What If Love Fades?

8 0 0
                                    

Paano nga ba kung isang araw pag gising mo hindi mo na siya mahal?

Paano kung biglang naramdaman mo na lang na hindi kana masaya?

Yung dating tawa, napalitan ng luha.

Yung dating saya, napalitan ng lungkot.

Bakit nga ba kailangan naten maramdaman  na wala na tayong pag mamahal sa isang tao?

Hindi ba pwedeng hanggang dulo kayo? Forever sabe nga nila.

Masaya naman kame, noon.
Text hanggang madaling araw.
Laging nagkikita.
Laging magkasama.
Share sa pagkain.
Nag dadate.
Kwentuhan hanggang madaling araw.
Barahan. Laitan.
Bili ng mga bagay na magkapareho.
Typical na mag bf-gf.

Pero habang tumatagal, mas nakikilala namen ang isat-isa.
May mga pagkakataon na hindi na kame nagkakasundo.
Kase minsan ayaw na magpatalo ng isa.
O kaya nagseselos sa mga walang kwentang dahilan.
Tamang hinala.
Mas inuna pa maglaro ng dota, basketball o ng kung anong games sa cp.
Typical pa din na pinag-aawayan ng mag bf-gf.

Parang bata lang nu.

Pero minsan napapaisip ako.
Paano kaya kung diko siya nakilala?
Siguro diko mararanasan yung mga ganung bagay?

Yung biglang tatawa. Tapos biglang parang wala ka sa sarili dahil sa mga corny jokes niya. Tapos biglang malungkot. Biglang mag aalala lalo na kung may sakit siya at alam mong magkalayo kayo.

Sobrang mahal ko siya.
Dahil sa kanya natutunan ko ulet magmahal, magmahal ng walang hinihintay na kapalit.

At magtiwala ulet.
Magtiwala na hindi lahat ng lalaki pare-pareho.
Na hindi lahat ng lalaki babaero.
Na hindi lahat ng lalaki sex lang ang habol.
Na hindi lahat ng lalaki pang display na gf lang gusto.

Pinatunayan niya saken na may mga lalaki pa palang kayang magseryoso.

May mga lalaki pa pala na kaya kang mahalin higit sa buhay nila.

At napaka swerte ko dahil meron akong bf na kagaya niya.

Pero bakit ganun?

Bakit ko kelangan maramdaman yung ganito?

Wala talagang permanente sa mundo.







Isang araw nagising na lang akong na nagtatanong sa sarili ko kung mahal ko pa siya.

Bakit?

Kase nga nagbago ang lahat.

Pakiramdam ko hindi na ako yung priority niya.

Mas importante na minsan ang tropa.

Lumilipas na ang isang linggo na walang text at tawag.

Kahit magkita wala na din.

Wala ng sweet messages.

Gaya ng Iloveyou o Mahal na Mahal kita.

Nawala bigla.

Naging mapaghanap ako sa kanya.

Naging attention seeker ako.
Pero sa kanya lang.

Kase sanay ako, na ako lang ang priority niya.

Masisisi niyo ba ko?
Kung bigla kong naramdaman na wala na kong pag mamahal sa kanya?

Kasalanan ba kung hinihingi ko na sa kanya yung kalayaan ko?

Mali ba na piliin kong ipagpatuloy ang buhay ko na hindi na siya kasama?









Mahal ko siya. Sobra. Higit pa sa buhay ko. Pero siguro hanggang dito na lang talaga. May mga bagay talaga na panandalian lang. May mga bagay na dumadaan lang para turuan tayo ng aral. Siguro kelangan talaga namen maghiwalay. Sabe nga nila kelangan maghiwalay ng dalawang tao for them to grow, to be matured din. Minsan kase nakukulong tayo sa relasyon. Pinapaikot lang naten yung mundo naten sa kanila. Kaya pag nararamdam tayo na parang baliwala na, sobrang nasasaktan na tayo.

Ganun pala yun nu? Kahit gaano mo kamahal ang isang tao pag naramdaman mong baliwala kana, unti unting nawawala yung pag mamahal mo.

Lesson na saken to. Na pag nagmahal ka. Kelangan mo magtira para sa sarili mo. Para pag bigla syang nawala o pag biglang nagbago makakaya mo pang bumangon.

What If Love Fades?Where stories live. Discover now