Plot Twist!!!!

28 2 0
                                    

Balisa parin ako sa nabasa ko....

Nakakainis na... Lagi ako sinasampal ni katotohanan. Inaano ba kita, ha?

Pero pumasok ako ng chill lang. Kasama ko parin barkada ko.

Pumasok din ako sa subject na classmate ko siya. Wala yung isa kong barkada na classmate ko dito. Ewan ko kung bakit.

Wala pa yung prof. Wala din yung iba kong classmates. Siya lang nakita ko dito.

Pero hindi ko siya pinapansin. Naupo ako sa ibang upuan.

Lumapit parin siya sakin.

"Uy nagreview ka na?"

Hindi ako iiling

"Uy grabe snob na"

Hindi parin ako umiling

Tinulak na niya ako at nahulog ako sa aking kinauupuan. Kainis bakla talaga.

Tumayo agad ako at hinarap siya.

"Pochi.. Ano ba?" Galit kong sabi

"Grabe to mas badmood ka pa sakin. Ako na nga tong na breakan at naapakan pa dignidad sakin ka pa galit?" Galit din na sabi niya

"Eh oo na pero hindi ikaw yung paulit ulit na nasasaktan" mga salitang lumabas sa bibig ko.

Napatingin siya sakin.

"Oo, Carl. Paulit ulit. Pa-fall ka kasi. Oo na gusto kita. Umasa ako na ganun ka rin. Umasa ako sa mga pinapakita mo sa akin...noon. Pero ni hindi mo nga sinabi sakin na may girlfriend ka na pala. Tas malalaman ko na lang na bakla ka pala"

Umiiyak na ako.. Oo umiiyak na ako.

Nahiya ako bigla sa kanya kaya tinakpan ko mukha ko.

Napatingin siya sakin sa gulat at maya't maya napailing-iling.

"Una..." Sabi niya "hindi ako bakla. Hindi ko alam kung sinong walang hiya ang nag hack ng account ko. Yung suot kong yun nung newbie's night yun"

Oo nga pala..
Yung theme kasi nun is cross dressing. Babae susuot ng panlalaki at lalaki susuot ng pambabae.

Natutuwa ako na malamang hindi yun totoo. Pero at the same time nahihiya kasi...

"Hindi ko lubos maisip na pati ikaw ay naloko ng post na yun. Akala ko ba magkaibigan na tayo"

Tiningnan ko na ulit siya. Tae parang nakakahiya na ng sobra.

"Pangalawa. Uhm...Hindi ko na alam"

Oo na.. Ayaw mo na sakin..

"A-ah.. Ganun ba yun? Sorry" sabi ko. whaaa nahihiya na ako sobra.

Nangangatog na mga tuhod ko. Nanlalamig na din kamay ko. Hindi lang dahil may kasalanan ako sa kanya kundi dahil na rin na alam na niya na may gusto ako sa kanya.

"So... Crush mo nga ako" sabi niya

Uwaaaah tinakpan ko ulit mukha ko. Ayaw ko. Di ko siya kaya tingnan. Uwaaaah

Oo na immature na sa edad kong to pero hindi ko talaga kayang tingnan siya sa mata.

"Ahaha ano ba, alisin mo nga yan" pilit niyang tinatanggal kamay ko sa mukha

"[Ayaw ayaw]" sabi ko habang hindi parin tinatanggal kamay ko sa mukha

"Hay nako. Para ka talagang bata" sabi niya

Unti unti kong tinanggal kamay ko.. Nakangiti siya sakin.

Tinakip ko ulit. Di ko kaya.

Imbes na pilitin niya parin tanggalin mukha ko sa kamay...

Este kamay ko sa mukha...

Kiniliti niya ako sa tagiliran

"Aray!"

Natanggal ko kamay ko sa mukha at agad naman niya ito kinuha. Wais din ano.
Ang lakas niya di ko matanggal.

