CHAPTER 7

1 0 0
                                    


Thea's POV

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa baba.. Tiningnan ko muna ang orasan at laking gulat ko nang alas tres pa nang madaling araw.

Ba't naman kasi ang ingay sa baba, sino naman ang may kayang mag ingay nang ganitong oras? Ang sarap pa namang matulog, pero dahil sa hindi na ako makatulog ay lumabas nalang ako nang kwarto at bumaba.

Napa hinto sila sa ginawa nila at napadako ang tingin sa akin.

'patay' sabi nang singkit na lalaki.

'lagot na' sabi nang ala san guko ang buhok.

'dead end' sabi ni nerdy boy.

Tiningnan ko sila at nagbowed. "hi?" patanong kong sabi.

Sabay sabay silang na pa tayo at nagkandarapang gumalaw. Napatawa naman ako sa asta nila, ang cu-cute nila. Para silang 3 idiots.. Pero mas pogi sila..

"hello miss, ako po pala si John Layson Chua. But you can call mi john" ngiting bati ni nerdy boy..

"hi miss, ako nga pala si Macky Sabastian Hyun. You can call me, Mack." sabi ni san guko.

"hi din miss. Ako rin po pala si Zeke Nathan Lee, but you can call me Nathan." sabi ni singkit.

Napangiti na rin ako sa kanila..
"ako pala si Thea Nicole Ramirez, Thea for short. Nice to meeting you guys" then i held my hand at naki pagshake hands sa kanila.

"pasensya na po at na gising ka namin, eto kasing si Macky kung makasigaw parang babae. Bakla ka dude?!" sabi ni John..

"hindi nuh. Ikaw kaya tung kung makahampas ky Nathan eh may ginawa ang tao sayo. Ang arte arte mo." sabi naman ni Macky.

"hindi kaya. Sapakin kaya kita jan" sabay hampas ni john ky macky.

"tingnan mo naman. Sino kaya ang bakla sa atin dude, eh nanghahampas ka oh. hahaha! Babae ka dude" tawang sabi ni macky.

"eh gago pala to. Hindi nuh" akmang susuntukin ni john si macky pero nakatakbo na layo si macky.

Naghahabulan ang dalawa, parang mga aso't pusa kung tingnan.

Napangiti lang naman si Nathan sa asta nang dalawang lalaki. Ako naman ay napatawa talaga, ang kukulit kasi nila.

"Anong ingay 'to?!" galit na sabi nang nasa itaas.

Sabay kaming apat napalingon sa itaas. Nahinto sa habulan ang dalawa nang makita si Derreck na galit na galit..

Mabilis pa sa kabayo kung makatakbo ang dalawa palabas nang bahay ni derreck.

"Ang 'yare nila?" nasabi ko nalang bigla.

"Paumanhin boss." yumuko naman si nathan. At umalis na rin.

Boss? Kaya pala kung makatakbo ang dalawa ay parang nakakita nang multo. Bossing pala nila si Derreck. Eh magkasing edad lang naman sila ha. Sabi nang utak ko.

Hindi ko na malayan na nasa harapan ko na pala si derreck. Pinitik lang naman niya ako sa noo, dahilan para mapa balik ako sa sarili.

"aray" habang hinihimas ko ang noo ko.
"ang sadista mo talaga" patuloy kung sabi sa kanya.

Nagsmirked lang naman siya at na una nang maglakad patungo sa labas. Tiningnan ko lang siya at napaiktad nang magsalita siya.

"sumunod ka" walang lingong pagsabi niya.

When Cupids Hits YouWhere stories live. Discover now