Chapter 6

35 1 0
                                    

 Mga tsismosa talaga ang mga tao dito. Anong meron? Artista? Gusto ko na sanang bumalik sa office at wag ng sumama kaso nakakahiya naman kung pumayag na ako tapos aatras.

--------------------------

Magastos talaga si sir Jake, pwede naman sa cheap na kainan lang eh, mabubusog ako dun gaya sa canteen. Oo nga pala, hindi siya sana'y doon at di siya kumakain ng mga sineserve dun. Namimiss ko na talaga ang bestfriend ko =(

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng office.

"Joanna"-Jake

Napalingon ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Pwede ba kitang ihatid mamaya?"-Jake

 Natawa ako.

"Sir, dalawang gabi mo na akong hinahatid tapos ngayon ka nag-papaalam?"-Ako

Ngumiti siya sabay kamot sa ulo. Ang cute niya pag ganon ang itsura, parang bata.

"Sige sir, pumapayag akong ihatid mo mamaya."-Ako

---------------------------------

8:30

Heto na? haha ihahatid naman daw ako ni sir Jake.

"Tara na?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "sige sir tara na." Kilig ako, ano na naman kaya ang mga pwede naming pag-uasapan mamaya. Tinulungan niya akong mag-buhat ng mga gamit ko.

Pero!!!!!!!

Wait lang!!!

Tama ba ang nakikita ko?

Namamalik-mata ba ako? Totoo ba ang lahat? Pinuntahan ako ni Nick?

"I guess, nandiyan na ang sundo mo para sunduin ka." Sabi nito.

Napatingin ako sakanya, nakita kong may lungkot sa mga mata niya. Bakit ganito, parang feeling ko tuloy si sir Jake nalang ang samahan ko kasi parang mas kailangan niya ako ngayon eh. Ano ba ito.

Ngumiti siya. Ngumiti din ako.

"Sige ingat."-Jake

"Sige Jake, mauna na ako. Salamat pala, may next time pa naman eh, salamat sa pag-sabay sakin dito." Natawa siya sa huli kong sinabi. 

Tanaw ko sa malayuan si Nick na nakasandal sa kotse niya. Namalayan ko ding umalis na si sir Jake.

Lumapit ako kay Nick

BOOOOOOGGGGGHHHHHSSSSS!!!!!!

"Aray naman!" Reklamo nito.

"Ikaw kasi." Sabi ko na parang batang nag-lalambing.

Yinakap niya ako

"Namiss kita bestfriend."

Maslalo pa niyang hinigpitan ang yakap sakin.

"Siraulo ka, papatayin mo ako!" Sabi ko na hindi na makahinga sa ginawa niya.

Natawa siya at kumalas sa pag-kakayakap sakin.

"Sige, namiss mo naman ako di ba? Patunayan mo ngayon." Sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Anong papatunayan ko sayo?"-Nick

"Libre mo ako."-Ako

Napakamot siya ng ulo.

"Grabe naman to, di wag."

For YOU I will [on Hold]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