"What?!""Calm down, anak! Crush mo ba iyon at ganyan kaㅡ"
"No! Hell no, Mom!" sagot ko.
Nag-iinit ang dugo ko sa Fontallion na iyon! Palagi niya nalang pinapainit ang dugo ko! Baka kumulo ang dugo ko sakanya't masapak ko siya ng tuluyan!
Nakita ko ang pagngisi ni Mom. 'Yung makahulugang ngisi.
"Are you sure~?" may halong landi na sabi niya.
Crush? 'Yun? Ew! Yuck!
"Of course, Mom!" tumayo ako at nilisan ang sarili kong kwarto.
Ayoko sa lahat ang kinukulit ako. Nakakainis! Nakakairita! Hanggang dito sa labas naririnig ko ang pagtawa ni Mom. Nakakairita talaga!
Paliko na sana ako tapos..
"Fuck! Are you fucking crazy?!" agad akong napasigaw.
Salubong kami at nagulat talaga ako. Tinaasan niya ako ng kilay at diretsong tumingin sa akin.
"It wasn't on purpose, Maxima." sambit niya at umalis na agad.
That evil guy. My brother Lucifer Titus Valfierro. He's actually my twin. We're both 18, obviously. Kami lang ang anak ni Mom.
Umirap nalang ako at dire-diretsong bumaba papunta sa backyard. Paglabas na paglabas ko ng bahay ay sinalubong agad ako ng malakas na hangin. Malamig pala. Ipapasok ko muna si Tuesday, my lovely cat.. and my brother hates her. He's scared of cats. I know right, he's a weirdo.
Mabilis kong kinuha si Tuesday sa mini home sweet home niya sa backyard. A very cute sky blue small tiny little house and it fits her perfect fur. My little siberian cat.
"Why the hell did you bring that evil cat inside our innocent house?!" biglaang sigaw ng pinaka-oa na lalakeng nakilala ko.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagpasok sa loob. Umakyat ako ng hagdan paakyat sa 3rd floor kung saan andun ang kwarto ni Tuesday. Yes, you're right. May kwarto siya. May playground siya doon and may sarili siyang aircon.
"Hey you, monster! Answer me!" sumusunod pa din siya?!
Talaga naman 'tongㅡ!
Bigla niya akong hinarap sakanya at matalim akong tinignan.
"What the hell is your problem, Lucifer?" inis na tanong ko sakanya.
"You're not answering my question! That thing," sabay turo niya kay Tuesday. "Is not allowed in here!" sigaw niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at bumaling sa bagay na nasa tabi niya.
"And that is?!" sabay turo ko sa aso niyang may rabies!
"Of course, my baby Lucius is not evil," bumaling siya sa asong baliw. "Right, Lucius?" sabay buhat niya rito.
Ew! Yuck!
"That's so ew, Lucifer." tugon ko at umirap sakanya.
Lumiko na ako para makapunta na sa room ni Tuesday. Agad kaming pumasok doon at binuksan ko ang aircon. Pinatong ko siya sa fluffy sky blue bed niya. Inayos ko naman ang sky blue collar niya na may nakasulat na Tuesday. Ang cute lang! Lahat ng kagamitan niya ay sky blue! Parehas kami! Kinumutan ko agad siya at lumabas na ng kwarto. Nilagyan ko ng do not disturb sign 'yung pinto niya at bumaba na sa 2nd floor para makapunta na sa kwarto ko.
Agad akong pumasok at binuksan ang ilaw. Bakit pa kasi pinatay ni Mom? Tss. Pinagmasdan ko ang maganda kong kwarto. Everything is sky blue. My bed is sky blue. My study table is sky blue. Basta lahat sky blue! Except sa iba, may white. Agad kong kinuha ang camera ko at pumunta sa balcony ng kwarto ko. Pababa na ang araw and it's a really great view. I took a perfect shot at naupo na sa maliit na sofa sa gilid ng balcony. At napansin ko ang round carpet na may stain. Hindi ko pa nga pala napapalinis ito. Tss.

BINABASA MO ANG
Cold Hearts
Short StoryPuso laban sa puso. Malamig laban sa malamig. Masama laban sa masama. Bakit kailangan pang maglaban kung pwede namang magsama?