Stupid Love

62 1 1
  • Dedicated kay man
                                    

BY: XTEE

Love is when you don’t give up and never lose hope despite of those hardships until you’ve found the one truly for you.

CHAPTER 1

Busy pa rin. Di ko alam kung ano ilalagay ko dito sa assignment journal na ‘to. Grabe naman kasi ang professor namin eh. College na at may pa-diary-diary pang nalalaman. Kurneeh… Napapalalim tuloy ang pag-iisip ko. Hanggang nasagi sa utak ko ang tatlong mga babaeng nagpatibok ng puso ko. Sina Abby, Carla, at Hannah. Kung kaya’t imbes na ang assignment ko atugapin eh nabaling na lamang ako sa pagsusulat sa lovelife ko. Mag-iisang taon na rin simula ng nangyari ito sa buhay ko.

Matagal na rin nung iniwan ako ng ex ko. Kaya ngayon parang talagang minamalas ako sa pag-ibig eh. Kung hindi binasted, pinapahintay naman. Kung hindi naman pinapahintay, eh hanggang kaibigan na lang. Ang hirap din naman umasa eh kung alam mong mapupunta naman sa wala. Pero kahit magkaganoon man yun, naging masaya rin naman ako. Nakatatlong pahina na ako sa notebook at doon ko na lang naisip na punitin ito at itapos. Malay ko ba kung may makabasa.

Itinapon ko ang sarili ko sa kama. WOOOWW! Sarap naman sa feeling oh! Miss ko na mag-contemplate sa napakalambot na bagay na ito. Syempre, palaging haggard at busy sa school eh. Teka… Oo nga pala, lovelife ko. Sige, ikikwento ko na lang tuloy sainyo.

Ako nga pala si Andy. 20 years old. Simpleng lalaki. Hindi masyadong payat, tama lang. Matangkad? Pwede na rin siguro. Soccer player. Soccer ah, hindi sucker. Mahilig din pala ako sa pagkain, lalo na yung chocolates. Ewan ba, bitter kasi ako. Ano ‘to, slumbook?

Nasabi ko na pala na bitter ako. Hindi ko naman kinasusuklaman ang pagiging single ko. Naiirita lang ako kung bakit parang minamalas ako sa babae. Tsk..tsk..

Supposedly, graduating na ako pero medyo nagpabaya rin naman sa pag-aaral eh. Sorry naman, tao lang. Eto at third year pa lang ako. WOW! Bagong classmates! Marami rin sigurong chix! First day ng klase, syempre, hindi pa kami masyado close ng new classmates, so bale palagi ko lang kasama nun eh barkada kong kagaya ko. Buti na lang at pare-pareho kami sa isang block. Tama nga hinala ko, marami ngang chix! Syempre nagpaka-cool ako hanggang sa tumama ang mga mata sa isang klasmeyt na maganda at boyish gumalaw. Talagang na-love at first sight ako. At pasulyap-sulyap lang ako sa kanya, ngingitian, at ako na talaga ang torpe.

Ilang araw na ang lumipas, nagulat na lang ako at kalat na sa klase ang ‘LIHIM’ kong pagtinging sa kanya. Ang daming chismoso at chismosa lang tlaga eh.

“Uy, uy! Si Abby oh!” Sabi nung isa kong barkada na si Justin, sabay turo pa kay Abby na papasok sa classroom.

“Tumigil ka nga! Ang awkward na tuloy.” Saway ko sa kanya.

“Ano ka naman ba, pre. Wag ka ngang torpe dyan. Ligawan mo na! Ang bagal nito!” Nagsalita si Carlo, barkada ko rin.

“Ano to? Takbuhan? Pinapamadali? Late na ba ako ah? Late na?” Sarkastikong sagot ko sa kanila. At ayun, tawanan na naman.

Tinitigan ko na lamang si Abby. Grabe, ang ganda talaga niya. Papayag kaya siyang manligaw ako? Ni hindi ko nga kayang lapitan o kaya naman kausapin eh. Hanggang text lang talaga kami. Ligawan pa kaya?

Para na akong stalker dahil sa bawat galaw niya, updated ako. Obsessed much? Hay grabe, sana di na lang ako naging torpe oh! Pero, isang araw…

“Pare, katext ko siya kagabi.” Sabi ni Paco. Na-confuse ako. “Sino?”

Tumawa na lamang siya. “Eh di, si Abby mo!” Konti na lang takpan ko ang bunganga nito eh.

“Pakihinaan naman ng boses mo, pwede? Oh ano raw?”

Medyo nalungkot siya. “Pre, 0.001% chance.” Sabi niya.

“Ano?” Tanong ko.

“0.001% daw ang chance mo. Pero, ok naman yun diba? At least may chance ka pa!” Patuwang sabi niya habang kinukuha ang cellphone sa bulsa. “Teka lang ah, may nagtext.”

“Si vice ganda siguro. Pfft.” Joke ko. “Teka… Oo talaga, may chance nga ako. Ni hindi nga umabot ng 1% eh!” Nanlumo ako. Parang wala talaga akong chance sa kanya. TT__TT

Ayun, hanggang text lang talaga kami. Ang lakas ng loob ko eh. Pick-up lines. Pero siya puro na lang bara. Hay, sayang naman oh!

Lumipas ang ilang araw, lumapit naman ang magsyotang kaibigan ko – sina Paco at Czarina.

“Kakausapin namin siya. You like? Or ikaw na lang kumausap?” Mahinang sabi ni Czarina. (Dakdakera rin it. Napano at parang mahinahon ngayon?)

“Bakit ko kakausapin?” Nagtatakang tanong ko.

“Kasi eh… may sinabi sa amin kagabi. Parang mas maganda kung kayo ang mag-usap.” Sagot naman ni Paco.

“Is it a good or bad news?” Tanong ko. Nagtitigan lang kaming tatlo. Hindi sila sumagot. Nagpaalam na lang at umalis. Kausapin siya? Oh please naman. Di ko nga malapitan eh!

Hanggang sa dumating na ang hapon. Nagpasya akong kumain muna sa canteen. At nabigla ako. Nakita kong nag-uusap sina Paco, Czarina at Abby. Mukhang malungkot sila. Na-curious ako. Parang gusto kong magpaka-ninja para lang malaman kung ano pinag-uusapan nila. Bakit ganun reaksyon nila? Haisst…

Hinintay ko na lamang sina Paco at Czarina. Sigurado naman sasabihin nila pinag-usapan eh. Kakampi ko kaya! At tama nga, nang matapos sila, nginitian ako at nilapitan.

“So…?” Tanong ko sa kanila. Alam nila na hudyat na yun para sabihin kung ano ang pinag-usapan.

“Uhmm… Eh… Andy.. Kasi…” Paputol-putol na sabi ni Paco. Hirap naman nitong kausap oh.

“Tumigil ka nga! Ako na magsasalita.” Buti pa ‘to si Czarina, dakdakera kasi. “Well… wag mo na lang daw siyang ligawan. Hanap ka na lang ng iba. Mas mabuti pang friends na lang kayo. Hindi pa siya ready eh.”

Ouch. Parang may sumaksak ng kutsilyo sa puso ko. Para ring nabuhusan ako ng sobrang lamig na tubig. BINASTED ako. Ang sakit naman.

“Ganun ba? Hehe… Ok lang.” awkward ng sagot ko ah.

“Sorry ah.” Nagulat ako nang sabihin yun ni Paco. “Wala na kami magawa eh. Hindi na namin siya napilit.”

Umiling lamang akong nakangiti. “Ano ba naman kayo. Babae lang yan. I’ll get over it. Marami pa naman dyan eh. Wooh! Tara, kain na tayo.” Alam kong nararamdaman rin nila kung ano ang nararamdaman ko that time. Panghihinayang at kalungkutan. Ano naman kasi magagawa ko? Ayaw niya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon