Maraming nagbago simula nung kahindihik-hindik na pangyayari..... Masasakit at mapupusok na pangyayari na animo'y kahit isang babae ay hindi tatagal sa relasyon subalit kapag nagmahal ka hanggang saan ba ang limitasyon mo ang handang itaya ang buhay para lang sa pinakamamahal mo ngunit sinaktan ka o ikaw yung taong kapag hindi ka na mahal pero mahal mo siya kaya mapaparaya ka?-----------
At maya-maya ay natatanaw ko na ang isang di gaanong kagandahang babae, tss. Yan ba yung pinagpalit niya sa kin? Walang kwenta !! Suot pa lang ng damit ay halata mong walang class...At sa di inaasahan ay kasama niya ang napaka walang kwenta niyang boyfriend sabagay park nga 'to di ba tambayan ng mga P-D-A kuno....
At sa kamalas-malasang pangyayari...
"Oh look who's here?!" malanding wika ni Dorothy!
I-introduce ko muna si Dorothy sa inyo, hmm... Make it simple makating higad na nagiisang umagaw sa boyfriend ko na kasalukuyan ay kasama niya ngayon, ang boyfriend kong at the same time minahal ko pero niloko lang ako at sumama sa walang kwenta niyang Dorothy tss.
"Akalain mo nga naman kahit saan kami pumunta ni Justin ay nandun ka, oh well sinusundan mo ba kami? Maarteng sabi niya...
Sinusundan? The eff? Isang Abella susundan ang walang kwentang tulad niya? Aba masyado yatang mataas ang tingin sa sarili niya !! Natawa naman ako ng mapait !! Tss. Natatakot siguro na makuha ko ulit ang boyfriend niya na dapat ay akin lang!
Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa at saka nagbigay ng opinyon ukol sa sinabi niya...
"Wala akong interes sa boyfriend mo 'kuno' okay? Bakit natatakot ka bang maagaw ko 'ulit' ang boyfriend mo?" Nagmamayabang na wika ko sa kanya...
Halos hindi maipinta ang mukha niya sa inis hahaha !! Ganyan nga ipakita mo kung gaano ka klaseng kawalang kwentang tao !! Tss..
"Tsh, whatever don't dare to make lapit lapit to my hubby, nonsense girl!" maarteng usal niya..
Tss. Masyado siyang conyo !! Di bagay!! Pero fairness sa kanya ha? Kahit mahirap lang kung magsalita akala mo mayaman pa sa mas mayaman tss.
"K." tipid na sabi ko at saka sumakay na sa sasakyan !!
AYAN AKO CERTIFIED BAD GIRL 3 YEARS LATER !!!
YOU ARE READING
Until She Got Her Best Revenge
RomanceThe revenge is coming... changes is always part of pertaining !!!