Tiningnan niya lang ako. Pinikit ko mata ko. Ayaw ko talaga makipag eye-to-eye sa kanya.

"Ahaha oo na ayaw mo na ako makita. Pero gusto ko sabihin sayo na matagal ko nang nahahalata. Alam mo pwede mo naman ako ligawan na ngayon eh"

At inapakan ko siya habang hawak niya kamay ko.

"ARAY!!!!" Sigaw niya

"Ang yabang yabang mo. Oo crush kita pero babae ako hindi ako ang magliligaw no"

"Edi umamin ka rin.. Ulit. Aray!" Sabi niya nang apakan ko siya ulit.

Urgh. Nakakainis ka talaga crush.
Tiningnan ko kamay namin. Kinikilig ako ahaha

"Ahaha binibiro lang kita. Gusto mo ako na manligaw sayo."

Seryoso ba siya. Ang bilis naman.
Baka rebound lang ako.

"Ayoko maging rebound"

"Bakit rebound ka ba?"

Huh? Naguluhan na ako dun.

Binitawan niya ang kamay ko at tumalikod sa akin.

"Matagal na din ako may pagtingin sa'yo. Kaya lagi ako hingi ng hingi sayo ng papel at kina-close ka kasi nagpapapansin ako. Actually ikaw last kong pinansin kasi nahihiya ako. Pero hindi kita pwede ligawan kasi kami n Anna. Legal kasi kami. Inaantay ko na lang na sya na mismo makipaghiwalay samin. Nahihiya ako sa magulang niya eh." Nahihiyang sabi niya habang nagkakamot ng ulo at tumitingin kung saan saan.

"Eh wait lang ang bilis"

"Hindi kita minamadali. Kaya ko mag-antay."

Teka.. Manliligaw na ba talaga sya?
Nananaginip ba ako?

Kinurot ko braso ko para malaman kung nananaginip nga ako. Hindi.. Nasaktan ako sa kurot ko. Totoo nga to

"Ano na?" Sabi niya ulit

Uwaaaah eto na eh. Papayagan ba?

"Ahaiiiy nako.." Sabi ko. Nagbuntong hininga muna ako "Oo na manligaw ka na"

"Talaga? YES!!!"

Nagtatatalon siya na parang bata. May napansin ako sa room. Bat kami lang dalawa dito?

"Uy bat tayo lang dito?" Tanong ko

"Diba wala namang pasok. Wala man si sir"

O_O ganun.

"Eh bat andito ka?"
"Wala wala lang ako mapuntahan"

-----------
After ng ilang months narealize ko din.. Sincere nga siya.

Joker siya.
At higit sa lahat... Nagpaalam siya mismo kila mama. Gusto niya daw legal.

Dumating na sa punto na..

"Uy rapunzel ano na? Pinapaasa mo lang ba siya?" Tanong ng isa kong kaibigan

"Eee wait lang kayo ba nililigawan kayo ba?"

"Oo na. Pero ang haba na din kasi ng 7 months"

"Chill lang mga beshy.. Bukas oo na"

Actually gusto ko na siya sagutin. Pero may number ako na pinili. At bukas na yun.

Kinabukasan..

Nakaupo ako mag isa sa gazebo. Bigla siya dumating.

"Hello, future babe" yan lagi niya tawag sakin

"Pssh tumigil ka nga kakatawag sakin niyan"

"Wow.. For two months yan lagi tawag ko sayo ngayon ka lang nainis"

"Eh kasi nga ngayon na"

"Ngayon na ano?"

"The future is now"

"Whooot?"

Hays.. Low gets?
Nagbuntong hininga ako bago nagsalita

"Oo na tayo na"

----------- kaswa

For more short stories with plot twists, read the book of kahiya-hiyang pangyayari sa buhay, Sana Lamunin na ako ng Lupa
Thank you, Arigato Gozaimasu, Kamsahamnida, XieXie, Gracias
^____^

Nakakainis ka CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon