Savannah's Point Of View
Andito kami ngayon sa studio ng HRM building. Dito kami nagpra-practice kapag may event na katulad nito. Kanina pa nga kami nagsimula eh lagpas na nga sa lunch time, it's already one pm kaya medyo gutom na kami, so we decided na magkaroon ng one hour break kasi hanggang six naman ang school kaya may time pa kami.
"One hour lang ha, bumalik agad kayo." Paalala ko sa kanila.
"Di ka pa ba kakain?" Tanong ni Claire, classmate ko.
"Ah inaantay ko lang si Alice, may kukunin daw siya sa gate eh." Nag-nod lang si Claire then umalis na kasama yung iba pa.
"Sav dito na lang pala tayo kumain." Napalingon ako kay Alice.
"Why?"
"We have one pepperoni pizza and mojos and two large pineapple juice." At ipinakita ang hawak niya.
"Wow, that's great. Lumabas ka pa para bilhin yan? Ang bilis mo ata." Sabay upo sa sahig para makakain na kami.
"Actually kinuha ko lang ito sa guard house, si Reed yung kausap ko kanina, he said na nasa gate siya and they have something for us."
"Ah wait, they?"
"Oo, kasama niya si Kiel."
"Ah." yun na lang ang nasabi ko while nodding.
Nagsimula na kaming kumain while listening to some random musics.
Alice knows me very well just like how I know her. We've known each other all our life, kasi best friends yung parents namin. Si Jane naman ay nakilala lang namin dito sa JA nung enrollment pa lang and we've become close since then.
Now let me tell you about myself, i'm just a normal girl. Unica hija ako ng pamilya namin at Unico hijo naman si Kuya Danny, his full name is Danny Lei Hanz Clarkson. Ang parents namin ay sina Maribeth Lemuela Hanz Clarkson and Jonathan Daevon Clarkson. (A.N:Daevon and Hanz are middle names in case na naguguluhan po kayo.) Super close ako sa Kuya Dan ko kaso nga lang wala siya, lagi niya kasing kasama ang workaholics parents namin dahil sa training. Well, at least matagal niyang nakakasama sila Mom and Dad unlike me na minsan lang makausap. Kaya nakakatamad sa bahay kasi wala naman akong nadadatnan doon. Buti na nga lang at nandoon si Nanay Celia, ang yaya namin ni Kuya since birth, parang lola na namin siya kasi siya din ang yaya ni Mommy noong bata pa ito. Matandang dalaga at devoted sa family namin. Oh ayan nadagdagan na ang information niyo about sa akin, kaya enough of that.
"Solve na solve ang lunch ko." Biglang sabi ni Alice sabay sip sa juice niya.
"Mukha nga."
"Ay oo nga pala Sav, I cannot accompany you sa pagbili ng props. I need to go home kasi dumating sila Mom, we're gonna have a dinner kaya doon na ako didiretso mamaya."
"It's okay, aalis din nga pala ako to buy some groceries and stuffs para sa condo. If you're free tomorrow then let's go?"
"Sure."
"By the way, hanggang kailan sila Auntie Alicia and Uncle Conrad dito?" yung parents ni Alice.
"Ang alam ko ay one month silang off ngayon then si Kuya Luther naman ay uuwi from London by next week."
"Really?!" Excited kong tanong kay Alice. Si Luth kasi ay matagal ng umalis sa Pilipinas, almost six years na rin ata para mag-aral sa London. Pero nagkikita naman kami doon when Alice and I are visiting Lolo. Last year na nga ang huli naming pagkikita kaya nakaka-miss talaga.
YOU ARE READING
Right In His Arms
General FictionFilipino-English Story ____________________ Everything seems to be real, but the truth is everything was a lie. I've been careless about my trust and love. I was crushed by the man I love, that I gave my everything. He's a big coward. I had a ch...