"Bat ang tagal mo! Ikaw nalang hinihintay!" Sabi ni Ate Gil pagkababa ko ng jeep.
Fck wag nyo ako kausapin utang na loob!
"Halika na dito! Pasok ka na sa van malelate tayo!" Sabi ulit ni Ate Gil.
Itinaas ko ang kamay ko. Sana magets nila na "wait" ang ibig sabihin non.
Pumasok ako sa loob ng mini stop tska naghanap ng candy na maanghang. T*ngina hindi ko akalaing gagawin ko to buong buhay ko! Kapit sa candy amputs! Ugh!
Nakakita ako ng mentos. Pwede na to. Binawasan ko na ng isa bago ko bayaran sa counter tsaka pumasok sa van, katabi ng abnormal na Miel.
"Anong ginawa mo sa loob?" -Miel
"Nagpa-aircon" sagot ko sa kanya habang hinahanap ang contact lens ko sa bag. Sht naiwan ko yata.
"May aircon naman dito sa van!"
"Ay t*nga uto uto! Bat pala tayo may service Ate Gil? Umaasenso na ba tayo?" Sabi ko kay Ate Gil na nasa harapan ng van habang nilabas ko lahat ng gamit sa bag ko.
"Ano ba Boks! Ang likot mo! Bat mo nilabas lahat yan!" Sabi ni Miel
"Paki mo!"
"Magsisimula nanaman kayong dalawa ha! Mahiya naman kayo kay Randelle!" Saway ni Ate Gil sa amin.
"Eh kanino nga to Ate Gil? Satin na ba tong van?" Tanong ko ulit sa kanya habang pinagbubuksan lahat ng zipper ng bag ko. Sht naman nasan na ba 'yon?
"Ayy service to nung pupuntahan naten! Sossy no bongga!" -Ate Gil
"Ano bang pupuntahan naten?" Tanong ni Boks habang kinakalikot yung wallet ko.
"Secret" -Ate Gil
"Ay astig ng pangalan ng bar! Secret!" -Miel
Napaka abnormal nito talagang sabog na to -______- parang bata! To naman si Ate Gil tawa tawa!
"Ano ba tong wallet na to! May condom pang laman! Ano to para safe?" Tanong ni Miel
"Bat ka ba nangengealam ng gamit! Amin na nga yan! Hanapin mo nalang yung contacts ko"
"Nasa phone Cha ano ba ang bobo neto -_-"
"Pakyu ka! Contact lens! Nawawala eh"
"Wag ka na magcontact lens! Ang korni mo! Mas bagay nga sayo yan nakalasamin. Muka kang walang mata pag tinatanggal mo yan."
"Paki mo ba! Eh sa muka nga akong nerd pag naka-salamin!"
"Eh nerd ka naman talaga!"
Aba balugang to -___- hayaan na nga! Wala talaga dito. Baka naiwan ko sa bahay.
"Bat ganyan yung gamit mo?! Wala ka man lang lipbalm?!" Abnormal na tanong ni Boks.
"Napakabading mo talaga!" Singhal ko sa kanya. Aanhin naman nya yung lipbalm?! -_-
"Ate Gil may lipbalm ka? Pahiram naman ako sige naaa!" Sabi nya kay Ate Gil
"Hoy Miel ang ingay mo!" Sigaw ni Randell sa likod kaya napatingin ako kaya napansin kong parang kulang kami.
"Nasan si Aaron?" Tanong ko sa kanila
"Ah may sakit daw eh di makakapunta." Sagot ni jeater sa akin.
"Nagka AIDS na siguro! HAHAHA" sabi ni Ate Gil
"Sumbong kita ate Gil! Ikaw nalang Cha yung humawak ng gitara mamaya ha" sagot ni Jester.
"Ako nalang!" Sabat ni Boks na naglalagay ng lipbalm sa labi nya. ANONG KABAKLAAN TO?! DINAIG PAKO -____-
"Asa ka! Baka ipahiya mo nanaman kame! Uy pahiram nyan pagkatapos ha" Sabi ni Jester. Fvk! Anong meron sa lipbalm?! Uso ba to ngayon?
BINABASA MO ANG
Love Like Woe
Ficción GeneralAng istoryang ito ay puno ng mga bad words. RATED SPG. Hoy! Hindi ito SPG na may rape-rapan ha! Pero kahit naman SPG ito, hindi parin naman kayo sasamahan magbasa ng mga parents nyo. Tama diba? Kahit na Stiktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kai...