Sana matapos na pleaseee!! Di ko na kaya boring talaga grabeee! ::>_<::
****
RING!! RING!! RING!!Whahahah! Salamat naman natapos na rin
"Uy! Halika na kain na tayo mabilis lang ang break natin" ani ni Mina sa akin, habang nililigpit ko ang aking mga gamit
"Okay, okay eto na nga diva nililigpit na nga po yung mga gamit ko"
Matapos ko iligpit ang mga gamit ko hinila niya na kaagad ako papuntang canteen
Akala mo naman ang dami naming ginawa ngayon para sobrang magutom
Habang papunta kami sa canteen, Ito namang si mina sige salita yung iba nga di ko na iniintindi
"Napansin mo yung classmate natin, yung nakaupo dun sa harapan?"
"Huh? Sino dun ang dami kaya nilang nakaupo sa harapan"
"Yung cute,,Jacob ata ang pangalan nun, ay basta ewan! "
"OKAY"
"Yung lang sasabihin mo okay,,,sa dami kong sinabi Okay as in OKAY! "
"Oo ano bang dapat Kong sabihin?!? "
"Ewan ko sayo! Bibili na nga lang ako ng makakain natin"
Tsss...
Ako naman ang naghanap ng bakanteng table at sakto namang meron dun sa gilid na bakante kaya dun ako naupo
Nagsitakbuhan ang ilang estudyante paalis ng canteen, kaya nagtaka ako nagpalinga linga ng tingin para tingnan kung anong nangyayari
May mga lalaking nakaitim na nakaleather jacket ang papunta sa gawi ko
Ng sandaling iyon ay hindi ko malaman ang aking gagawin kung tatakbo ba ako o hihintayin ko sila dito saka tatanungin kung anong kailangan nila sa akin
Eh kung tumakbo nalang kaya ako kaso maiiwan ko si Mina baka magalit pa yun
Tsss,, ano ba kasi ang ginawa ko? sa pagkakatanda ko wala naman ah..
Bigla silang huminto sa lamesa na NASA unahan ko akala ko ako talaga ang pakay nila
Nagulat nalang ako ng buhusan nila ng tubig ns dala dala nila yung lalaking kumakain
Nangunot ang noo ko saka ko hinintay kung anong gagawin o magiging reaksyon nung lalaki sa ginawa ng mga MIB (Men In Black)
Lalong nangunot ang boo ko ng patuloy paring kumain yung lalaki na hindi alintana ang basa niyang itsura at tubig na dumadaloy sa buhok papunta sa kinakain niya
Wala ba siyang gagawinngayon
Nakita ko naman ang pagkainis sa mukha nung isang MIB na nagbuhos ng tubig dun sa lalaki kaya ng patuloy lang ang pagkain ng lalaki at hindi inabala ang sarili sa pagtingin sa mga lalaking nasa harapan niya ngayon
malakas na tinadyakan ng isang MIB yung lamesa nung lalaki kaya ang nangyari ay lahat ng pagkain nito ay tumilapon at nagkalat sa kung saan saan
Di ba nila nakikita na nandito ako sa likod nila
Naglakad yung lalaki at nilagpasan pa yung mga MIB papunta siya dun sa counter parang umorder ata ulit ng siya ng pagkain dahil sa pagturo turo nito dun sa menu na nakalagay sa harap nung counter
Nakita ko naman na lumapit yung mga MIB sa counter at tama nga ang hinala ko hindi parin nila titigilan yung lalaki
Hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayari pinagtulungan nila yung lalaki yung dalawa hinawakan siya at yung iba naman ay pinagsusuntok saka sipa yung lalaki sa iba't ibang parte ng katawan nito
"Kawawa naman yung Guy napagtripan ata ng grupo nila Jed"- Girl #1
"Kada pasukan may pinagtitripan yang grupo nila Jed, nakaraang taon diba yung 3rd year student na lalaki? " - Girl #2
"Oo nga, kawawa nga yun hindi na kinaya yung pambubuyo nung grupo nila Jed kaya ayun nagtransfer" - Girl #3
Tsss..
Dahil sa aking mga narinig ay lalo akong hindi pinatahimik ng konsensya ko kaya pinuntahan ko yung lalaki na binubuyo nung mga mukhang MIB
Kaya bago pa masuntok ulit nung isang MIB yung lalaki ay iniharang ko na ang aking sarili
"Oh, Miss kung ayaw mo matulad sa taong yan ay umalis kana" nakangising sabi nung MIB na malaki yung katawan na mukhang si The rock
Ngunit hindi parin ako umalis sa kinakatayuan ko habang hinaharangan yung lalaki
"Tumabi ka nga dyan" sabay tulak sa akin nung isang MIB ngunit hindi parin ako nagpapatinag
"Nakakapikon kana ah, bakit ba nangengealam ka ha , Ano mo ba to ? Sabay turo dun sa lalaking NASA likod ko
Hindi ko siya sinagot kaya mas lalong nainis ito sa akin dahil sa akma nitong pagsuntok sa akin
Hindi naman ito natuloy ng may sumalag sa kamao nito na papunta sa aking mukha
"Don't." Pagpigil nung isang lalaking nakauniporme hindi siya tulad nung MIB pero mukhang ito ang leader nila dahil sa agarang pagsunod nung lalaking dapat susuntok sa akin sa sinabi nung lalaking nakauniporme
"What is your name, Miss? " tanong sa akin nung leader ata nila
"Adira" maikli Kong tugon
"Nice name uh" sabi niya sa akin habang nakangisi na nakatingin sa akin

BINABASA MO ANG
MY DEVIL GUARDIAN
Fiksi UmumHe's a Mystery I can never solve He Guides me all the time And I can't do anything with it Cause He's my DEVIL. GUARDIAN... "I'M ALWAYS WITH YOU ANYTIME" - *DG*