Chapter 1: The Start.

1.5K 48 27
                                    

TBBSMH: THE START.

Yannie's P.O.V:

*kringgg! kringgg! kringgg!*

"Last five minutes..." I whispered then buried myself inside my blanket, but the annoying sound from my clock won't stop. How irritating.

Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ang orasan na nasa gilid ko.

"7:10 pa lang naman." I closed my eyes again. Napabukas din agad ako nang maalala ko na 8 o'clock ang first subject namin.

Bumangon agad ako at tumakbo palabas ng kwarto ko habang dala-dala ang towel ko na nakasabit sa aking balikat.

"Shit. Shit. Shit." I said repeatedly.

Dumiretso ako sa bathroom na katabi lang ng kwarto ko pero hindi ko alam kung anong klaseng ligo yung ginawa ko at parang wisik-wisik na lang ata eh. Agad naman akong tumakbo pabalik sa kwarto ko pagkatapos ng kung ano mang klaseng ligo ang ginawa ko.

"Sana naman naplantsa na yung uniform ko..." bulong ko sa sarili ko at binuksan ang closet ko. Nakita ko naman ang maayos na uniform ko at isinuot na ito. I immediately get my blower and hair brush so that i can finish doing my hair quickly. I look at my clock and saw that it's already 7:22 in the morning. I grabbed my phone and bag then went downstairs.

Dumiretso na ako sa aming kusina para makakain ng agahan. I saw mama eating on the table, umupo naman ako sa tabi niya.

"Late ka nagising?" mama asked and I answered with a nod.

"Si kuya po pala nasaan?" tanong ko at sumubo ulit ng pagkain.

"Kanina pa siya gising, nagulat nga ako at siya ang nagluto ng breakfast natin. He said you can call him if you're done eating para maka-alis na kayo." nanlaki naman ang dalawang mata ko. Teka, tama ba 'yon? Maagang nagising si kuya Dex?

"Ang aga naman niya, si kuya po ba talaga 'yon?" I asked out of disbelief, madalas kasi siyang late magising at kailangan pang masigawan ni mama, tumawa lang naman si mama at napailing.

"Si papa po?" tanong ko ulit.

"As usual, nauna na sa trabaho niya. Hindi nga inubos yung pagkain niya." mama let out a sigh. Hindi naman laging ganito si papa, dati sabay-sabay pa kaming apat kumain mapa-agahan, tanghalian o hapunan man. Ewan ko kung anong nangyari at puro trabaho na ang binibigyan ng sobrang focus.

"Ma, tapos na po akong kumain." i said and show my mama a smile. Kinuha ko ang aking toothbrush para malinisan ko na ang nga ngipin ko at makaalis na kami ni kuya.

Magmumumog na dapat ako nang biglang may humampas sa likod ko, hindi naman masakit pero nagulat ako. Lumingon agad ako at nakita ko si kuya Dex na nakangisi habang bitbit niya ang bag niyang nakapatong sa kanyang balikat, my eyebrows met while looking at him. Nagmumog na ako para matapos na ang pagtotoothbrush ko, pinunasan ko naman ang labi ko.

"Umagang-umaga pero sinisira mo na agad ang araw ko." saad ko bago bigyan ng mabilis na tingin ang nakatatanda kong kapatid.

"Ano ba naman 'yan Yannie, masyado ka namang seryoso. Can you just chill?" he said and let out a laugh.

"Nyenye, ewan ko sa'yo. Tara na nga kuya malalate na tayo eh!" I said bago ako lumabas sa aming kusina.

Lumabas na ako sa aming bahay at nakita si mama na dinidiligan ang mga halaman.

"Mama, alis na po kami!" lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisnge. Ganoon din ang ginawa ni kuya kay mama.

"Oh sige na, baka malate pa kayo eh. Take care of yourselves, Dex dahan-dahan lang sa pagmamaneho ha?" paalala ni mama.

The Bad Boy Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon