Malumanay noon ang ihip ng hangin sa may manila bay. Nagkalat ang mga basura, upos ng sigarilyo at parapernalya ng mga pinagbabawal na gamot. Si Susie ay tumakas nanaman sa bahay ampunan para amuyin ang mabahong amoy ng bay na parang dinatnan ng fish kill kahit plastic lang ang mga nakalutang. Umupo siya sa isang bench na may katabing basurahan. Sa basurahan, may lalaking maitim ang balat. Hindi siya negro, siya ay taong grasa. Naghahalungkat siya ng makakain sa basurahan. Nais lumapit ni Susie, pero ayaw niyang madumihan. Nais niyang ibigay ang kanyang tinapay, pero ayaw niyang masabihang nagbabait-baitan. Nais niya itong kausapin, pero ayaw niyang makaamoy ng mabahong hininga. Napaisip na lamang siya--- bakit kaya naging ganito ang kanyang buhay? Siguro naman hindi siya isinilang ng ganito? Siguro isa siya sa masasama na pinarusahan ng Diyos o kaya'y mabuting taong pinagkaitan ng tadhana?
**************************
"Ayokong magsisi na nagsama tayo kahit wala ito sa prinsipyo ko." niyakap ni Alice ang katabing si Hanna at sabay silang umiyak. Ngunit iisa lang ang iniisip nila, ayaw nilang magsisi sa kanilang pagmamahalan.
Pareho silang babae. Walang tomboy, walang bakla. Nagmamahalan sila dahil nakita nila sa isa't-isa ang standard na wala sa ibang lalaki na hanap-hanap nila.
Si Alice ay anak ni Governor Carding Mukanggago Santos. Ang gusto lang niya ay ang buong kabutihang kapalaran para sa kanyang anak na si Alice. Dahil sa pagmamahal niya bilang ama, pinangako niya sa Diyos, sa tao ,sa anak at sa namatay na asawa na siya ay magiging tapat na Gobernador ng Lungsod. Lahat ng nagiging boyfriend ni Alice, kahit mga kaibigan, dinadaan niya sa kanyang personal test na naglalayong malaman kung karapatdapat ba ang taong ito na makuha ang kanyang kamay. Ang rejected, patay. Madalas nakikita sa talahiban na hinihinalang na-hazing lang naman.
Nalaman ni Gov. Carding na nakipag live-in ang kanyang anak sa isang babae. Nagngitngit siya sa galit. Ayaw naman niyang patayin ang babae dahil alam ni Alice na siya lang ang magpapagawa no'n. Ayaw niyang magalit si Alice sa kanya.
Oo. Sabihin nating ang mga malalaking pangyayari sa buhay ng mga tao ay galing lamang sa kabaliwan ng iba. Nakakalungkot mang isipin. Maitatanong mo nalang, bakit? Pero wala tayong magagawa kung may kapangyarihan ang tao. Magagawa n'ya ang gusto n'yang gawin kahit purong kabaliwan lang ito, kahit walang malalim at tamang rason.
Isang araw, kinausap niya si Carlito Esteban Kughayan.
"Gusto kita para sa anak ko, si Alice." akbay niya kay Carlito.
Ngumiti lang si Carlito. "Pasensya na po. Hindi ko magagawa. Hindi ko naman mahal ang anak n'yo. Hindi ko din siya kilala."
Mas hinigpitan ni Gov ang akbay niya kay Carl. "Bakit naman?"
"May asawa na po ako." sagot ni Carlito.
"Si Luisa. Si Luisa tama? ...Kilala mo ako Carlito. Baka naman gusto mong mamatay ang asawa mo na hindi pa nasisilang ang anak n'yo. Besides, hindi pa naman kayo kasal eh."
Kabaliwan. Isip-isip ni Carlito. Anong dahilan at solusyon 'yan? Pero masasabi ba n'ya 'yon? Alam n'yang nababaliw na si Gov, na meron pang kapangyarihang pumatay nang hindi nadudungisan ang kamay.
Napatungo lang si Carlito at hindi na nakapalag pa. Mahal niya si Luisa, ayaw niya itong mawala kasama ang anak niyang si Carlito Jr. "Pero bakit po kailangan ako?" Habol niya sa paalis na Gov.
"Dahil wala na akong makitang iba. "
"Hahanapan ko kayo ng mas matino pang iba, 'wag lang ako. Pakiusap. Mahal ko po si Luisa."
"I know wala na. Alam ko namang wala kang panggatas sa anak mo eh. Hindi pa ata nakakapag-check-up si Luisa. Isa ka lang simpleng typewriter na singkwenta ang sweldo sa isang araw. I'm giving you opportunity. Take it or take it. "
Tumalikod na si Gov Carding, iwan ang mensaheng hindi niya maiiwasan. Ang pinaka masakit na trabaho. Humarap ulit ang Gov at nagbigay ng isang pirasong papel na may address. "D'yan mo siya makikita. Tapos kunin mo at buntisin."
Ang dahilan ni Governor ay dahil si Carlito ay dating tauhan at kaibigan ng drug lord na si Gio na siyang hangad-hangad si Hanna. Kung may mangyari mang masama, at least hindi siya ang masisi ng anak, kundi si Gio.
----
Kinahapunan, bumili ng siopao si Carlito at umuwi sa kanilang barong-barong. Nadatnan niya si Luisa na nagluluto ng pinakbet.
"Carlito, nandito ka na. Kanina pa kita hinhintay. Promoted ka daw sabi ni Governor. Mawawala ka ng ilang buwan bago ang kabuwanan ko. Ang bait niya talaga . no?"
Niyakap niya ang asawa at binulong. "Mahal kita Luisa"
Tumawa si Luisa. "Ayus lang. Nandyan naman si nanay para alagaan ako."
Kumain muna siya at tsaka nag-empake. Umalis siya sa bahay dala ang kalungkutan at pag-asang gaganda ang kanilang buhay....Kahit na wala ito sa kanyang prinsipyo
<pakiusap po mag comment kayo kung may dapat i-improve. Pakituloy narin sa kabilang page para malaman kung bakit nangyari ang trahedyang ito sa kanila.>

BINABASA MO ANG
Mga nangyayari kapag pinili ang 'tang-inang ngayon kesa sa langit na bukas
Truyện NgắnLimang tao na pinatay ang puso at isip dahil sa pagsuway sa kanilang Prinsipyo. Si Carlito nabaliw. Si Alice nakulong. Si Hanna naging sex slave. Si Luisa namatay. Si Gio naging adik. Alamin kung bakit naging ganito ang kapalaran nila. At bakit...