Gab ♥
Normal lang ba na hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako? Hindi ko pa tanggap lahat eh.
"Apat na taon na yun Gab jusko naman kalimutan mo na yun!" Yan ang parating sinasabi sakin ng kaibigan kong si Nicole.
Nilulong ko ang sarili ko sa pag-aaral. 3rd year college na ako ngayon pero yung sakit hanggang ngayon nandito pa din.
"Come on Gab! Hindi mo sila pwedeng harapin kung apektado ka pa din!" Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nagmumukmok sana kaso biglang dumating si Nicole.
"Di ko pa kaya eh.." *sniff*
"Sinasayang mo lang luha mo sa gagong yun eh!"
Araw-araw umiiyak ako. Kahit sa School. Sobrang laki ng epekto ng Breakup na yun. Simula nun di ko na sila nakita pa.
Nagpunas ako ng luha ko at nag-open ng facebook. Para malibang sana pero nakita ko pa yung picture nila.
Kaya ayan napa iyak nanaman ako. Sabi nila iiyak ko lang daw 'to. Baka sakaling mawala kahit papano yung sakit.
"Oh? Anong nangyare?" Tanong ni Nicole at tinignan nya yung MacBook ko.
"Naging sila pala.." Sabi ko.
"Ang kapal talaga ng muka ng dalawang yan ano?" Galit na galit sya dun. Lalo na ako.
"Hayaan ko na kaya sila?" Sabi ko habang nagpupunas ng tissue sa mata ko.
"Oo. Hayaan mo na talaga!" Nakapamewang pa sya at pinapaypay ang kamay nya sa kanyang muka.
"Paki Deactive ng account ko Nics!" Utos ko sa kanya na agad nya namang ginawa.
"Nako Gab! 4years na kayong break ngayon ka lang natauhan?" Sabi nya at naki Instagram na ang bruha.
"Kasalanan ko bang ngayon lang ako nauntog?" Sabi ko at umiyak ulit.
"Oo!" Aniya.
Hays buhay parang life. Nalaman na din nila mommy lahat-lahat gusto nga nilang patayin si Jerome eh.
Hindi kami lumipat ng bahay kasi sabi sakin nila mommy hindi naman kaylangang kami pa ang mag adjust.
Parating nagso-sorry sakin si Tita Casey (yung mommy ni ex), pero syempre wala syang kasalanan dun.
I met Nicole at the Bar which is 4 years ago. Tumuloy ako sa Bar at nagpa lunod sa alak. Sya lang yung kaibigan ko ngayon di naman sa hindi ako friendly hindi lang talaga ako lapitin ng mga tao. Kasi karamihan akala nila mataray ako pero hindi naman ako ganun.
First Day of School namin bukas at Business Management ang course ko. Same kami ni Nicole.
"Oh Gab! Ano nanamang iniisip mo dyan?"
"Wala.. Pasukan na nga pala bukas!" Masiglang sabi ko. Ako lang ba? Oh talagang gustong-gusto ko talagang mag-aral.
"Yup. Pupunta ko dito ng 8am sharp at sabay tayo sa School.." Tumango ako bilang sagot.
Hindi required ang uniform sa School. Which is cool. I think.
"Alam mo Gab, I don't want to force you na i let go mo na sa puso mo si Jerome pero kasi yun yung kaylangan eh.."
"Alam ko naman yun Nics pero kasi bakit parang ang hirap?"
"Gaga! Mahirap talaga yan! Ang tanga mo kasi! Masyado mo syang minahal eh!"
"First Love ko eh.."
"Psh. Yaan mo andito naman ako tutulungan kitang magmove-on sa gago mong ex."
"Thankyou Nics!"
Nandito kami ngayon sa Room at kakaunti pa lang ang mga estudyante dito. Masyado pa kasing maaga para sa First Class.
Maya-maya lang dumating na yung Prof namin. Magpakilala daw kami sa harapan isa-isa.
"Hi I'm Alexander Santiago.." narinig ko somewhere at dahil dun napatingin ako sa mga kaklase ko. Sino kaya yun?
"Next!" Sabi nung prof.
Hanggang sa kami na lang ni Nics ang nagpakilala una sya bago ako.
"Goodmorning Everyone I'm Ma. Nicole Lequin.." Aniya.
And now it's my turn. Pumunta ko sa harapan and i face all of my classmates. Okay cool. Here we go.
"Annyeonghaseyo! I'm Gabrielle Jade Dela Cruz.." Sabi ko at umupo na sa tabi ni Nics.
Masaya na sana ang araw ko kung di ko lang nabalitaan na dito mag-aaral yung dalawa.
Nakakainis naman! Kung kelan gusto ko ng makalimot tsaka naman sila susulpot.
"Oh! Bakit naka busangot ka dyan?" Sabi sakin ni Nics andito ako ngayon sa kwarto.
"Dun na daw mag-aaral yung dalawa.."
"Dalawa? Ahh yung dalawang kupal!" Sabi nya at tinitigan nya pa ko na parang may iniisip na kung ano.
"Oh? Bakit ganyan ka matingin?" Sabi ko na may tonong nagtataka.
"Move-on? Turuan kita do you want?"
"Yah!"
Nako. Iniimagine ko pa lang na makakasalubong ko yung dalawa na magkasama parang mahihimatay na ata ako.
——————————————
A/N: Tuloy ko pa ba? Comment.
YOU ARE READING
YOU CHANGE THE WHOLE ME
Подростковая литератураHindi lahat ng Pagbabago ay masama. kasi malay mo ito pala yung makakatulong para maka move-on ka. para makalimot ka. I'm Gab, NAGMAHAL. NASAKTAN. NAGBAGO. umibig ako sa taong akala ko sya na si "The One". pero hindi pala. Sya si Jerome, ang lalakin...