Angel's P.O.V.

18 3 0
                                    


"Baby wake up... May meeting ka pa..." kahit kailan talaga kahirap gisingin ng lalaking ito.

"Macky..."

"Five more minutes,babe..." siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at hinigpitan ang yakap niya.

"Okay... I'll prepare our breakfast. Let me go na muna." Gladly, he removed his hands on my waist. Kumuha ako ng unan at iyon muna ang niyakap niya. I looked at him. How I wish God will give us more time. I leaned closer and kissed his forehead.

"I love you..." I whispered.

Mga isang taon na rin kaming naglilive-in ni Macky. Our love story starts when we were in high school. He's been my savior, best friend and a father to me since my father died when I was eight. No one dared court me kasi nga kasama ko siya but it's fine with me. That time I don't have any feelings for him at alam kong siya rin. When my mom died because of an accident, he was there to be my crying shoulder. I don't know what to do but he became my strength. His Mom, Mommy Mica wants me to live at their house together with Gelo, my little brother. I'm 6 years older than him. Tinanggihan ko siya kasi nahihiya ako. Buti na lang at noong college na, naging exchange student ako sa Singapore. I left my brother to my Lolo at Davao. And Macky, he wants to come with me pero tumanggi ako. He don't want me to leave but he knows that it's my dream na makapag-aral ng Architecture sa Singapore lalo na at nalaman ko na magkakaroon kami ng opportunity na masali sa team ng mga magdedesign ng mga infrastructures at buildings dito sa bansa. Umuuwi rin ako sa Pinas pero si Macky lumalamig sa akin, nagkaroon siya ng kasintahan and that time, I started to feel the jealousy. I don't know if it's because his attention is not mine anymore or dahil mahal ko na siya,hindi bilang kaibigan but more than that.
After ng kontrata ko sa Singapore, I went home. Nagkaaminan kami ng feelings ni Macky and nagsorry sa mga nagawa namung mali sa isa't isa. By that time, mas tumibay pa ang samahan namin.

"Babe! 'wag mo akong ginugulat!" hinigpitan niya ang yakap sakin mula sa likuran. Kinuha ko ang nitoast kong tinapay at hindi pa rin siya bumibitaw. Ibinaba ko na muna ito at tiyaka siya hinarap. He kissed me and I kissed back. I hugged him after.

"Nakakagigil ka! Ang cute mo!" sabi ko at pinanggigulan ang pisngi niya. Tumawa lang siya. Biglang kumirot yung ulo ko kaya napahawak ako dito.

"Hey, are you okay?"

"Ang sakit ng ulo ko..." Nag-aalala niya akong tinignan. I hate this pain. Sobrang sakit. Huninga ako ng malalim bago nagsalita.

"Ikaw kasi! Takbo ka ng takbo sa isip ko!" narinig ko ang tawa niya.

"Ikaw talaga." lumabas ang biloy niya sa pagngiti niya. Nginitian ko din siya pabalik.

"Fix my necktie,please." at binigay sa akin ang necktie niya. Inayos ko iyon sa kwelyo niya. "Bakit kung makatingin ka ganiyan?"

"Pakasal na tayo..." napangiti ako at tiningnan siya.

"Magpropose ka muna." napanguso siya. "Babe, out of the world naman kasi ang gusto mo."

"Hahaha! Talagang labas naman siya sa mundo."

"Sige na nga, mag-iipon ako para maipunta kita sa buwan at doon magaganap ang proposal ko." niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. Tawa lang ako ng tawa. Ang sarap sa feeling na may nagmamahal sa iyo. Haays. Sana lang talaga...

...

"Babe, hindi pa ba tapos ang meeting mo?" I asked him. Kausap ko siya sa phone ngayon at andito ako sa firm dahil kakatapos ko lang ipakita ang mga design about sa bahay ng isang kliyente.

"Tapos na, babe. Pero pupunta akong Cavite ngayon. Nagkaproblema sa isang branch. Emergency lang. I'm sorry, hindi na kita masasabayan sa lunch. Please eat your lunch,okay? I'll hang up now. I love you,my angel."

"I love you too." I sighed when the call end. Nakalimutan niya kaya? Marami kasing iniisip. Hayaan ko na nga. After my lunch, dumiretso ako sa mall at bumili ng pangdinner namin mamaya. I checked my phone at napangiti ng makita ang text niya.

From Sanggol:

Kumain ka na ba? I'm really sorry, I love you baby!

I replied.

To Sanggol:

It's fine baby. Kumain na ako. Don't ever dare skip your lunch okay? Take care! Please come home early at ipaghahanda kita ng dinner. I love you sanggol!

May mga nareceive pa akong messages at isa-isa ko silang nireplyan. Dumiretso na ako sa Grocery at bumili ng mga kailangan ko.

Tapos na akong magluto, alas siyete na ng gabi pero wala pa rin si Macky. I called him pero cannot be reached. Baka walang signal. I decided to get my phone at ginawa ang mga ginagawa ko kapag wala si Macky. Nang matapos ako ay pumunta muna ako sa sofa, hindi ko namalayan, hinihila na pala ako ng antok.

"Angel..." may humahalik sa akin at marahang hinahaplos ang pisngi ko. I opened my eyes and I saw the most handsome and lovable man I met in my whole life, next to my father of course.

"Angel,I'm sorry..." tiningnan ko ang mata niya na puno ng sinseridad. Napalunok ako. Kasabay ng paglunok sa lahat ng emosyon na nadarama ko ngayon. Ngumiti ako.

"It's okay, nagdinner ka na ba?" umiling lang siya. I hugged him and he hugged me back.

"Sige, ipagiinit ko lang yung niluto ko so that we can eat dinner na." Nakalimutan niya. I can't cry. Ayoko na makita niya akong umiiyak. Ayokong makita siyang nasasaktan. Ayoko na sisihin niya ang sarili niya kung bakit ako nasasaktan. A hug will be enough. Humarap ako sa kaniya.

"Hey... Bakit ka nakasimangot?"

"I'm really sorry..."

"It's okay, naiintindihan ko naman. Smile, baby!"

"I love you so much, Angel."

"I love you too, Macky."

Last Tick Tock (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon