Chapter 2

8 1 0
                                        

Habang kumakain ako, biglang nag vibrate yung phone ko.

*bzzzzzzt bzzzzzzt*

---> April calling...

"Sino yan Cha?" Sabi kuya na nasa tabi ko.

"Si April"

"Patingin nga! Ako sasagot!"

"Sapak you want? Pedo ka kuya! Eww!"

May hidden desire yang si Kuya Igo kay April mga dre! Grabe!

Pumunta ako sa sala tsaka sinagot yung tawag ni April.

"Oh? Gabing gabi na ah! Bakit?"

"Kasi... Ano... hmm. Pwede ba akong makitulog muna dyan sa inyo? For one week lang naman. Kasi ano eh. Napalayas ako sa apartment na tinutuluyan ko. Kasi hindi ako nakapag bayad ng renta. One week lang. Promise. Tas hahanap na ako ng bagong malilipatan. Please. Please. Pl---"

"Ano ba kuyaaa! Ambastos neto! May kausap ako eh!" Sabi ko kay kuya habang hinahabol sya paakyat sa hagdan. Hinablot nya kase bigla yung phone ko -_-

"Hello April! Oh baket?..." sagot ni Kuya kay April

"Kuyaaaaaaaaa! Akin na nga yan!" Pero tumakbo si Kuya Igo sa kwarto nya tsaka nilock yung pintuan.

"Ano ba kuyaaaaaa! Kuya naman eh!" Sabi ko habang kinakalabog yung pintuan.

Lintek! Amp -_- bahala ka nga sa buhay mo. Huh! Mamaya ka sakin Iñigo!

Lumabas naman bigla si Kuya Gab sa kwarto nya.

"Ang ingay nyo. Anong meron?"

"Ehh! Kuyaaa -.- si Kuya Igo kinuha phone ko. Kausap si April"

Natawa naman si Kuya Gab. "Abnormal yung kuya mo. Pedo. Hahahaha! Matutulog nako ha. Good night ^_^"

Pumasok na sya ulit sa kwarto nya. At ako naman -_- naghantay ng mga ilang minuto sa labas ng pintuan. Maya maya naman ay binuksan nya ito. At pagkabukas na pagkabukas ng pinto,

*boogsh*

"Aray ko naman Cha!" Sinuntok ko kase sya -_- hinablot ko ang phone ko tapos bumaba ng hagdan. Si kuya naman nakasunod lang sakin.

"Ang harot mo kuya! Kahit kailan ka talaga! Anong sinabe mo?!"

"Sabi ko pwedeng pwede ^_______^"

"Sira ka! Saan mo patutulugin yon dito ha?!" Sabi ko sa kanya habang pumunta sa kusina at tinuloy ang naudlot kong pagkain kanina

"Dun sa kwarto mo. Tapos dun ka sa sala--- aray naman! Siraulo ka -_- masakit
kaya!" Binato ko kasi sya ng kutsara.

"Asaness kuya! Ikaw ang pumayag edi ikaw yung dun sa sala -_-"

"Hmm. Alam ko na ^_____^" sabi nya habang abot langit ang ngiti. Alam ko ang nasa isip neto -_- muntanga yung itsura eh

"Aray ko! Nakakadami ka na ha!" Yung tinidor naman and ibinato ko sa kanya

"Eh ikaw den kanina ka pa! Siraulo ka kuya. Hindi kayo pwede magtabe -_- yuck ka! Eww!"

"Ang sama mo alam mo ba yon? T.T nakakahurt ka ng damdamin" sabi ni kuya habang nakapikit at hawak yung dibdib nya -____- mukang tanga to talaga! Pag-untugin ko sila ni Boks eh -_-

"Nako tigilan mo nga ako kuya -_- tabi nalang muna kayo ni Kuya Gab tapos si April dun nalang sa kwarto mo"

"Tabi nalang kasi kame dali na! April May pangalan nya diba? Pag may nabuo papangalanan kong June" -_________-

Love Like WoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon