong sinagot "Di ba obvious may dalawa pa tayong magiging roommate! Isn't exciting!"...
"Welsea! Pwede mo ba akong samahan? Kukunin ko lang ang uniporme ko sa registrar sa baba." pag aaya ko sakanya at tumango ito at sumama. Andami naming napagusapan ni Wels kahit kadalasan ay kwento ko. Hindi na ako magtataka dahil nung elementary palang ako ay nangunguna lagi ang pangalan ko sa listahan ng noisy. Narating na namin ang registrar at nagpaiwan na ako sa pinto at kumaway sakanya at namaalam. Pagpasok ko ay bumungad saakin ang magandang babaeng nakaupo sa magarang desk. Parang nagulat sya nung makita nya ako at lumapit kaagad. "Good afternoon po Miss??" pagbati ko sakanya.
"Lindsay, Lindsay Hathaway" nang marinig ko ang tinig ng boses nya ay nakaramdam ako ng pagdaloy ng dugo sa pagitan naming dalawa, parang nakita ko sya sa panaginip ba o sa personal. "Uhm, kukunin ko lang po ang uniporme ko" wika ko sakanya. Tumingin sya saakin at parang inusisa ang aking katawan at may kinuha syang uniporme sa kabinet. "Ito ms. celine" wika nya at ibinigay saakin ang uniporme at aalis na dapat ako nang tinawag nya ang pangalan ko.

"Celine!", "Bakit po" tanong ko. "Ito tanggapin ang libro na ito, nilalaman nito ang rules and regulations na dapat sundin, huwag itong lalabagin para na lamang sa kabutihan mo at sa pangalan ng ama mo" wika nya at tumango nalang ako pagkatapos kong kunin ang libro at lumabas.

Bakit kaya ang lapit saakin ng babaeng iyon, una ko pa lamang syang makita ngunit parang kilala ko sya at ramdam ko ang daloy ng dugong komukonekta saamin. 

The SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon