Chapter 01

7 3 2
                                    

"Okay let's do this!"


45 – 44. Pinakatensiyonadong 30 seconds sa buhay ko. Dalawang puntos pa ang kailangan para pumasok kami sa finals. Hinihingal na kami at basang basa na ng pawis ang aming mga jersey. 30 seconds na lang. Kaya to!


"Bola, Rose!"


Nagawang agawin ni Kapitan ang bola mula sa kalaban. Nag-bounce ito malapit sakin kaya agad ko itong kinuha. Pinakamarahas talaga na kalaban ang Criminology Department.


Mabilis akong tumakbo papuntang court ng kalaban. Agad akong binantayan ng dalawa. Aish! Ang lakas na ng tibok ng puso ko ewan kung dahil sa pagod o sa tensiyon.


"Shit!"


Napamura ako ng wala sa oras ng maagaw sa akin ang bola. Agad ko naman siyang hinabol at harangan bago pa siya makapasok sa court namin. At nagawa pa niya talagang ngumisi! Ito din yung pinaka-iinisan ko sa team na to eh! Ang pangit ng mga ugali.


At dahil nga masyado na ata siyang confident, nagawa kong agawin ang bola sa kaniya. Belat mo!


"Last ten seconds!"


"Go DMITRI!!!"


Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at binilisan ang pagtakbo habang iniiwasan ang mga kabilang players.


"TAKBO PA ROSE! ISIPIN MONG HINAHABOL KA NG RAPIST!!!"


Shemay to. Automatic na lumingon ako sa audience dahil sa sinigaw ng best friend ko. Nakita ko siyang tumatalon-talon sa bleacher. Pero hindi sa kaniya dumapo ang aking mga mata.


Nablangko yung utak ko.


"Shit!"


Balak ko sanang umikot pakanan para iwasan si player no. 23 pero pagtapak ko eh biglang dumulas yung sahig. Nabitawan ko ang bola. Idiinin ko ang kanang kamay ko sa sahig para suportahan ang katawan ko mula sa pagkakabagsak. Nagmistula tuloy akong nag-split! Babangon na sana ako ng may dumagan sa akin. Shemay yung kamay ko! Urgh!


**


Nagising ako. Teka what?


"Uy gising ka na!"


"Anong nangyari?"


Pagkakaalala ko eh nadulas ako sa court. Tapos may dumagan sa sakin. Then...


"Yung game!" Napabangon ako bigla.


"Relax dude! Ano bang inaasahan mo? Siyempre talo kayo haha."


Sinamaan ko siya ng tingin.


"Wow thank you ha," sarcastic kong sabi sa best friend kong si Gwy.

Notice Me, SenpaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon