Chapter 3: Jem's P.O.V

407 13 8
                                    

TBBSMH: JEM'S P.O.V

JEM'S P.O.V:

Nandito kami ngayon ni Oleen sa school at inaantay si Yannie. Nakakaimbyerna talaga 'tong si Oleen, umagang-umaga nakabusangot agad. Wala atang kasayahan 'to sa buhay eh, kaya hindi ko tinitigilan ang pangungulit ko sa kanya.

"Jem, smile ka na kahit maliit lang..." mahinang sambit niya ko, nagsalubong naman ang kilay niya dahil sa pangungulit ko.

"Can you please stop na, Jem?" naiiritang saad ni Oleen, napanguso na lang ako. Nagpresinta naman ako para tumingin ng section namin, dali-dali akong lumapit sa bulletin board at pilit isiniksik ang sarili ko sa kumpol ng mga estudyanteng naghahanap din ng mga pangalan nila.

"Anong section natin?" Oleen asked as I was approaching her.

"First Section ulit." I answered with a smile.

"Yohanne!" pangalan ng bebe ko 'yon ha? nagsalungat ang kilay ko at lumingon sa pinangagalingan ng boses na narinig ko.

"Si Leir 'yon diba?"

"Oo sis, si Yohanne naman ba target niya ngayon?"

Teka ano? target? Leir? si Yohanne ko? hindot ba 'tong babaeng 'to huh?

"Jem, let's go na kay Yann--" hinawakan ni Oleen ang kamay ko pero nagulat din ako nang mag sink in sa akin ang ginawa kong paghila sa kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ano...uhm." shet ka Jem! kinakabahan ako.

"Lapit na tayo kay Yannie." she said then signalled to get close to Yannie.

"Wag muna..." kinakabahang sagot ko. Hindi pa kasi alam ni Yannie at Oleen na may crush ako kay Yohanne, nakakahiya 'to huhu.

"At bakit?" pasimple naman akong napalunok dahil kumunot ang noo ni Oleen.

"May ano..." I looked down because she kept on meeting my eyes.

"Ano?" tanong niya.

"May kausap pa kasi sila Yannie." pagdadahilan ko.

"Hindi naman natin guguluhin, lalapit lang naman tayo." sagot niya.

"Ang maldita naman pala ng kapatid ni Yohanne..."

"Naiirita ako diyan kay Leir, serves her right."

"Bakit ba nagkasagutan sila?"

"Mas maldita pa ata yung kapatid ni Yohanne kesa sa kanya."

Rinig na rinig namin ang bulungan galing sa mga taong katabi namin. Ayokong lumapit kay Yohanne, nahihiya ako! Baka may makapansin pa ng pag-arte ko at mahalatang may gusto ako sa kanya huhu. Nagi-isip pa ako ng mga palusot na pwede kong sabihin kay Oleen pero bigla siyang nagsalita.

"You know Jem, I guess we should just wait in here." Oleen said. Nagulat naman ako, ang bilis magbago ng isip.

Dumapo naman ang tingin ko kay Yohanne. Hay, napakagwapo niya talaga. Ilang taon na rin akong may gusto sa kanya pero hindi ko naman masabi, baka kasi magalit si Yannie dahil nga kuya niya 'yon eh. Sa totoo lang wala pang nakakaalam ng feelings ko kay Yohanne, nakakadiscourage rin at alam ko namang pinipilahan 'yan si Yohanne ng mga babaeng mas maganda pa sa akin.

Pero malay mo naman, magaya sa movies love story namin. Tipong hindi mo ineexpect na mafafall siya sa'yo, hindi naman siguro masamang mangarap diba?

"Jem? Hello, I'm here!" I instantly got back in reality because of Oleen. Hindi ko namalayaan na tinatawag niya na pala ako.

"Ha? Hindi ano, tinitignan ko si Yannie." mabilis na sagot ko.

"Ok fine, whatever." Oleen said.

"Jem let's go to Yannie na." she said. Lumayo na rin yung babaeng Leir yung pangalan.

"Wait lang, antayin na lang natin na siya yung lumapit." I said. Hindi pa nakakalayo si Yohanne! Juscolored sana po hindi na siya lumapit sa amin. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero ayoko namang mamula sa harap niya.

"Alright, let's do what you like." Oleen said without any emotion, siguro napuno na rin siya sa akin.

Tinignan ko naman ulit si Yohanne, naglalakad na sila but he stopped and get his phone from his pocket. I felt relieved when he walked away. Nang makita namin si Yannie na papalapit sa bulletin board ay agad na kaming naglakad papalapit sa kanya.

"Yannie Xy Grefaldon!" malakas na sigaw ko at niyakap si Yannie.

"We're on the first section." kalmadong saad ni Oleen, kabaliktaran naman sa pinapakita ko.

"Ano ba 'yan Jem, sobrang namiss mo ba ako?" pabirong tanong ni Yannie sa akin, napanguso naman ako.

"Jem that's enough, two days lang tayong hindi nagkita." hay nako kahit kailan talaga 'tong si Oleen, napaka kill joy.

"Hindi mo ba kami namiss?!" malakas na tanong ko.

"Anyways, why don't we go to our classroom na?" pagi-iba ng usapan ni Oleen.

"That's a good idea but saan ba ang classroom natin?" tanong naman ni Yannie.

"Alam ko!" I loudly said.

"Pero hindi ko sasabihin hanggang hindi ngumingiti si Oleen! Umagang-umaga pero nakasimangot na agad, lagi na lang atang nireregla 'yan eh." huh! kala mo Oleen ha, ako pa hinamon mo, ngingiti ka ngayon.

"Hindi ka pa ba nasanay sa akin? Ewan ko ba sa'yo Jem." Jem answered.

"Edi hindi ko sasabihin." pagmamatigas ko.

"Fine." akala ko ay ngingiti na siya pero dumiretso naman siya sa mga estudyanteng nakatambay din dito. Hindi naman nagtagal ay bumalik din siya agad sa amin ni Yannie.

"3rd floor, beside the building of our school's second library. Let's go and leave Jem here, Yannie." napanganga naman ako. Naisahan ako ha, bwiset ka Oleen. I immediately came rushing at her.

-

Nasa harap naman kami ngayon ng building kung nasaan ang assigned room namin.

"Dito na diba?" tanong ni Yannie.

"Oo, 3rd floor." Oleen answered.

Nakakatamad naman umakyat, bakit ba kasi nasa third floor pa ang room namin? hay nako. Nasa second floor pa lang kami pero rinig na rinig na ang boses galing sa taas.

"Hoy wag kayong magtakbuhan!" sigaw ng isang galing sa third floor, ilang hakbang na lang at makakaakyat na rin sa wakas!

Hindi pa kami nakakaakyat sa third floor ay bigla naman kaming binulaga ng mga asungot na lalaking nagtatakbuhan, umiwas ako agad syempre hindi naman ako tanga para mahulog.

Napalingon naman ako dahil narinig ko ang pagmura ni Yannie.

Shit ka talaga Yannie, napakatanga mo.

───

Leave your thoughts! I apologize for this corny and boring updates. Bawi ako next time hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad Boy Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon