~fatedtoloveyou_4~

488 8 9
                                        

*_* Now i've realized how hard and difficult to be a writer... We cannot blame the writers if they will update their story late. ^_^ Now i really understand...

---------------------------------------------------------------------

~FATEDTOLOVEYOU~

CHAPTER 4

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ni Gail kahit natapos na ang sayaw. Nakaupo na siya sa table nila ni Sandy.

Kinausap na lang ni Gail si Sandy para libangin ang sarili at para mawala na rin ang kaba sa dibdib niya. 

"Kaw huh? sino yung partner mo kanina? Ang bilis mong makakuha ng partner ah!" sabi na lang  ni Gail kay Sandy.

"Wala yun, niyaya lang niya ako magdance and so pumayag naman ako, alangan naman na maiwan ako dito sa table. Kaw huh kanina pa kita napapansin dyan." si sandy.

"Na ano?" aniya.

"Kala mo di ko nakita yung twinkling eyes mokay Ethan ah. Don't deny it."

"Anong twinkling twinkling eyes ang pinagsasabi mo dyan. Wala ah."

"Dont deny it girl, you're caught in the act. haha!" si sandy sabay tawa.

"Ano ka ba wala nga." pagdedeny niya.

"Stop denying na girl. Gail! speaking of your prince charming, ayan sya oh." sabay nguso ni sandy.

"Huh??" 

Paglingon ni Gail, nasa likod na pala niya si Ethan.

" May I join to you, girls?" si Ethan.

" Sure na sure sir Ethan, you can be with Gail este.... you can be with us Sir! " si sandy.

"Actually may isosoli pala ako sayo Sir Ethan."

Bumulong muna si Sandy sa kanya.

"Hmp yan magdeny ka pa, kakausapin mo rin pala." bulong ni sandy bago umalis.

"Maiwan ko muna kayo dito, may kakausapin pa ako sandali." paalam ni sandy sa kanilang dalawa.

Naiwan si Gail at Ethan sa table. 

"Ahm by the way nakalimutan ko isoli panyo mo, eto oh." sabay abot ni Gail na panyo kay Ethan.

"Ah yan ba, sayo na lang yan. Di ko na yan kukunin."

"Ah ganon ba, thank you nga pala."

"Para saan?"

"Para dun sa pagdala sa kin sa clinic nung nadulas ako sa bathroom kanina."

"Ah yun ba, you'e welcome lady. May masakit paba sayo? kanina ka pa namumula dyan ah."

"Ah hindi. wala to."

Nagulat si Gail ng hawakan ni Ethan ang kamay niya.

"Malamig ang kamay mo ah, bakit?"

"Ah ah kasi malamig ang simoy ng hangin kaya medyo malamig kamay ko."

Mukhang hindi na matake ni Gail ang sunod na ginawa ni Ethan. Hinubad nito ang black tuxedo niya at inilagay sa balikat ni Gail.

"Suotin mo muna yan para hindi ka lamigin."

"Alam mo sayo na to. Baka ikaw naman ang lamigin dyan eh."

Uuy Concern? Concern?

"Sanay kaya ako sa lamig kaya sayo na muna yan."

Maya-maya may lumapit na tatlong babae sa table nila.

Tila nag-aagawan pa ang tatlo.

"Can I have a dance with you?" sabi  ng isa.

"Ai sorry girls, ako muna ang mauuna." sabi naman ng pangalawa.

"Excuse me! ako kaya ang nauna sa inyong dalawa." ang pangatlo.

"Pwede doon ka muna sa table namin sir ethan, it's unfair naman kung dyan ka na lang palagi sa babaeng yan!" chorus na pagsabi ng tatlo.

Aba nanadya talaga tong mga bruhang to ah! Upakan ko kaya kayo? Mga flirt!!! aniya sa isip niya.

"You better watch your mouth girls! " sabi ni Ethan sa mga bruha.

"Sige na Sir Ethan dun ka na lang sa kanila." si Gail

"Okay."

Kumapit na ang malalanding bruha kay Ethan. Nagroll eyes pa ang mga bruha!.

***

Bumalik na si sandy sa table. Mukhang umalis lang to para hindi makaistobo sa kanila ni Ethan.

"Oh ano sinabi niya , nagtapat na ba ng pag-ibig sayo?" si sandy

"OA neto oh. Exxag ka naman. Pag-ibig kaagad? hindi ba pwedeng ligaw muna?" si Gail.

Ano ba yung sinabi ko! 

"Naks! eh di umamin ka rin nyan eh. Inlove ka sa kanya noh." si sandy

"Huh? bakit? wala akong sinasabi ah."

"Sige magdeny ka lang ng magdeny."

"Hahaha. sige punta muna akong cr. "

Kapag may mga ganitong party sa barko. Nilolock talaga nila lahat ng mga rooms. Pero may cr para sa lahat. Kaya dun na lang dumeretso si Gail.

Nang makapasok sa cr. Nanalamin muna siya tapos nagpahid ng konting lip shiner and blush on.

Nagulat si Gail ng biglang nagsara ang door ng cr.

Sino kaya yung nagsara?

Pagtingin niya sa doorknob. 

Haisst! anong gagawin ko nakalock ang pinto.

Help!!!!! Help!!!!! Help!!!!! Help!!!!! 

Paulit ulit niyang sigaw para humingi ng tulong. Pero mukhang walang nakakarinig sa kanya ah. Pano kasi ang lakas lakas ng music sa labas. 

Sana may makarinig naman sa akin.  

Sandy!!!!!!!!!

Pero pati yata si sandy di sya naririnig nito. 

Ah yung cellphone ko. 

Ngee? wala pala dito naiwan ko doon sa table. Pano na to? anong gagawin ko?

--------------------------------------------------------------------------------------

SORRY YAN LANG PO ANG UPDATE KO..

NAKAKAPAGOD PALA MAG-ENCODE...HAHAHA pero saya! :)

                                                                                                                                      - JULY ALLIE -

Fated To Love You (SamVon FanFics)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon