May tumawag kay Carlito at sinabing nasa kritikal na sitwasyon si Luisa. Hindi daw nais lumapit ng mga kapit-bahay dahil bantang hatid ng mga nakaitim na lalaki sa paligid ng kanilang kubo.
Agarang sumugod si Carlito sa kanilang bahay. Wala na ang mga lalaking nakaitim pati narin si Luisa. Dinala umano siya sa kanilangg van at umalis. Tinuro ng mga kapitbahay ang direksyon na kanilang pinuntahan, ngunit walang may alam kung saan sila pupunta. Tumakbo si Carlito ng mabilis hanggang sa kaya niya, iniisip ang kalagayan ng asawang buntis at pinanganak may sakit sa puso.
habang tumatakbo, bukambibig niya ang "Luisa, nandyan na ako."
Napatigil siya sa pagtakbo at biglang umulan ng malakas. May nakita siyang nakahiga sa kalsada, wala itong imik at galaw. Tumakbo siya palapit at nung makita niyang ang babaeng walang malay ay si Luisa, napaluhod siya sa basang kalsada habang sinasabayan ang langit sa pagiyak.
Sumugod si Carlito na basang-basa sa opisina ni Governor Mukanggago na may dala-dalang baril. Walang alam si Governor kaya nagtanong siya, "Carl, ano bang nangyayari?"
Sa, galit napasigaw si Carlito, "Gago ka! pinatay mo'ng asawa ko!" at sabay kalabit ng gatilyo na siyang ikinabagsak ni Governor sa kanyang upuan.
Nawawala na nga sa isip si Carlito habang tumatakbo sa ilalim ng ulan patungo sa bahay nila ni Alice. Pagdating niya, agad niyang binulyawan si Alice at tinutukan ng baril. Tumakbo si Alice sa hagdan at nagtago, ngunit humabol si Carlito, ngunit hindi niya pinutok ang baril sa kanya, sa halip ay lumuha siya.
"Pinatay ng peste mong ama si Luisa. Bakit niya kailangang gawin 'yon? "
Lumapit si Alice Kay Carlito upang patahanin, ngunit iba ang naisip ni Carlito. Sa paghawak ni Alice sa baril upang kunin ito, pinutok ni Carlito ang baril......na siya ang tinamaan. Gumulong siya pababa sa hagdan at nawalan ng malay.
Nadatnan ng mga pulis na si Alice ang may hawak ng baril na nakatutok sa katawan ni Carlito. Hinuli ng mga pulis ang blankong babae at pinagpaliwanag sa prisinto.
Nagtanong ang isang pulis "Sinadya mo ang pagbaril?"
"Hinde." sagot ni Alice habang may tumutulong luha mula sa kanyang mata
"So self defence?"
"Hinde."
"Pinatay niya ang ama mo. 'Di kaya ---paghihiganti."
"Hi-hinde. Hinde talaga"
Binigyan ng public attorney si Alice, pero dahil sa kapangyarihan ng kalaban sa pulitiko ni Gov. M, natalo siya at nakulong ng panghabambuhay.
Buhay parin si Carlito kahit papaano, ngunit hindi na malinaw ang kanyang pag-iisip. Araw-araw nauulit sa kanyang utak ang araw na nasa ilalim siya ng ulan hawak-hawak ang bangkay ng kanyang minamahal. Dahil walang pambayad sa kanya sa mental hospital, sikreto siyang pinakawalan at naging palaboy-laboy sa Maynila bilang taong grasa. Taong grasa na noo'y pangkaraniwang nangliligaw sa isang mabait na probinsyana, tumira sa iisang bubong kasama siya at ngayo'y napariwara dahil sa napilitang pagkawala ng kanyang prinsipyo.
Ano ba ang ending nito......
Naging sex slave ang babaeng karelasyon ni Alice na si Hanna.
Nag-drugs si Gio dahil sa pagkawala ni Hanna sa kanyang tabi
Namatay si Luisa na babaeng minamahal ni Carito.
Nakulong sa hindi malinaw na charges si Alice at...
Nabaliw si Carlito sa kasalanang hindi kanya.
Limang taong pinaglaruan ng masaklap na kapalaran dahil sa pagmamahalan nina Hanna at Alice. Masayang nagsimula pero malungkot na ginapos ng tadhana dahil lang sa pagbitaw sa kanilang.....Prinsipyo.
********
Mabalik tayo kay Susie--ang bata sa manila bay-- tanda n'yo? Iniisip parin niya ang maaring nangyari sa taong grasa sa basurahan. Gusto niyang tanungin ang kanyang pangalan kaya lumapit siya sa tao.
"Manong, anong pangalan mo?"
Napatingin sa kanya ang taong grasa tsaka bumalik sa basurahan. Wala siyang makitang pagkain maliban na lamang sa tinapay na hawak ni Susie. Hinablot niya ito mula sa kanyang kamay at tumawa.
"Ayos! matutuwa si Luisa nito" at tumakbo habang tumatawa.
Nalulungkot siya para sa taong grasa, pero ano bang magagawa niya?
Sa kabilang banda, lumapit ang isang madre kay Susie. Medyo tumataas ang mga kilay kay Susie. Patay!
"Tayo na Susie" sabi ng madre. "Bisitahin natin ang ina mo sa presinto."
********
<maari po ba kayong mag-comment? Gusto ko lang malaman ang tingin n'yo>
![](https://img.wattpad.com/cover/1173275-288-k261408.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga nangyayari kapag pinili ang 'tang-inang ngayon kesa sa langit na bukas
Short StoryLimang tao na pinatay ang puso at isip dahil sa pagsuway sa kanilang Prinsipyo. Si Carlito nabaliw. Si Alice nakulong. Si Hanna naging sex slave. Si Luisa namatay. Si Gio naging adik. Alamin kung bakit naging ganito ang kapalaran nila. At bakit...