Chapter 02

12 3 4
                                    

Hindi ako isang early bird pero nagising parin ako ng maaga. Ang sakit ng buong katawan ko shemay.


"Good morning," greet ko sa Spongebob kong stuff toy. Siya ang one true love ko at walang hihigit pa. Teka, si Conan pa pala huew.


Tinignan ko ang orasan at putiks alas kuwatro palang?! Hindi rin naman ako makakatulog ulit kaya I decided na magbihis na para sa school. Last day na ngayon ng Foundation Day celebration namin at dahil hindi kami pasok sa finals, wala akong ibang gagawin. Urgh! Huwag sana maging boring.


Lumabas na kong kuwarto at dumiretso sa banyo namin malapit sa kusina.


"DMITRI ROSE SALAZAR," bungad ng nanay ko.


"How how de carabao! Anong bangungot ang yong naranasan at ang aga mo ngayon!" Hindi makapaniwalang sabi ng nanay ko.


Nag-pout ako. "May rule bang nagsasabing bawal ako magising ng maaga?"


"Hehe wala naman... Good timing! Maligo ka na ngarud at may sasabihin ako sayo mamaya," ngumiti si nanay ng nakakasilaw. Brrrrr.... parang nakaka-goosebumps yun ah.


Napangiwi ako sa harap ng salamin. Bitbit ni nanay ang isang polka dot dress sa harapan ko. JUICE COLORED! Pagsuotin na nila ako ng killer heels wag lang dress maawa kayo sakin huhu.


"Nanay naman," pagmamakaawa ko. Alam naman niyang hindi ako yung tipong girly eh. Ayaw na ayaw kong nagsusuot ng mga ganitong bagay. Baka pagtawanan pa ako sa school!


"Sige na anak," pamimilit niya sakin. Hindi lang ito ang unang scene kung saan ini-urge ako ni nanay na magsuot ng ganito o basta yung mga ginagawa ng mga babae ngayon. Dalaga na daw kasi ako kaya ganun.


Pinag-ekis ko kamay ko. "No way!"


"Sige na ngayon lang naman eh." Wahhh! Takpan niyo ang pleading eyes niya! Huhu.


Mag-isa lang akong anak sa pamilya. May pagka-overprotective sila pero alam kong dahil yun sa love nila ako. Alam kong masaya si nanay siguro na bihisan akong anak niya, na babae. Pero hindi ako ganang tipong babae! No to dress! No to make-up! Pero... sayang yung perang pinambili niya... Waahhhh mag-isa ka na ngalang na anak eh di mo pa magawang pagbigyan nanay mo?!


"Sige na nga!"


Parang bumbilyang umilaw ang mata ni nanay.


"Thank you anak!"


Ang weird ko ngayon. Ang weird ko ngayon. Ang weird ko ngayon. Promise! Sino ba kasing papasok ng school ng alas singko ng umaga na para bang makikiparty sa get-up niya?! Pati pa si manong guard nagtataka aish!


Expected na wala pang tao ngayon sa school. Pati staffs, wala pa ata. Kinapa ko yung labi ko. Good thing wala pang tao dahil nakakahiya talagang itsura ko ngayon! Dumiretso ako sa CR para tanggalin yung nilagay ni mama na lipstick. SUPER RED!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Notice Me, SenpaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon