Moment of truth [Part 2] =)

16 1 0
                                    

Maitulog na nga lang ng maayos. Antok ko lang to, hayts puro pantasya kasi kaya ayan ang nangyayari eh. Pero kasi parang totoo eh ang linaw kaya ng lahat ng nangyari.

Pati yung...

"Joanna, mahal kita." yung ganon oh. Tapos panaginip lang pala. Hayts, kaasar talaga.

Agrh.. ayoko na nga.

******

Tuesday na!!!

 BOOOGGGG!!!!!

Ano ba yung maingay? Nakakainis naman alam na ngang natutulog pa yung tao eh.

"Joanna, bumangon kana diyan, malelate na tayo." Si Nick?

Mabilis akong napabangon at inayos ang kumot na bumabalot sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Singhal ko sa kanya.

"Hindi ba obvious? Sinusundo ka, sabay tayong papasok." Sabi niya sabay ngiti ng pagkatamis tamis.

Hindi na ako nakapagsalita ng hilahin na niya ako at itulak papuntang banyo.

Arg! Asar talaga kahit kailan ang taong to.

Binuksan ko na ang shower pagkatapos kong isa-isahing tanggalin ang aking saplot.

Aaaaarrrrrggggg!!!!!

Ang Lamig ://

And the rest was history.

After 15mins. kong naligo ay sinilip ko muna kung nasa kwarto pa si Nick.

Cleared. Wala na siya sa loob ng kwarto kaya naman lumabas na ako.

"Matagal pa po ba si Joanna?"

>___< Bwisit talaga ang taong yun. Agad kong nilock ang pinto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang katok sa pinto.

"Oi, ano? Hindi ka pa ba tapos diyan? Ang tagal mo naman." Reklamo niya.

"Edi mauna ka na, sino ba nagsabing sunduin mo ako? Hello Nick may driver po ako. Tss."

Kinatok niya ulit ang pinto.

Sunod-sunod na katok.

"Arg! Ano ba! Wag ka ngang makulit diyan! Magpapalit lang ako."

Wala na akong narinig na ingay sa labas.

Nakapag-tataka at sinundo ako ng kumag na to. Hindi ba siya nagsasawang magpakita sakin?

"Ang tagal mo talaga kahit kailan, malelate na tayo."

"Nandiyan ka pa pala? Anong ginagawa mo." Tanong ko pero nakasara parin ang pinto, nagsusuklay na ako.

"Nagbibilang. Ang tagal mo ilang beses ng umabot ang 100 pero nandiyan ka parin. Di ka pa ba tapos? Anong oras na oh." Sa tingin ko nagpipigil na to ng inis, ganyan yan eh hindi makapag-hintay. Pagsinabing ganito dapat masunod agad, pero hindi yan uubra sakin. Haha. eh sa mabagal talaga akong gumalaw eh.

Binuksan ko na ang pinto. Nandun nga siya sa may hagdan at nakapamulsang nag-aantay sakin.

Lumapit ako sakanya.

"May driver po ako."

At inunahan ko na siyang bumaba, sumunod naman siya. Hindi ko na siya pinansin at dirediretso n ako sa kusina.

"Kakain ka?" tanong niya.

"Hindi ba obvious?" nakakapika na to ah.

For YOU I will [on Hold]Onde histórias criam vida. Descubra agora