"Anak, ha! Close pala kayo ni Eridanus! Hindi mo naman sinabi sa akin! Mabuti nalang at naging bestfriend na agad ni Lucifer iyon! Nako! Napakabait na bata talaga!" tugon sa akin ng sarili kong nanay."Seriously, Mom. You're crazy." sabay iling ko.
"I'm not, anak! Gustung-gusto ko lang talaga iyong si Eridanus. At napagalaman ko na ang pamilya niya pala ay madalas sa LV! Hangang hanga nga sila, eh! Atsaka ayun pala 'yung anak nung isa sa mga suki ko sa flower boutique natin! Mommy niya!" maligayang maligaya na sambit niya sa akin.
"Mom, please. I'm not interested." sabay irap ko nalang.
"Anak, naman. Ang tagal mo ng single. Hindi ka man lang ba magboboyfriend? Hanggang kaiㅡ"
"Magboyfriend? At ano? Magpaloko na naman? Masaktan na naman? Maiwan na naman? Ano ba 'yan, Mom! Nakakasawa naman na ata. Nakakapagod! Iniwan na nga ako ng tatay ko pati ba naman ng taong mahal ko! Ano ba 'yan! Ano bang klaseng mga lalake 'yan!" nawawalan ng pasensyang tugon ko.
Napapikit ako.
"Mom, please. Just leave me alone. I'm so tired." mahinahong pakiusap ko sakanya.
"Okay, anak. Pero sana 'wag mong isipin na lahat ng lalake ay pare-parehas. Kasi nagkakamali ka.." huling katagang sinabi niya at lumabas ng kwarto ko.
Hindi nga ba? Pakiramdam ko kasi si Lucifer nalang ang matinong lalake na kilala ko. Siya nalang ang lalakeng pinagkakatiwalaan ko. Siya nalang ang lalakeng hindi ako lolokohin.
"You'll be fine, sis." napalingon ako sa kabilang balcony.
Andoon pala si Lucifer.
"Hindi ko naman kayo iiwan ni Mom. Hindi ko kayo sasaktan." nakangiting tugon niya habang nakatingin sa akin.
Blangko lang akong tumingin sakanya.
Hindi ko na alam.
***
"Bakit ba ayaw mo? Gusto ka lang naman daw niyang makausap, Maxima!"
"Why?! Bakit ikaw ang nagdedesisyon para sa akin?! Alam mo ba kung anong nararamdaman ko, ha?! Alam mo ba kung anong klaseng sitwasyon ito para sa akin?! Malamang hindi!"
"Bakit ba kasi ang arte arte mo?!"
"Maarte ako para sayo kasi hindi mo naman ako naiintindihan! Palibhasa kasi hindi ikaw 'yung nasaktan! Hindi ikaw 'yung niloko at sinabihan ng mga bagay na wala namang katotohanan! Kasi hindi ikaw 'yung nasa posisyon ko! Nahihirapan na ako! Hirap na hirap na ako at pagod na pagod na din ako! Please lang, hayaan niyo naman akong magpahinga! Lubayan niyo ako!" huling litanya ko at iniwan siya sa hallway.
Sa hallway kung saan walang tao maliban sa aming dalawa.
Nakakainis lang na ang tahi-tahimik ng buhay ko at bigla nalang babalik ang lahat ng bagay na nanakit sa akin noon. Wala nalang naman sa akin 'yun ngayon, eh. Pero ginugulo pa din niya ako! At ngayon nagtalo pa kami ng sarili kong kapatid. Nakakainis kasi mas kampi pa siya kay Alson.
"Sima!"
Nagsimula akong manlamig. Napalitan ng galit ang nararamdaman ko. Palagi nalang ganito. Palagi nalang may humahadlang. Gusto ko lang naman matahimik at sumaya. Mahirap ba 'yun? Sobra na ba ang kahilingan kong 'yun?
BINABASA MO ANG
Cold Hearts
NouvellesPuso laban sa puso. Malamig laban sa malamig. Masama laban sa masama. Bakit kailangan pang maglaban kung pwede namang magsama?